Awkward. That's what I'm feeling right now. Kahapon pa nung nag-away kami ni hubby at hanggang ngayon hindi pa rin kami nagpapansinan. Alam mo iyong gusto kong magpadala ng text message at tawagan siya pero hindi ko magawa. Iniisip ko kung gagawin ko man iyon, ano naman ang sasabihin ko? Baka mas magalit pa siya kapag walang sense ang sasabihin ko o ang gagawin ko.
The last time we talked, ang sabi niya kausapin ko lang siya kapag matapang na akong ipaglaban kung ano ang meron kami. I honestly don't know how to approach him or how I will prove myself. I love him. Hindi pa ba sapat iyon? Ano pa bang dapat ko pang ipaglaban?
Habang nagkaklase kami ay hinati ang klase namin para igrupo. Bawat isang grupo ay may miyembrong lima hanggang pitong tao. Hindi ko alam kung matutuwa ako o kakabahan kasi naging magkasama kami ni hubby.
Umayos ang grupo namin at umikot pabilog para maging magkakaharap kami. Automatic na sa kanila na hayaan kaming magkatabi ni hubby. Sa totoo lang, ayoko kong ipahalata pa sa ibang tao na hindi kami maayos ngayon. I don't want any other issues.
"Sulli, paki abot naman kay Sehun oh. Thank you." Ibinigay sa akin ng kaklase ko ang isang papel kung saan susulat kami ng maibabahagi tungkol sa topic namin ngayon. Tuwing may kailangan silang sabihin o ipagawa kay hubby, idanadaan nila sa akin kahit malapit lang naman sila sa kanya.
Kung hindi sila natatakot sa kanya, nahihiya o kaya naman nagtatago ng kilig. Hindi pa rin naman nila napapansin na hindi kami nagkikibuan. Sa totoo lang, gusto ko na silang sabunutan dahil sa gingawa nila sa akin.
I looked at the beautiful man beside me. He looks so bored and almost sleepy. Iyong aura niya ngayon, iyong tipong hindi ka magtatangkang harangan ang daan niya. He really knows how to wear his cold and dark aura.
He is not speaking but I know he is not in the mood. He said yesterday that he is not mad at me but why is he avoiding me? I miss my sweet hubby.
"Sulli, paki tanong naman kung okay na kay Sehun itong paper natin o baka may gusto pa siyang idagdag bago natin ipasa?" Bulong ulit sa akin ng katabi ko. Ano ba 'to? Pass the message? Tsk.
"Ha? Eh ikaw na lang kaya ang magsabi sa kanya." Sagot ko naman.
"Ah... pero... Hindi ko kaya eh. Ikaw na lang please?"
"Bakit ba? Hindi ka naman niya kakainin ng buhay. May kamay ka naman kaya ikaw na lang. 'Wag mo nang iutos ang kaya mo namang gawin." Inis kong sabi. Nakakairita na kasi, kanina pa sila utos ng utos sa akin pwede naman nilang gawin ng sila mismo.
Hindi na siya sumagot pang ulit. Napansin niya siguro ang pagkainis sa boses ko. Well, mapapansin niya talaga iyon. Nagpasya na lang silang ipasa ang papel sa professor namin. Buti naman.
Nang matapos ang klase ay mabilis na lumabas palabas si hubby. Agad ko namang nilagay sa bag ko ang mga nakakalat kong gamit at humabol sa kanya. Napatid pa nga ako sa sobrang pagmamadali. Ang laki naman kasi ng mga hakbang niya.
Hinihingal ako humahabol pero sumama lang ang loob ko kaso bigla na lang siyang nawala. Saan na siya nagpunta? Sinubukan kong ilibot ang paningin ko at naglakad pa pero hindi ko pa rin talaga siya makita.
"Hubby naman." Bulong ko sa sarili ko. I just wanna hug him so tight right now but I can't if we'll stay like this. Distant and far from each other. I sighed. Pwede ba kasing masaya na lang palagi? Bakit kailangang pang may ganito? Ang hirap kapag ikaw ang kailangang sumuyo pero wala naman akong karapatang magreklamo dahil kasalanan ko. The blame is on me and I need to do something to fix this.
Muntik na akong matuwad mula sa pagkakatayo ko nang biglang may kumawit na braso sa may leeg ko mula sa likuran. Sisigaw na sana ako sa gulat pero naunahan niya kong magsalita. "Sshh. Baby Sul. It's me. Namiss mo ba ako ha?"
![](https://img.wattpad.com/cover/18147228-288-k566525.jpg)
BINABASA MO ANG
Not A Bad Thing (Book One)
Fiksi Penggemar"Damn, I'm not even sure if I'll be in heaven after life but I'd find my escape out from hell just to find you." - Oh Sehun