Masyado yatang napaaga ang dating ko. Kanina pa ako nakaupo rito pero wala pa ring Krystal na dumarating. May usapan kami na magkikita sa isang coffee shop pero ni anino niya ay wala.
Nagrereklamo na kasi siya na wala na daw kaming bessy moments kaya nag-set siya na ngayong araw dapat kami muna ang magkasama. Umorder na muna ako ng frappe at nag wifi. Ayos talaga kapag may internet, nakakawala ng inip.
Napatingin ako sa may pintuan ng tumunog iyon, mukhang may bagong pasok. Akala ko si Krystal pero nanigas ako nung makita ko nas Jack ang pumasok. Anong ginagawa niya dito? Yumuko na lang ako para hindi niya ako mapansin pero pasimple ko pa rin siyang tiningnan. Umupo siya sa pandalawang upuan na malapit sa glass window.
He is just wearing a simple grey shirt but he still looks like a dashing supermodel. Kahit medyo malayo siya ay naaaninag ko pa rin ang suot niyang itim at bilog na hikaw na mas nagpa-gwapo sa kanya. His arm tattoo looks good on him too. Ang lakas talaga ng appeal ng lalaking ito.
Nakanuot ang noo niya habang nakatitig sa cellphone. May pagka-bipolar rin ang isang ito eh. Kapag hindi mo siya personal na kakilala parang matatakot kang lumapit dahil sa suplado niyang itsura pero kapag naka-close mo na siya papatayin ka niya sa pang-aasar.
May mga babaeng kinikilig habang nakatitig sa kanya at may mga napansin rin akong kinukuhanan siya ng litrato. Sikat pala talaga siya. May lumapit na waitress sa kanya. Kunwaring kukuhanin ang order niya pero halata namang nagpapansin lang.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagsusurf ko sa internet at nagtext na rin ako kay Krystal para tanungin kung nasaan na siya. Ilang minuto lang ang nakalipas, tumunog ulit ang pinto ng shop. Ibig sabihin may taong papasok.
Umaasa ako na sana si Krystal na pero hindi pa rin pala. Ang ganda at sexy ng babaeng pumasok. She looks so familiar. I think she is a model. Ang slim naman niya. Nakasando lang siya at maikling shorts. Kahit mga babae hindi maiwasang mapatingin. She's stunning.
Inikot niya ang ulo niya na para bang may hinahanap at napangiti siya nung mukhang nakita niya na ang taong iyon. Sinundan ko ng tingin kung saan siya pupunta at nakita ko na dumiretso siya sa pwesto ni Jack. I saw them kissed and I hear the other girls murmuring on the background. They look so compatible.
Oh okay? Sila yata eh. Malamang Sulli. Ano ka ba naman. Magkikiss ba sila kung hindi? Malay mo naman ganoon lang sila magbatian diba? Eh bakit ko ba kinakausap ang sarili ko? Ayts.
Nakailang tingin na ako sa oras sa phone ko pero wala pa rin ang magaling na bestfriend ko. Naglalakad na rin pala palabas sila Jack at ang babaeng kasama niya. Napatingin ako sa table na naiwan nila at napansin ko na may naiwang phone. Iyon ang hawak kanina ni Jack.
I have to follow them. Kung hindi siguro kami magkakilala baka ihabilin ko na lang sa mga tao sa shop pero dahil magiging magkamag-anak na kami, kailangan kung magkaroon ng taos pusong malasakit para sa kanya diba? Haha. Lumalalim na naman ako.
"Hala. Nasaan na ang mga iyon?" Napatigil ako sa gitna ng daan dahil wala na akong makitang bakas nila. Ang bilis naman nilang mawala. Iyong totoo?
![](https://img.wattpad.com/cover/18147228-288-k566525.jpg)
BINABASA MO ANG
Not A Bad Thing (Book One)
Fanfic"Damn, I'm not even sure if I'll be in heaven after life but I'd find my escape out from hell just to find you." - Oh Sehun