"Hubby, bad ka." Agad kong sabi kay hubby nang makapasok kami sa kotse niya. Iyong sa may likuran ang binuksan niya tapos hinila niya ako papasok doon. Ang lakas talaga ng loob niya kalabanin ang terror professor namin eh makita ko pa nga lang ang makintab na noo 'nun halos manginig na ako sa takot.
"Psh." Iyon lang ang sinabi niya tapos ay hinila ako sa bewang at ikinandong sa hita niya. Patagalid ang pwesto ko pero hinirap ko ang mukha ko sa kanya.
"Seryoso ka? He's fired?" Tanong ko sa kanya habang nakatitig sa maganda niyang mga mata.
"Joke." Poker face niyang sabi. Loko 'to ah. Inirapan ko nga. "Iyong seryoso na kasi hubby! Hindi mo naman masisi na magalit si sir kasi bad student ka! Bad!" Itanaas ko pa ang hintuturo sa kaliwang kamay ko para sumenyas na lagot siya.
"I'm bad?" Lumiit ang mata niya habang nagtatanong sa akin. "Yes. You are bad." Sagot ko sa kanya at pinaliitan ko rin siya ng mata.
"Are you sure?" Tanong niya ulit. "Yes. Yes. Yes." Nang-iinis kong sabi sa kanya. "Ah bad pala ha." Inilagay niya ang magkabilang kamay niya sa bewang ko at sinimulan akong kilitiin. "Sinong bad ha baby?" Hindi ako makasagot dahil halos hindi na ako makahinga sa kakakiliti niya.
"Hi-hi-hindi na hubby. Hindi ka na bad. Hahaha." Hinihingal kong sabi pero hindi pa rin siya tumitigil sa kakakiliti. "Hub-hubby ko, hindi na. Ha-ha. Ayo-ko na." Buti na lang tumigil na siya dahil halos kapusin na ako ng hininga.
Nang bumalik na sa normal ang paghinga ko tumingin ako ulit sa mukha niya, nakahawak pa rin ang mga kamay niya sa bewang ko. Seryoso siyang nakatingin sa akin kaya napaisip ako na baka may binabalak siya. Bumaba ang tingin niy sa labi ko kaya napalunok ako. May iniisip na naman siyang magandang ideya este masamang balak pala.
"Hub-" Magsasalita pa lang sana ako pero hinawakan niya na ang mukha ko at sinimulan akong halikan. Kaya naman pala. Badtrip nga pala siya kanina kasi nabitin siya sa pag-angkin sa matamis kong labi. Hihi.
Pagkatapos ng ilang minuto saka lang siya humiwalay ng kaunti pero magkalapat pa rin ang aming mga noo at halos magkadikit pa rin ang mga labi namin. Nakatitig lang siya sa labi ko. Kumuha lang yata siya ng kaunting hangin dahil inilapat niya ulit ang labi niya sa labi ko. Woow! Heaven!
Naitulak ko siya ng kaunti ng tumunog ang phone sa may pants niya. "Hu-hubby..." Hinihingal kong sabi. "Psh. Istorbo na naman." Inis niyang bulong." Akala ko kukuhanin niya ang phone niya pero inilapit niya ulit ang mga labi namin. Hindi tumitigil sa pag ring ang phone niya kaya hinawakan ko ang dibdib niya para marahang pigilan.
"Hubby. Sagutin mo muna." Mukha talagang inis ang mukha niya dahil nakanuot na ang noo at kilay niya. Umalis muna ako sa pagkakandong sa kanya para makuha niya ang phone niya.
Hindi siya nagsasalita at pinapakinggan lang ang sinasabi nung nasa kabilang linya. Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. "Fine." Maikli niyang sabi sa kausap niya pagkatapos ay ibinalik ang cellphone sa kanyang bulsa.
"Let's go baby." Lumingon siya sa akin at binuksan ang pinto ng sasakyan niya. Okay? Saan kami pupunta? Pagkababa ko ay hinawakan niya agad ang kamay ko at nagsimulang maglakad. Sinundan ko naman siya kahit nagtataka ako. "Hubby ko saan tayo pupunta?"
![](https://img.wattpad.com/cover/18147228-288-k566525.jpg)
BINABASA MO ANG
Not A Bad Thing (Book One)
Fanfiction"Damn, I'm not even sure if I'll be in heaven after life but I'd find my escape out from hell just to find you." - Oh Sehun