Magkatabi sana kami ni Krytsal tuwing Math subject pero dahil may nahuli ang professor namin na nagkokopyahan, iniba niya ang seating arrangement namin. Hirap pa naman ako sa subject na 'to kaya namomroblema ako kung sino na ang kokopyahan ko.
Hindi kami magkaklase ni hubby sa subject na 'to pero kapag may assignment, sa kanya ko pinapagawa. Mautak rin ako minsan eh. Haha.
Nasa pangalawang row ako nakapwesto ngayon. Napanguso ako at napabuga ng hangin. Katapusan ko na ba? Babagsak na ba ako?
Nasa may kanan ko nakaupo ang kaklase kong creepy. Lalaki siya at swear kinikilabutan ako kapag sumusulyap siya sa akin. Bawat minuto yata tinitingnan niya ako ng palihim at saka ngingiti ng parang manyak. Napalunok ako nung marealise ko na buong semester ko siyang makakatabi sa subject na 'to. Paking tape naman!
Ibinaling ko na lang ang ulo ko sa may bandang kaliwa, nag-aayos pa kasi ni ma'am ang seating arrangement ng iba kong mga kaklase. Napatingin ako sa katabi kong babae na may mahabang buhok. Ang cute ng pisngi niya kasi medyo chubby tapos ang puti niya pa. Mukha siyang koreana. Sa pagkakaalam ko siya iyong transferee student eh.
Oo nga pala. Naaalala ko na, siya iyong koreanang transferre namatagal na namamalagi dito kaya medyo sanay na siyang magtagalog. Ang alam ko irrefular student siya. Ngayon ko na lang siya napansin ulit dahil hindi naman siya palasalita.
Napababa ang tingin ko sa hawak niyang picture na nakapatong sa kanyang desk. Hinihimas niya pa ang mukha doon at halatang kinikilig siya dahil namumula ang buong mukha niya at humahagikhik. Ang cute naman niya.
Napataas ang dulo ng labi ko ng mapagtanto ko na si hubby ang tinitignan niya. Kuha iyon sa photoshoot niya sa US. His messy blonde hair is freakin' ugh!
Hindi naman ako nakaramdam ng inis, napangiti pa nga ako kasi ang cute niyang kiligin. Mukha lang siyang high school student na halos maihi ng dahil sa crush niya.
Napatingala siya sa akin at lalo siyang namula nung makita niya na nakitingin ako sa ginagawa niya. Naitago niya agad ang picture sa ilalim ng bag niya sa sobrang gulat. Gusto kong matawa sa reaksyon niya pero nakipagkilala na lang ako para hindi naman awkward sa kanya.
"Ah... Hi! I'm Sulli! Ikaw? Anong name mo cute girl?" Napahawak siya sa magkabilang pisngi niya at mukhang nahiya dahil nahuli ko siya.
"Uhmm... He-hello. Ako po si Jammy." Nahihiya niyang sagot. May accent ang pagsasalita niya, mukhang talagang taga ibang bansa siya.
"Hello Jammy! Magiging mag-seatmate na tayo kaya 'wag kang mahiya sa akin ha?" Nginitian ko siya ng matamis. I like her already. Sobrang cute niya sa paningin ko.
"O-okay. Thank you! An-ang ganda mo naman unnie." Namamangha niya titig sa akin. Hihi. Ano ba 'yan! Lalo ko siyang nagustuhan kasi ang honest niya.
"Ano ka ba, maliit na bagay!" Maarte ko sagot sabay hampas ng marahan sa braso niya.
BINABASA MO ANG
Not A Bad Thing (Book One)
Fiksi Penggemar"Damn, I'm not even sure if I'll be in heaven after life but I'd find my escape out from hell just to find you." - Oh Sehun