2 - Call Me Baby
===
Napaangat ako ng tingin mula sa kaharap kong desktop dahil sa ingay na naririnig ko mula sa mga kasamahan ko. Pinalibutan nila ang isang kapapasok lang na babaeng trainee. Namumutla siya at mukhang nanginginig pa. I suddenly became curious. What happened to her?
"Anong nangyari Irina?" Tanong ni Jin sa kanya. Mas lalo namang lumapit ang mga babae sa kanya pwera na lang sa amin ni Ai na parehong nakaupo sa harap ng mga desk namin. Binigyan ko ng nagtatanong na tingin si Ai pero itinaas niya lang ang balikat niya at bumulong pagkatapos. "Malay ko." Ngumuso siya at sabay kaming nagbalik ng tingin sa mga kasamahan namin.
"Is he really that ruthless?" Dinig kong tanong ng isa sa kanila.
"That makes him hotter." Sagot naman ng isa na nanginig pa sa kilig. Who are they talking about?
"By the looks of it, parang ayoko na yata siyang maging crush. Look how flushed Irina is. Baka sobrang bad niya." Singit pa ng isang babae.
"Irina, hey! What happened? Magsalita ka naman. Hindi kami manghuhula para malaman kung ano ang nangyari. Napagalitan ka ba? Napahiya? O baka naman kinilig ka lang kaya ka ganyan." Sa tingin ko ay hindi naman siya kinikilig. Di ba dapat namumula siya at hindi namumutla na parang naubusan ng dugo?
"Ahm... He was..." Bago pa niya mabuo ang salita niya ay may namuo ng luha sa magkabilang mata niya. Napahawak pa siya sa dibdib niya na parang aatakihin. Kinabahan naman ako at muntik pang mapatayo sa kinauupuan ko. Napaimipit rin ng sigaw ang mga kasamahan ko dahil sa gulat sa naging reaksyon niya.
"What's with the commotion? Laura, you're next. The CEO's son is now waiting for your you. Don't make him wait so long. Move and follow me." Mrs. Ellis said while standing on the door looking so neat and highly. Napatingin ako kay Laura na napahawak pa sa braso ng katabi niya at mukhang namumutla na rin. Halos matisod pa siya sa paglalakad. Akala ko ba excited silang makita at makilala ang anak ng CEO? Tapos ngayon nabahag na ang mga buntot nila.
Saka si hubby? Anong ginagawa niya dito?
Tumayo ako at lumapit ng pasimple sa kinaroroonan nila. Nagpupulong pa rin sila at nagbubulungan.
"Jin, anong meron? Ano daw ang kailangan ng anak ng CEO?"
"To be honest, hindi ko alam ang trip niya. Basta bigla na lang nag may surprise visit na naman. Ang sabi kakausapin niya raw isa isa ang mga trainees." Bakit wala man lang akong alam sa mga pangyayari dito?
"Ganoon? Hindi kaya isa siya sa mga mag ha-handle sa atin?"
"There is a possibility. Not sure." Mukha namang hindi bothered si Jin at nakuha pang umupo at mag dekwatro habang umiinom ng energy drink niya.
"Kalorki ateng Sul. Isa-isa talaga tayo? Eh nung group meeting nga lang halos malagutan na ako ng hininga sa pressure. Nakakaintimidate ang presence niya. Oo, gwapo siya kung gwapo pero bakit naman siya ganyan? Nakakanerbyos." Bulong sa akin ni Ai. Mukhang narinig niya na rin ang sadya ni hubby.
BINABASA MO ANG
Not A Bad Thing (Book One)
Фанфик"Damn, I'm not even sure if I'll be in heaven after life but I'd find my escape out from hell just to find you." - Oh Sehun