Chapter 50 - Mad

2.1K 67 12
                                    

Hindi pa rin tumitigil ang ingay na nanggagaling mula sa labas. Sinusubukan kong pakinggan kung may maririnig ako pamilyar na boses pero wala. May naririnig akong mga boses ng mga taong nagtatalo pero hindi malinaw. I wanna get out of here. Sana makaalis na ako. Hindi ko na yata kaya ang pagod at panghihinang nararamdaman ko.

Ilang minuto pa, nakarinig ako ng mga yabag ng paa na papalapit sa silid na kinaroroonan ko. Halos malaglag ako sa aking upuan dahil sa gulat nang makita kong mabilis na naglalakad papunta sa pwesto ko ang aking kaklase.

His face looks so dimmed. Marahas niyang tinanggal ang pagkakatali sa mga paa at kamay ko. Matapos niyang tanggalin ang mga iyon ay hinila niya ako patayo. Muntik pa akong mapatid dahil nawalan ako ng balanse. Namamanhid ang mga paa ko at nahihirapan akong ilakad ang mga iyon.

Hindi ako makalaban dahil sa sobrang panghihina. Wala akong magawa kung hindi sumunod na lang sa kanya. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa namin at napatigil ako bigla dahil nakita ko ang lalaking kasama niya na nakaupo sa hallway ng bahay habang nakasandal sa pader.

Nanlaki ang mga mata ko  nung mapansin ko ang masaganang agos ng dugo mula sa kanyang braso. He looks so hurt. Wala naman akong narinig na tunog ng baril, napagtanto ko lang na saksak pala iyon nang makita ko ang isang kutsilyo sa tabi niya. Puno rin iyon ng dugo na siguradong galing sa kanya.

I can't beleive this guy. Paano niya nagawang saktan ang kaibigan niya? Kaibigan nga ba?

Naalala ko ang ginawang pagtulong sa akin kanina ng kasamang niyang lalaki at hindi ko yata kayang iwan na lang siya dito. Naisip ko na baka nagtalo sila kaya mag ganito ngayon.

"Teka, ano ba? Hindi natin siya pwedeng iwan dito, baka mapano siya!" Galit na sabi ko sa kaklase ko pero imbes na sumagot siya ay mas hinigpitan niya lang ang hawak sa braso ko at hinila ako paalis. Nagmamadali siya at hindi mapakali.

Kahit hirap ay pilit kong hindi sumunod sa paghila niya. Kailangan kong balikan ang lalaking iyon. Nilingon ko siya ulit at nagtama ang mata namin. Nararamdaman ko na may bagay na gusto siyang sabihin pero hindi niya mailabas.

Binalikan ko ng tingin ang lalaking humihila sa akin. Hinawakan ko ng madiin ang kamay niya at hinatak ito palayo. Tumakbo ako papalapit sa kaibigan niya. Akmang tutulungan ko na sana siya pero naramdaman ko ang mga braso niyang nakapalupot na ngayon sa aking bewang. Kung tutuusin, mas malaki ako sa kanya pero ang lakas niya. Lumutang ang mga paa ko sa ere habang karga niya.

"Ang tigas ng ulo mo! Aalis na tayo dito. Pabayaan mo siyang mamatay diyan! Duwag naman pala ang lintek na yan! Walang kwenta! Bwisit!" Marami pa siyang isinisigaw na mura pero hindi ko na pinansin. Binalikan ko ng tingin ang lalaking naiwan namin na ngayon ay nakapikit na. I don't want him dead. I hope someone will still save him. Kahit siya na lang.

Pagdating namin sa labas ay isinakay niya ako sa harapan ng sasakyan. Bago pa ako makakilos ay napaandar niya na iyon ng sobrang bilis. Nanlamig ako at napahawak sa braso ko. May malagkit na bagay ang nasa braso ko at nakumpirma kong dugo iyon.

Wala akong sugat, sa tingin ko ay wala rin ang katabi ko. It might be from his friend when he stabbed him. Just that thought alone, I know I'm not in good hands. Baka kung ano pang gawin niyas a akin na mas malala. I am silently wishing that they will find me... soon.

Not A Bad Thing (Book  One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon