Chapter 38 - Never Again

2.7K 68 44
                                    

You can play the video I posted first para mas feel na feel. :P

I'm still sick but I tried updating kasi nakakatuwa 'yong mga comments niyo. Ang kukulit. ^.^

-VeiRose

====

Nagising ako kinabukasan na maga ang mga mata ko. Buti na lang hindi na nila ako inusisa dahil doon. Kakauwi pa lang ng dalawa kong kuya sa bahay, buong magdamag nila akong binantayan. Hindi sila pumasok sa school at umalis lang sila dahil si Krystal naman ang magbabantay sa akin dahil uwian na niya galing sa school.

Kinakausap ako ni Krystal habang nagbabalat siya ng prutas sa may gilid ko, ako naman nakaupo sa kama habang nanood ng tv. 

"Hmmmm... bessy. Dinalaw ka na ni Sehun diba? Nagulat nga ako dahil pumasok pa siya kanina sa klase akala ko sasamahan ka niya dito. Weird."

Inalis ko ang titig ko sa palabas at napatingin sa direksyon niya. Seryoso pa rin siyang nagbabalat sa gilid ko.

"Ha? Eh kasi sinabihan ko siya na sila kuya na ang magbabantay sa akin." Pagdadahilan ko. Ayoko na munang maging topic namin siya. Hindi rin naman sila maniniwala kapag sinabi kong tapos na ang fairytale shit namin.

"Talaga lang? Pumayag siya na hindi ka makasama? Kahit naman pagbawalan mo siya, hindi ka niya iiwan. Ang weird niyo. Nag-away ba kayo ha bessy? Naaksidente ka na nga inaway mo pa siya. Ikaw talaga." Ako pa ngayon? Kung alam mo lang.

Hindi ko na siya pinansin pa at ibinaling ko na lang ulit ang tingin ko sa tv kahit hindi ko naman naiintindihan ang palabas. Gusto ko lang lumipad sa ibang bagay ang pag-iisip ko. I want my heart to mend. Sana nga nagka-amnesia nalang ako pagkagising ko para wala akong maalala. Wala siya. Walang sakit.

His sorry will never be enough. Sabi ko nga, hindi magiging okay at maayos ang lahat  nang dahil lang doon. Kung sana ganoon lang kadali. 

"Oh eto bessy. Kainin mo. Namamayat ka na ha. Huwag masyado ma stress okay? Buti ka nga may lovelife ka pa eh ako forever alone." Sumulyap ako sa kanya at nakita kong napanguso siya habang nagsasalita at inaabot sa akin ang isang plato na may nabalatan na mga prutas .

Pareho naman kaming walang lovelife, kung makapag inarte naman.

"Ay teka bessy. Wala na palang tubig dito. Bibili lang ako sa labas ng mineral water. Stay put ka lang diyan ha. Wait lang." Hindi niya na ako hinintay na sumagot at nagpatuloy lang siya sa paglalakad palabas.

Napahinga ako ng malalim. Ang sakit pa rin ng buong katawan ko parang mas lalo pang lumala. Hindi lang ako accident prone, sakitin rin ako. Naaalala ko tuloy dati laging si hubby ang nag-aalaga sa akin. Letsugas na lalaki, ayaw maalis sa ala-ala ko.

"You're always sick baby, I hate it." He embraced me tightly.

"Nandiyan ka naman hubby eh. Hindi mo ako iiwan diba? I know you'll take care of me." I smiled weakly at him.

Not A Bad Thing (Book  One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon