Chapter 12- Rejected

4.6K 62 2
                                    


"Hubby ko..." I slowly walked in on his bedroom. Even his room smells so good, it's smells just like him.


"Hubby ko... Gising na." I hugged him from the back. Natutulog kasi siya ng pataob sa kama at nakasubsob ang ulo sa unan.  I hugged him  tighter when I felt how cold it is. I pouted when I realized that he is topless. Hindi yata siya nilalamig.


"Yohooo! Gising na! Rise and shine!" Sigaw ko para magising siya.


"Hmmm..." Akala ko gising na siya pero mas lalo niya lang niyakap ang unan niya.


"Hubby naman. Gising ka na. Hindi pa ako nag-aalmusal. Dali, ipagluto mo na ako." Nakayakap pa rin ako sa kanya habang naglalamibing


He opened his eyes and asked me to wait downstairs. He said he will take a bath first and I cannot do anything but wait.  Dahil bored ako dito sa baba, ako na lang kaya ang magluto? Pero hanggang piritong itlog at hotdog lang naman ang kaya ko at kadalasan sunog pa. Hihintayin ko na nga lang siya.


"Jeno? Nandito ka ba? Si Jenny 'to. Tara na. Sabay na tayo pumasok." Huh? Narinig ko na papalapit ang boses ng isang babae. Base sa boses niya, kaedad niya siguro si Jeno. Mas nakumpirma ko nang nakita ko ang ulo niya na sumilip dito sa kusina. Nagulat pa siya nung nakita niya akong nakaupo at nakatingin sa direksyon niya.


"Ah... He-hello po? Sinusundo ko lang po si Jeno. Nandito pa po ba siya?" Bakit naman niya kaya sinusundo ang kapatid ni hubby? Ang bata naman niya para maging driver ng school service. Okay, I should stop joking around, it's corny.


"Hindi ko alam eh. Baka nasa kwarto pa siya. Gusto mong silipin ko?" Lumabas na ako ng dining room at akmang maglalakad na sana para mag check pero bigla siyang nagsalita. 


"Sino pala kayo? Ang alam ko wala naman siyang kapatid na babae." Napataas tuloy ang kilay ko. Hindi ko gusto ang tono niya parang naninita na ewan.


"Eh ikaw, sino ka? Bakit mo siya hinahanap?" Masungit na balik ko sa kanya.


"Hindi mo na kailangan pang malaman. Sagutin mo na lang kung nandiyan pa siya. Teka nga! Ako na lang ang titingin sa kwarto niya." Nagulat ako sa sinabi niya. Unang-una, hindi ko siya kilala. Paano ba siya nakapasok dito sa loob? Hindi ko ba nailock ang pinto? Lagot ako kay hubby.


Pangalawa, wala akong tiwala sa kanya.


"Ate Sul, sinong kausap mo?" Nakita kong pababa si Jeno mula sa hagdan. Naka school uniform na siya at may suot na back pack. Hindi niya siguro nakita ang babae kasi natatakpan ko siya.


"Ha? Hindi ko alam..." Nawala ang balanse ko dahil bigla na lang akong tinabig ng batang katabi ko. Buti na lang nakahawak ako sa sofa.


"Hello! Jeno! Okay na pala, nakabihis ka na. Tara pasok na tayo." Ang laki ng ngiti niya habang nagsasalita pero inirapan lang siya ni Jeno at pumunta sa pwesto ko.


"Ate Sul, okay ka lang?" Hinawakan niya ako sa braso at nakita ko ang nag-aalalang mukha niya. Tumango ako at ngumiti.

Not A Bad Thing (Book  One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon