Part 2 - Chapter 14

1.3K 52 10
                                    

 14 - Crocodile

===

"Hubby ko, sorry na." Wala pa ring reaksyon. Poker face lang siya habang nakaupo kami sa sofa set sa opisina niya. 

"Uy. Pansinin mo 'ko." From poker face, he looked a little bit irritated now. Nakita ko kasi biglang kumunot ang noo niya at halos magsalubong ang kilay. Kanina pa kami nandito, nakapagbihis na rin kami dahil nagpadala si hubby ng damit mula sa isa sa mga helper dito. I am wearing a skinny jeans and a black long sleeve blouse, which hubby specifically asked for. While him, on the other hand looks casual and fresh with his jeans and a plain white shirt. Ang bango na niya hindi na mapanghi. Mabuti naman. Huhu.

Magkatabi lang kami pero nakatingin siya sa kabilang direksyon. Kumapit ako sa kanang braso niya at patuloy siyang nilalambing. "Hubby naman, hindi ko naman sinasadya eh. Hindi ko naman ginustong ihian ka..eh..hehe..." I awkwardly said. 

I've been trying to talk about what happened for minutes now. Hindi niya na ba talaga ako mapapatawad? Kasalanan na bang mag jingle ngayon? Sa banyo ginagawa iyon Sulli. Bulong ng isipan ko. Whatever. Sagot naman ng isang banda. Huhu. I'm getting crazy. 

Napatulala na lang ako habang nakahilis sa braso niya. What I did was a major turn off. Tama ba naman kasing ihian ang boyfriend? Kung maibabalik ko lang ang pangyayari, sumugod na ako sa restroom kahit magalit pa si Mrs. Ellis.

Ilang sandali pa, may effective na paraan akong naisip. Aha. I'm so bright.

Inalis ko ang paghawak ko sa kanya at yumuko. Medyo itinabing ko pa ang buhok ko sa mukha. Ipinikit ko ng madiin ang mga mata ko at pinilit na maluha. Nainis pa ako dahil ang hirap pa lang mag emote. Humikbi ako kunwari at sinigurado kong maririnig ako ni hubby. I know this will work.

Naramdaman ko ang paggalaw niya sa pagkakaupo sa gilid ko kaya napaanggat ang labi ko at napangiti. Hindi naman niya nakikita ang  mukha ko kaya hindi niya mahahalata. Eeeh. Hindi niya na ako matitiis for sure.

Naramdaman ko na lang ang kamay niya sa mga pisngi ko at pilit iyong inangat paharap sa kanya. "Shit baby. Are you crying?" He looks tensed and surprised. Tinabing ko naman ang mga kamay niya kunwari. Hindi pa kasi tumutulo ang luha ko kaya yumuko ako ulit para magdrama. Nung maramdaman ko na namamasa na ang mga mata ko ay saka ako nagpasyang magpatangay sa paghawak ni hubby sa mukha ko.

He wiped my crocodile tears as well as my sweat. Ewan ko ba, may aircon naman pero pinagpawisan ako sa ginagawa ko.  "Stop crying. I'm not mad." Mas tinulisan ko pa ang pag-nguso ng labi ko at nilakasan ang paghikbi. "Eh bakit ayaw mo akong kausapin? Ayaw mo na ba sa akin? May tumulo pang panibagong luha mula sa mga mata ko at agad niyang pinunasan iyon.

"Sshh.. don't cry baby. I'm sorry. I'm sorry. I love you. " He looks so guilty. Waah. Hubby sorry. Ikaw kasi eh, hindi mo ako pinapansin.

He kissed my face and then he started caressing my hair. 

"Anong nangyari Sul? Namamaga ang mata at ilong mo? Anong ginawa niya sayo? Bakit ang tagal mo sa loob ng office niya? Sinaktan ka ba niya?" Sunod sunod na tanong sa akin Ai pagbalik ko sa training room. Kita ko ang pagtataka at pagaalalang gumuhit sa kanyang mukha. Hinawakan niya pa ang magkabilang braso na para bang naghahanap kung may galos ako.

"Ah..Hindi, hindi. Sige, mauna na ko. Bye. Ingat ka ha." Umiling ako sa kanya. Kumaway ako pagkatapos at lumapit sa desk  para kuhanin ang bag ko at lumabas na para umalis. Naghihintay kasi si hubby sa parking lot dahil sabay na kaming uuwi.

Okay na kami. Ang galing ko talaga mag-isip ng paraan.

Naiinip akong naghihintay sa paghinto ng elevator sa floor namin. Nahigit ko ang hininga ko ng makita kong naglalakad palapit sa akin si Mrs. Ellis. Ang talim kasi ng tingin niya na para bang may ginawa akong kasalanan.

I smiled at her and nodded my head to acknowlege her presence and to show respect but she did not stop and just walked straight away from me. Sinundan ko pa siya ng tingin pero napukaw ng tunog ng elevator ang atensyon ko.

I'm about to walk inside the elevator but I saw something I don't wanna see. Fuck.

 ===

You're so near, yet so far.

Waah. Team bahay na naman. I wanna see SuJu, BTOB and Tiffany Unnie so bad. My fangirl heart is sobbing hard. *sad face*

 PS: Maiksi diba? Wala kasi ako sa wisyo. Huhu. Ang corny pa ng chappy na 'to. Try ko mag update bukas. :/

Not A Bad Thing (Book  One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon