Part 2 - Chapter 17

1.4K 52 10
                                        



17 - Don't Leave


===


"Kuya!" Tinawag ko si Kuya Tao nung makita ko siyang nakatayo sa harap ng building kung saan ako nagta-training. Kahit nakatalikod siya ay alam kung siya iyon. May kaharap siyang mga lalaki at nag-uusap sila. Mukhang hindi niya ako narinig kaya mas nilakasan ko pa ang pagtawag sa pangalan niya.


"Kuya Tao!" Naglakad ako papalapit at patuloy pa rin sa pagsigaw ng pangalan niya pero hindi niya ako nililingon. Nakakapagtaka dahil nagsitinginan na sa akin ang mga lalaking kinakausap niya at siguradong naririnig na nila ako pero siya ni hindi nagawang lumingon sa akin.


Medyo hiningal pa ako sa kakasigaw ko, saka lang ako huminto ng makarating ako sa likod ni Kuya. Kinalabit ko siya at saka nagtanong kung ano ang ginagawa niya dito. Amoy ko pa ang mamahalin niyang pabango na hindi niya pinapalitan hanggang ngayon.


He is just standing like a rock. I can hear his voice while talking to them but he won't even look back at me.


"Kuya ko, bakit ka nandito? Susunduin mo ba 'ko?" Napakunot ako ng noo ng hindi siya umimik sa akin hanggang sa nagpaalamanan na silang mga lalaki sa isa't-isa. Tinapik nila ang balikat ni kuya at sabay na nagsialisan.


"Sige Tao pare, una na kami." Dinig ko pang paalam ng isa sa kanila. May mga sumulyap pa sa akin bago maglakad palayo.


"Kuya, uy!" Nagulat ako dahil hindi pa rin siya humaharap sa akin at naglakad lang palayo. Galit ba siya sa akin? May nagawa ba akong masama? Pero kahit kailan hindi naman siya nagtanim ng sama ng loob sa akin kaya hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya o kung may nagawa man ako.


Nanlambot ang mga tuhod ko sa panghihina ngunit mas pinili kong tumakbo ako dahil ang laki ng mga hakbang niya kahit naglalakad lang. Gusto ko siyang maabutan at makausap.


"Kuya, saan ka pupunta? Hintayin mo ko!" Hinila ko agad ang braso niya nang makalapit ako at hinatak iyon para makaharap siya sa akin.


"What the heck? Don't touch me with your dirty hands. I'm in a hurry. Let go!" Madiin niyang hinawakan ang kamay ko sa braso niya at nakaramdam ako ng sakit dahil sa pilit niya itong inalis. I feel like crying. I don't like how he is treating me right now. This is not him. This is not how he treats his little sister.


"Kuya, ano bang problema?" Sinamaan niya ako ng tingin bago sumagot. "You." Diretso niyang sabi.


He is looking directly in my eyes. His eyes are becoming red, they show fire and it made me feel really scared. I was never scared of him. Never. Kahit na may pagkamasama ng dating niya sa ibang tao, kahit kailan hindi siya nakalimot iparamdaman sa akin kung gaano niya ako kamahal at hindi niya ako magagawang takutin ng ganito.


"Anong ibig mong sabihin? May nagawa ba ako? Sorry kuya. Bati na tayo ha?" Hinawakan ko ulit ang braso niya. Naramdaman ko na ang pagiinit ng mga mata ko. Konti na lang talaga tutulo ng ang mga luha ko. I know he can see it.

Not A Bad Thing (Book  One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon