Chapter 47 - Thinking Out Loud

2.9K 66 29
                                    

I feel so excited. Makikita ko na ulit maglaro ng basketball ang hubby ko. Nagkausap kami sa phone nung nakaraang araw at sinabi niya sa akin na kaya hindi siya nakapasok sa school ay dahil kasama niya ang coach at teammates niya.

Magkakasama pala silang pumunta para sa hearing ng nangyaring gulo dati. Matagal na pala iyong nilalakad ng mga kasamahan niya at nakakatuwa talaga kasi binigyan ulit siya ng pagkakataon. 

Mas mahalaga ang mga susunod na games dahil playoffs na para sa finals. Hubby is their ace player and they badly need him on the team. Nandito kami ngayon sa covered gym ng kalabang team. Sila Joe ulit ang makakaharap nila hubby sa finals kaya siguradong mas matindi ang magiging labanan.

Sa totoo lang, kinakakabahan ako sa pwedeng gawin ng kabilang team laban sa kanila. Most of them are are war freaks, I can still remember what they did last time and I'm still pissed about it. Paano pa kaya si hubby? Sana hindi siya madala ng temper niya. He is smart but then again when he is mad, he is insanely mad.

"Excited na talaga ako bessy." Niyugyog ko ang katabi kong si Krystal. Kanina pa nga siya mukhang inis sa akin dahil ang gulo ko. Natatbunan ko na nga yata ang pagiging fangirl niya. Hindi siya makakasama sa pag cheer dance dahil na injure ang kaliwang paa niya dahil sa practice.

"Ay, hindi halata. Kulang na nga lang maalis na ang braso ko kakahatak mo. Pati buhok ko nasasabunutan mo na nga eh. Kainis ka! Kaka treatment ko lang niyang buhok ko!" Sinamaan niya ako ng tingin sabay ayos ng banner na dala niya para kay Suho. Ewan ko ba sa babaeng 'to, mag momove on na raw pero ganyan ba ang tamang pag-momove on? Ang supportive naman yata niya sa taong kinakalimutan niya?

Inunat ko rin ang dala kong malaking cartolina para kay hubby. First time ko lang na ibabandera ito para mag cheer sa kanya. Dati kasi, nagdadala ako ng banner pero pag dating na ng game tinatamaan na ako ng hiya.

But it's different this time, I want my hubby to see that I'm a supportive wife and I'm not ashamed of it. I need to prove him something. Hindi lang naman siya ang proud sa kung anong meron kami eh.

Three quarters have already passed but hubby is still not out in the court. Walang lumalabas kahit anino niya, maski sa bench wala. Ano kayang nangyari? Binawi na ba nila ang desisyon nilang paglaruin ulit siya? Kanina pa ako sumisilip sa daanan ng mga players pero wala talaga. Nagsisimula na akong mag-alala. Hindi ko pa naman nadala ang phone ko sa sobrang excitement ko.

"Ang tagal naman yata ni hubby. Darating pa kaya siya?" Inilapit ko ang aking bibig sa tenga ni Krystal para marinig niya, maingay kasi.

"Sana bessy." Tumingin siya sa akin tapos sa court kung saan naglalaro ang mga players. "Lamang na ng walo ang kalaban at eight minutes na lang bago matapos. The team needs him. sabi niya darating siya diba? Tiwala lang." Nakita ko pa rin ang pag-aalala sa mukha ni Krystal. This is just the first game out of their three games for the finals but this is important because they will get an advantage if they win this.

Gusto ko na ngang lapitan ang mga teammates ni hubby para magtanong kung darating ba siya pero nagdadalawang isip na naman ako. Bawal kasing lumapit at mang-istorbo sa kanila.

Not A Bad Thing (Book  One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon