33 - Make Him Sad
===
It's been a hell week for me. His words keep repeating in my head. It's like a bullet fired staight into my heart. It hurts so much. So much that I don't know why I'm still breathing. His ruthless voice still lingers in my mind.
'Malandi.' That freaking word stings. How can he say that? Sa kanya pa talaga nang galing. Sa lahat ng tao, sa kanya pa. Nakaka tanga lang.
I'm in my room, in the middle of the night crying my heart out. In all places right now, this is the only place that makes me feel safe in a way. I'm alone and insane. I'm trying to stop myself from making any noise.
Minsan sinusubsob ko ang mukha ko sa unan, minsan naman tinatakpan ko ang bibig ko ng kumot. Ilang gabi na akong ganito pero walang tigil pa rin ang mata ko sa pag-iyak. May mga pagkakataon pa na kapag ako lang mag-isa kahit saang lugar bigla akong maluluha. It's pretty crazy. Kapag narinig ako nila Kuya maghahalo ang balat sa tinalupan. Hindi pa rin nila alam hanggang nayon ang nangyayari sa amin. Ayokong malaman nila dahil hindi lang basta gulo ang mangyayari. I don't want another headache.
Alam mo iyong pakiramdam na magpanggap na okay lang, na masaya ka, ngumingiti sa harap ng mga tao pero ang totoo ang sakit sakit na. Sobrang sakit na tapos wala kang mapagsabihan. Kinikimkim ko lang ang lahat. Nakakabaliw pala talaga.
This is too depressing and I miss the old me. Iyong masaya, magaan lang. Kahit si hubby lang bukod sa pamilya ko, ayos na. At the end of the day, I know deep inside me that he will always be that missing piece I'm dying to reach.
Hindi lang mahirap, sobrang hirap pero wala na nga yata akong magagawa. How can you fix something that's already been broken for a long time?
Ang tanga ko, umaasa pa rin kasi ako na bigla na lang siyang kakatok sa pintuan ng kwarto ko, yayakapin niya ako ng mahigpit. Tapos sasabihin niya na miss niya na ako ng sobra, na ayusin namin ang gulo pero hanggang ngayon tanga pa rin ako kasi wala. Walang hubby na sasalubong sa akin para sabihin na mahal niya ako. Wala na siya.
Nung isang araw lang nakasalubong ko siya pagkalabas ko ng elevator. Sinulyapan ko lang siya at agad na yumuko para umiwas. Sa totoo lang, siya nga ang dapat mahiya dahil sa masasakit na salitang binitawan niya pero wala eh, kahit isang 'sorry' wala. Ganun na nga siguro siya katigas. Dati naman hindi niya ako kayang tiisin. Dati yun Sulli. Dati.
Si Vini naman, ilang araw na rin na nangungulit. How dare him ask me why I'm avoiding him when someone took advantage of me while he is taking advantage of someone else. Akala ko tutulungan niyang gumaan ang loob ko pero mas pinabigat niya pa. He will always be a playboy that won't say no to any girl. Naiinis ako lalo kapag naiisip ko na kinalimutan niyang kasama niya ako at baka mapahamak ako dahil mas inuna niya pang lumandi. Ugh.That word again.
"Hey Sul, sorry okay? Forgive me. Bumalik naman ako pero wala ka na 'dun. You did it again, iniwan mo na naman ako. I looked for you all over the place but you're gone with the wind. Is it my fault? Ako ba?" Aba't binaligtad niya pa ha? Parang lumalabas pa na ako ang may kasalanan. Lechugas na lalaki 'to. Kung alam niya lang kung gaanong takot ang naramdaman ko habang sakay ng isang taxi ng hatinggabi para lang makauwi habang kumakalantari siya.
BINABASA MO ANG
Not A Bad Thing (Book One)
Fanfiction"Damn, I'm not even sure if I'll be in heaven after life but I'd find my escape out from hell just to find you." - Oh Sehun