Part 2 - Chapter 20

1.4K 56 23
                                        



GULAT KAYO NOH? NAG UPDATE AKO AGAD. MUWAHAHA. :D




20 - Her Punishment



===



"Do you really wanna know that whole and real reason huh, Miss?" He muttered and I know right there and then that I don't wanna know anymore.


Hindi agad ako nakasagot. Gusto kong bawiin ang pagmamatapang ko dahil mukhang sa kangkungan ako pupulutin kung nagkataon. Hindi biro ang hamunin ang isang Oh Sehun. I shouldn't dare.


"What?" He raised his eyebrow at me. Sungit talaga nitong lalaking 'to, lagot siya sa akin mamaya. Akala niya ha! Wala siyang kiss-este hindi ko na lang pala siya papansinin ng konti.


Napanguso ako at sinusubukan kong mag-isip ng bonggang comeback pero walang pumapasok sa mahangin kong utak. Iyong kaninang tapang ko nawala ng parang bula.


Tapos lahat pa ng kasama namin dito halos lumuwa ang mata sa gulat sa pinaggagawa ko. Sino ba namang matinong tao ang kayang sumagot ng pabalang sa big boss niya. Okay, hindi ako matino eh.


"Ka-" Hindi ko naituloy ang sanang sasabihin ko dahil nag ring ang cellphone niya. Kinuha niya iyon mula sa bulsa ng kanyang coat at sinagot sa harap namin.


"What now?" He asked someone on the other line. "Okay. Fine. Yeah... Wait up." He stopped for a while and looked at us. "You can all go out right now." He dismissed us and got back to his phone call.


Hindi pa sana ako tatayo at may balak na hintayin siya pero mabilis namang nagbago ang isip ko dahil baka kung ano pang isipin nila.


"May sa baliw ka rin talagang babae ka noh!" Hiyaw ni Ai ng makailang hakbang kami palayo sa pinagmulan namin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at ikinulong iyon gamit ang dalawang nanlalamig na mga kamay niya.


"Anong pumasok sa utak mo at nagawa mong umariba ng pagsagot kay Sir? Nawawala ka na ba talaga sa sarili mo ha Sulli? Naka drugs ka ba? Anong nahithit mo? Gusto mo bang pati ikaw ma fire? Ano sumagot ka!" Pinawi ko ang mga kamay niya sa mukha ko.


"Paano ako makakasagot eh halos hindi ako makahinga sa pagkakahawak mo?" I rolled my eyes. "Huwag mo na isipin 'yun Ailee. Nagyari na eh."


"Punyemas ka! Anong trip mo? Gusto mo na bang mamatay ha?" Singhal niya.


"Mamatay agad? Pwede bang pagalitan muna?" Binatukan niya ako.


"Aray! Masakit 'yun ha!" Sumbong kita sa hubby ko eh.


"Ewan ko sayo! Bahala ka diyan!" Nagmartsa siya palayo at mukha talagang nainis sa ginawa ko kanina. Ayts. Kasi naman. Ang OA ni hubby eh.

Not A Bad Thing (Book  One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon