Part 2 - Chapter 24

948 58 15
                                        


24 - Unfair

===


Buong araw akong nanatili sa bahay nila hubby para bantayan siya. Nung sumunod na araw, nagpasya akong umuwi muna ng bandang hapon sa bahay namin para makaligo at makapamili ng groceries. Wala na kasing stock sa bahay nila hubby.


Binilinan ko muna si Jeno na bantayan ang Kuya niya. Hindi ko nga alam kung nakikinig siya dahil tiningnan niya lang ako sandali at bumaling ulit sa IPad niya. Kailangan kong bilisan dahil malakas ang pakiramdam ko na dedma lang si Jeno kay hubby. Iyong tipong naghihingalo na ang kuya niya pero mas uunahin niya pang magbabad sa laro. Ano ba kasing meron sa Clash of Clans na 'yan na hindi niya na mabitawan kahit ilang minuto lang. Hinayaan ko na lang siya kahit na gusto kong batuhin sana siya ng plato kanina.


Nung umalis ako ay tulog si hubby, sana maging mahimbing na dahil napuyat kaming pareho sa taas ng lagnat niya nung nakaraang gabi. Sobrang kaba ang naramaman ko. I am not used in seeing him so weak. I hope he'll get better soon.


Pagkababa ko ng taxi ay napakunot ang noo ko. I saw someone standing in front of our house. Bigla akong kinabahan. Hindi kaya magnanakaw iyon? Baka mamaya masamang loob na iyon. Wala pa si Kuya sa bahay dahil kakatext ko lang sa kanya. Tawagan ko muna kaya si Kuya?


Gusto kong humakbang paatras pero naisip ko na baka OA lang ako. Mamaya napadaan lang pala si manong. Judgemental lang pala ako. Binilisan ko ang aking mga hakbang. I tried walking as fast as I can but I also don't want him to feel that I'm scared. Baka mamaya, mas lalo pang mapasama.


Napahinto lang ako dahil sa pamilyar ang bultong nakita ko pagkalapit. I know him. That player.


It's Vini.


Wait. Anong ginagawa niya dito?


Nakasandal siya sa malaking motor niya at nakayuko. He looks dull and lifeless. He is wearing a brown leather jacket na dalang dala niya. Right, he is a model after all.


"Ahem...Uy, Vini? Anong ginagawa mo dito sa tapat ng bahay namin? Hindi ka ba naliligaw?" Mukha pa siyang nagulat sa pagsasalita ko dahil bigla siyang napatuwid ng tayo. He looked at me like he is seeing me for the first time. He is not saying anything but his face went from surprised to emotionless. I don't know why but his poker face is scarier. Para bang laging may binabalak na masama.


"Saan ka galing?" He asked.


"Huh?" Nagulat naman ako sa tono niya na para bang striktong ama na naghihintay sa ginabing anak.


"Anong saan ako galing? Hinintay mo ba 'ko?" Pabalik kong tanong.


"Tss. Why am I even asking?" He hissed and then rolled his eyes. Aba, galit pa siya ha.


Sasagot pa sana ako pero pansin ko ang pamumula ng mukha niya. I can even smell alcohol from where I'm standing right now. He is drunk. Agad bumalik ang tingin ko sa motor na nasa likuran niya at napasimangot.

Not A Bad Thing (Book  One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon