Chapter 36- Darkness

3K 73 31
                                        

Dedicated to you new reader. Ang kulit ng comments mo. Haha. :)

At sa lahat ng masipag mag comment. I see you. You know who you are. *-* <3

===

"Kawawa naman noh. I'm sure sobrang sakit when your boyfriend cheated on you." Ayan na naman sila sa pagpaparinig. Cindy and her friends. Tama, sa kwento ng buhay ko sila ang mean girls na gagawin ang lahat maging miserable lang ako. Wala ba silang ibang matinong magawa sa buhay nila?

Naglalakad lang ako sa corridor ng building namin pauwi at patapos na nga sana ang nakakapagod na araw pero mas sinira pa nila. Ang assuming nila sa status namin ni hubby. Mas alam pa yata nila. Nakakarindi iyong mga taong wala namang alam pero walang ginawa kung hindi makialam at magsalita.

"Nagiging haggard pala talaga kapag broken hearted. Hahaha." Pinipilit kong pigilan ang sarili ko dahil konti na lang talaga susugurin ko na sila at pagsasampalin. Nangangati na ang mga kamay ko na dumapi sa namumuti nilang mga mukha eh.

Mahirap mang aminin pero medyo napabayaan ko na nga yata ang sarili ko. Medyo pumayat ako at wala na akong ganang mag-ayos pero maganda pa rin naman ako. May pagka-haggard nga ako pero di hamak naman na mas maganda pa rin ako sa kanila.

"Hey brat." Napalingon ako nung makarinig ako ng pamilyar na boses. Nakita kong preskong nakatayo si GD sa likod ko. 

"Oh bakit? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Nasa labas na ako ng school at nagtataka ako kung bakit siya nandito. Sa pagkakaalam ko, hindi siya dito nag-aaral.

He is wearing a white shirt, his blue jeans, and a cap on his head. Both of his hands are inside the pockets of his pants. Pansin ko ang maganda niyang rubber shoes na suot niya. Halatang mamahalin. Teka nga, bakit na tinititigan ko ang suot niya?

"I'm fetching you." Sagot niya sa akin.

"Huh? At bakit mo naman ako susunduin? Close ba tayo? Hihintayin ko na lang sila kuya dito."

Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. "May gagawin sila kaya nila ako pinapunta dito. Tara na, kanina pa ako naghihintay. Ang tagal mo." Nakasimangot na siya. Bakit ba pinasundo pa nila ako? Kaya ko naman umuwi mag-isa.

"Hindi na. Kaya ko naman umuwi ng walang sumusundo sa akin. Hindi na ako bata noh. Sige. Bye!" Nagsimula na akong maglakad sa kabilang direksyon, palayo sa kanya.

"You're really a hard headed brat." Habol niya sa akin.

"I'm not! Bakit mo ba ako tinatawag na brat ha? Hindi sabi ako brat! Saka ayaw mo ba noon? Hindi ka na mapapagod kaya umuwi ka na okay? Sasabihin ko na lang kanila kuya na ikaw ang naghatid sa akin."

"And now you're a liar." I sighed and stopped walking. We both hate the presence of each other and I don't understand why he is even standing here beside me. I want to slap him hard now.

"Sige. Kung 'yan ang gusto mo. Fine! Ihatid mo na ako. Payag na ako. Masaya ka na? Nasaan ba ang kotse mo? Halika na. Bilis!"

Not A Bad Thing (Book  One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon