7 - Bite
===
"Kuya, tumataba na ba talaga ako?" Tanong ko kay Kuya Tao habang kumakain kami sa dining room. Hindi pa rin umuuwi si Kuya Kris kaya kaming dalawa lang ang magkasama sa bahay. Bago kami kumain ay tumawag pa siya sa akin para kamustahin ako. I really do miss him but I should understand that he has an important work to do.
Inaangat naman ni kuya Tao ang tingin sa akin at sumulyap. "Ha? Oo. Bakit mo natanong?" I saw his lips curled to a mocking smile.
"Ha? Ano? Tumataba na ba talaga ako?" Napatayo at napasigaw sa sinagot ni kuya. Tumaba ba talaga ako? Nakakainis naman kasi si hubby. Sabi niya nagiging siopao na daw ang mukha ko eh ang payat ko naman. Tapos nitong mga nakaraang araw, palagi niyang pinipisil ang mukha ko at laging nanggigigil.
"Ouch baby, ang sakit sa tenga. Bakit ka ba sumisigaw?" Nakakunot noong tanong niya sa akin.
"Talaga ba?" Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko at kinurot. Napatawa siya bago magsalita.
"Relax baby, I'm just joking. Ang payat payat mo nga eh. Sino ba may sabing mataba ka? Uupakan ko 'yon. Sino 'yon ha? Ibigay mo sa akin ang address. Bilis!" Sinimangutan ko lang siya. Ang OA din ng isang 'to eh.
Bago ako matulog ay naligo muna ako. I want to feel clean and fresh. Ang tagal nga ng nilagi ko sa banyo. I told myself that I have to finish it within ten minutes but I failed. Pagkalabas ko ng banyo ay muntik na akong mapatid dahil nakapatay ang ilaw. Napailing ako dahil ang alam ko ay bukas iyon ng pumasok ako para maligo.
Kinapa ko ang switch ng ilaw sa pader na nasa gilid ng kwarto ko. Napahiyaw ako dahil may mainit na humawak sa kamay ko nung makapa ko ang switch. Sisigaw na sana ako ng mas malakas kung hindi lang biglang may nagtakip ng bibig ko mula sa likod.
"Sssh... baby. Don't shout. It's just me." He whispered in my ear. Nakilala ko agad ang boses at amoy ni hubby. Tumango ako at marahan niyang ibinaba ang kamay niya, pagkatapos ay siya na ang nagbukas ng ilaw.
Haharap na sana ako para pagalitan siya sa pangugulat pero hinapit niya ako sa bewang at binuhat papunta sa kama ko. Napahiyaw na ako ng tuluyan sa gulat habang siya ay natatawa sa reaksyon ko.
"Baby girl are you okay? Do you want me to go inside?" Natigilan ako sa sigaw ni kuya mula sa labas ng kwarto ko. I can hear the worry on his voice . He even went nearer and knocked on my door. Napatawa si hubby at sinubsob ang mukha sa buhok ko. Siniko ko siya ng kaunti dahil ang higpit pa rin ng yakap niya mula sa likod ko.
"Ah! Okay lang ako kuya! Nadulas lang. Matulog ka na! Good night!" Sigaw ko pabalik sa kanya. I heard him say okay ang muttered his good night before going away.
Nang makalayo so kuya ay saka humiwalay ng yakap sa akin si hubby at tumawa ng malakas. Humarap naman ako sa kanya at nilagay ang magkabilang kamay ko sa bewang.
"Anong nakakatawa hubby? Ang saya mo yata?" Hindi siya nakasagot agad at napapahawak pa sa tiyan niya habang tumatawa. Sa inis ko ay tinalikuran ko siya at humiga sa sa kama at patalikod sa kanya. Naramdaman ko naman agad siyang tumigil at humiga sa sa tabi ko. Niyakap niya ako mula sa likod. He is sniffing my hair while talking. "Sorry baby. Ang cute mo kasi eh. Namumutla ka, wala ka namang ginagawang masama ah. Haha. You looked so scared."
BINABASA MO ANG
Not A Bad Thing (Book One)
Fanfiction"Damn, I'm not even sure if I'll be in heaven after life but I'd find my escape out from hell just to find you." - Oh Sehun