"Teka Jammy! Saan ba kasi tayo pupunta?" Kanina pa ako hila ni Jammy at hindi ko alam kung saan niya balak pumunta. Humahagikhik lang siya sa gilid ko at mukhang sobrang excited.
"Unnie, eh kasi narinig ko na sasama daw ang future ko sa practice game ng varsity. Gusto ko siyang makitang mag basketball ulit." Kiniilig niyang sabi.
"Future mo?" Parang alam ko na kung sino ang sinasabi niya pero naitanong ko pa rin.
"Si Sehun ba 'yan?"
"Yep! The one and only. Sino pa ba?" Si hubby nga. Mas updated pa siya sa akin ha.
"Bilis na unnie, baka maubusan tayo ng magandang pwesto." Hinila niya pa ako lalo. Kulang na lang yata banatin niya ang braso ko eh. Gusto kong sabihin na magdahan dahan siya dahil kulang na lang madapa siya sa pagmamadali. Habang naglalakad kami, naaalala ko na hindi naman pwedeng manood ng practice kaya pinigilan ko siya.
"Wait lang Jammy, hindi mo ba alam? Bawal manood ng practice sa loob. Kung may kakilala ka baka pwede pa. May kaclose ka ba doon?" Napahinto siya at tumingin sa akin.
"Okay lang 'yan unnie. Pinayagan nilang may mga manood ngayon." Nakangiti niyang sagot.
"Huh? Bakit?" Nagtaka naman ako. Kahit dati hindi nila basta pinapapasok ang kahit sino kahit na practice lang. Nakakapasok lang ako doon dati dahil kay hubby, noong hindi pa siya tinatanggal sa team.
"Ewan ko din. Tara na!" Hinila niya ko ulit pero ngayon patakbo na. Hindi naman siya excited sa lagay na 'yan.
Nakarinig ako ng ingay mula sa covered gym nung makalapit na kami. Mukha ngang pinayagan ni coach na magkaroon ng public viewing. Na-excite rin tuloy ako bigla kasi makikita ko ulit si hubby na magbasketball. Dahil madiskarte si Jammy, nagawa niya ng makasingit sa bandang unahan ng bleachers. Nilibot ko ang paningin ko at nagulat sa dami ng tao sa loob. Wala ba silang mga klase?
Nakita ko rin iyong grupo ng fangirls ni hubby na may dala pang banners. Hindi ko na lang masyadong tinitigan dahil baka mapansin pa nila ako. Habang nanonood kami ng game ay may inilabas na maliit na heart shaped cut out si Jammy mula sa loob ng bag niya.
Hawak hawak niya iyon habang nanood at itinatapat pa sa court kapag si hubby na ang may hawak ng bola. Nakikicheer rin siya kapag nakakapuntos sila. Pasimple na lang akong pumapakpak dahil nageenjoy akong panoorin ang katabi ko. Ang cute niya talaga. Teka nga, Ilang beses ko na bang nasabi iyon?
Sandali lang naman ang naging pratice game nila. Nanalo ang team b na kinabibilangan ni hubby. Wala pa rin talagang kupas ang galing niya sa paglalaro. Nanghihinayang tuloy ako sa pagkaalis niya sa team. Kahit na gusto kong magawan ng paraan, siya na rin ang nagpigil sa akin.
Dahil nga mahaba ang vacant naming pareho ni Jammy bago ang susunod na klase, inaya niya pa akong pumunta ng cafeteria para kumain. Narinig daw niya na didiretso ang basketball team doon kasama si hubby kaya naghanap siya agad ng magandang pwesto.
BINABASA MO ANG
Not A Bad Thing (Book One)
Fanfic"Damn, I'm not even sure if I'll be in heaven after life but I'd find my escape out from hell just to find you." - Oh Sehun