Special Chapter

1.3K 53 16
                                    



As requested. Here's a bonus chapter. <3


---


I heard him call me. He is inside the bathroom, taking a shower.  "Wait lang hubby ko!" Mabilis akong tumayo mula sa pagkakahiga sa kama. Medyo kanina pa ako gising pero tinatamad akong tumayo kaya mas pinili kong tumulala sa kawalan.


I'm still a little bit tired and my whole body is sore. Napapikit pa ako nang ibinaling ko ang balakang ko. Pagkarating ko sa harapan ng banyo ay kumatok ako ng bahagya. "Hubby? Bakit?"  Mukhang hindi niya naman ako narinig dahil sa ingay na nanggagaling sa bumubuhos na tubig kaya mas nilakasan ko pa ang pagtawag ko sa kanya. 


"Hubby? May kailangan ka ba? Nandito na 'ko." Pinatay niya ang tubig mula sa shower bago sumagot. "Can you please hand me the body wash?" He asked with a sweet voice.


"Ah, okay. Wait lang. Wala na pala diyan? Kukunin ko lang sandali." Pumunta ako sa mga grocery bags na nasa tabi ng kwarto namin. Hindi pa kasi namin nasasalansan ang karamihan sa napamili namin dahil medyo madami iyon at kakalipat lang namin ng bahay. Halos maayos na naman ang lahat dahil matagal na palang napatayo ni hubby ang bahay na 'to. Iyong mga bagong stocks at konting appliances na lang ang kulang. Nang makita ko na ang hinahanap ko ay patakbo akong bumalik kay hubby.


 "Hubby, eto na oh." Binuksan ko ng bahagya ang pintuan at isinuot ang kamay ko para iabot iyon.


"Baby, I can't reach it." 


"Huh?" 


"Come here." Utos niya.


"Ha?" Ayokong i-absorb ang gusto niyang ipagawa sa akin.


"Come inside."


"Eh bakit? Lumapit ka na lang dito para maabot mo." May kalakihan nga pala ang banyo kaya malayo ang pintuan sa may shower.


"Just get inside. Bakit ka ba kasi nagtatago diyan?"


"Siyempre naliligo ka kaya. Bilis na, abutin mo na. Nakakangawit kaya." Habang naghihintay sa paglapit niya ay bigla akong napatili nang hawakan niya ang braso ko at hilahin ako papunta sa loob. Muntik pa akong madulas at mabuti na lang ay agad niya akong nahapit sa may bewang.


"Hubby naman, basa na tuloy ako. Ugh!" Pilit kong pinupunasan ang tubig sa balat ko. Napatawa siya kaya tiningnan ko siya ng masama. "Sinadya mo talaga noh!" Tumawa pa siya ulit. 


"Paliguan mo 'ko baby." Napatigil ako at napalunok. Pumasok bigla sa akin ang katotohanang nakahubad siya sa harapan ko. He is still wearing his boxers shorts but still! He is still naked! He is my husband now but I'm still on the stage where in I'm starting to absorb all these crazy stuffs. 


Tinaasan niya ako ng kilay. "What? You're my wife and don't act like you did not see my body. You even lic-" Tinakpan ko kaagad ang bastos niyang bibig bago pa niya maituloy and sasabihin niyang hindi maganda. 

Not A Bad Thing (Book  One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon