21 - Remind Me
===
Dumating na ang araw kung kailan magaganap ang runway show ng kompanya. I must say that this is a very exciting yet very tiring event to do. Maraming kilalang tao ang dumating at halos masilaw ako sa dami ng flash na nanggagaling sa mga camera.
Hindi natuloy ang sanang pangiimbita sa akin ng Mommy ni hubby na rumampa sa show. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila pero si hubby mismo ang nagsabi sa akin na hindi ko na kailangang gawin iyon. Nakahinga ako ng maluwag dahil alam kong mahihirapan akong tumanggi kung pipilitin pa rin ako ni Mommy. Kahit siya ay hindi na rin napilit ng Mommy niya na gawin iyon.
Namimiss ko na nga si hubby dahil hindi na kami ganun kadalas magkita. Kapag nagkakaroon ng oras ay hinahatid at sinusundo niya ako sa training. Kumakain rin kami minsan sa labas pero sinabi ko sa kanya na mas maganda kung magpapahinga na lang siya dahil pagkatapos ng on the job training niya may basketball practice pa rin siya.
Kailangan niya ring dumaan sa company para sa trabaho niya dito. I can see how tired he is but he is still trying his best to spend time with me.
Nasa back stage ako at kasama ako sa mga taong halos hinihingal sa pagtulong sa mga model na magpalit ng kanilang mga damit. Tanaw ko rin ang mga kasamahan ko nagkakagulo sa aking gilid. Lahat kami ay inutusang sumama sa event.
Itinuro sa akin ni Mrs. Ellis ang isang babaeng model at sinabing tulungan ko siyang isuot ang kanyang dress. Sumunod naman ako at tinulungan rin ang ibang models na hindi magkandaugaga.
Ang galing nga kasi sa oras na lumabas na sila mula sa backstage at maglakad sa runway ay parang effortless lang at hindi nangarag.
"You can help Vini." Utos sa akin ng isa sa mga stylists. Bigla akong kinabahan nang marinig ko ang pangalan niya pero nilingon ko pa rin ang lugar kung saan siya nakatayo. I can see him looking down at his white polo shirt. Sinundan ko ang mga daliri niyang isa-isang isinasara ang mga iyon. Infairness, he has slender fingers like a girl. Halatang alaga ang mga ito.
"Go." Bahagya akong itinulak ng stylist sa direksyon no Vini at muntik pa akong matapilok sa kableng nakaharang sa daraanan. Huminga ako ng malalim at pilit na ipinapasok sa utak ko na trabaho ito at hindi ko dapat personalin. Gaya nga ng lagi kong sinasabi dati, I should act professional.
"Tulungan na kita." Inalagay ko ang aking mga kamay sa butones ng polo niya para tulungan siyang isara iyon. Inalis niya naman ang mga kamay niya at pinanuod ako habang ginagawa iyon. Pinagpawisan yata ako dahil ramdam ko ang init ng pagtitig niya sa akin. "Don't close the first three buttons." He whispered. Tumango ako at seryosong inaayos ang damit niya.
Napatigil lang ako nang maramdaman ko ang kamay niyang dumapo sa noo ko para punasan ang pawis na tumutulo mula roon. Napaangat ako ng tingin sa kanya at tinitigan niya lang ako pabalik.
Wala namang sinabi kaya ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko kahit ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay. Ilang sandali pa ay tinawag na siya ng isa sa sa mga coordinator ng show at sinabing sumunod na sa pila ng mga lalabas.
![](https://img.wattpad.com/cover/18147228-288-k566525.jpg)
BINABASA MO ANG
Not A Bad Thing (Book One)
Fanfiction"Damn, I'm not even sure if I'll be in heaven after life but I'd find my escape out from hell just to find you." - Oh Sehun