It's a movie marathon day with hubby. Nagkakasundo naman kami kapag action movies ang gusto niyang panoorin kasi trip ko rin ang mga ganoon. I find it really cool and exciting. May mga pagkakataon naman na kapag gusto kong manuod ng romantic movies ay hindi siya tumatanggi. Sa ibang lalaki siguro ang chessy 'nun at ayaw nila pero kay hubby okay lang, which is good.
He would just hug me and kiss me randomly while watching. Kapag naiiyak na ako sa mga eksena tatawanan niya ako sa una pero siya pa mismo ang haharap sa akin at magpupunas ng luha ko.
Dumaan muna kami sa kusina para kumuha ng snacks. Nakita kong dumating na si Jeno, ang nakababatang kapatid ni hubby. From what I remember, he is just fourteen years old but he is a tall boy. He has a lot of admirers because he is good looking but just like hubby, he is snobby and cold to a lot of girls.
Dumiretso si Jeno sa may fridge para kumuha ng tubig. Uminom muna siya at saka humarap sa amin para bumati.
"Nice game Kuya! Nanalo daw kayo?" Tiningnan lang siya ni hubby at hindi sumagot. "Wow, nice talking huh." Irap niya.
Humarap siya sa akin at ngumiti. "Ate Sul mas gumanda ka lalo ah." Kumindat pa siya sa akin pagkatapos niyang sabihin iyon.
"Fuck you Jeno. Lumayas ka nga dito." Bibig naman ni hubby ang bad.
"Ano ba naman 'yan. Watch your mouth Kuya, you should be a good example to me. Why are you always mad at me by the way? Porke mas gwapo ako sayo. Asus!" Pang-aasar niya
"Sumasagot ka pa?"
"Nagsasabi lang ng totoo."
"Get out." Masungit na sagot naman ni hubby.
Umirap lang si Jeno at lumapit sa akin para yakapin at halikan ako sa pisngi tapos tumakbo papalayo. Narinig ko na lang na may kumalabog pagkatapos. May pinukol si hubby sa tumatakbong niyang kapatid . Tingnan mo ito, una nanay niya ang pinagseselosan. Ngayon naman kapatid niya.
"Seloso!" Sigaw ni Jeno habang tumatakbo paakyat ng bahay.
Tatlo silang magkakapatid na lalaki. Si Kuya Hae ang panganay pero sa ibang bansa ang trabaho niya. Siya ang mas kamukha ni Jeno. As in pinagbiyak na kagwapuhan.
Akala ko nga hindi ko makakasundo si Jeno eh. Paano ba naman nung unang beses akong dinala ni hubby dito ang sama niyang tumingin pero ngayon masasabi kong sobrang close na talaga kami. Para ko na rin siyang tunay na kapatid.
Buti na nga lang dumating and coach nila hubby kanina sa may basketball court. Naramdaman niya sigurong may tensyon kaya siya na mismo ang lumapit. Lumayo na rin ang grupo nila Joe pagkatapos 'nun pero hindi nawala sa paningin ko ang creepy smile niya bago tumalikod paalis.
Ang totoo niyan, kababata ko siya. Magkapit-bahay lang kasi kami dati pero mukhang hindi niya na ako naaalala. Ang tagal na kasi noon. Bata pa kami pareho at matagal na panahon na ang lumipas.
![](https://img.wattpad.com/cover/18147228-288-k566525.jpg)
BINABASA MO ANG
Not A Bad Thing (Book One)
Fanfiction"Damn, I'm not even sure if I'll be in heaven after life but I'd find my escape out from hell just to find you." - Oh Sehun