I stopped when I saw brothers lying on my bed. What are they doing here? Naligo lang ako nakapuslit na sila agad dito? I have my own bathroom in my bedroom. I locked the door and I don't know how they got in here. They really have ways all the time.
Kuya Kris is lying on my bed watching on my flatscreen tv, both of his arms are under his head. Cool na cool ah? My other brother Tao is holding my tablet while sitting at the right side of my bed. I guess he's playing a game. Naku. Siguradong magse-selfie na 'yan maya-maya.
Ano namang kaya ang sadya ng dalawang 'to?
I am just standing and looking at them. I am waiting for them to notice me actually. Hindi naman ganun kalaki ang kwarto ko para hindi nila maramdaman ang presensya ko.
"Oh hey bunso! Kanina ka pa diyan? Hindi ka man lang nagparamdam?" Kuya Tao noticed me first. Sa wakas! Nangangawit na ako eh. Kuya Kris looks so engrossed with what he's watching. Still not moving.
"Anong meron? Bakit kayo nandito?" Lumapit ako sa kama at umupo paharap sa kanila.
"Ganun na lang iyon? Wala man lang Kuya I miss you? I love you?" Umaarte pa siyang nagtatampo.
"Anong arte 'yan?" Sagot ko kay Kuya Tao.
"Tsk. Tingnan mo 'tong maganda kong kapatid, kapag boyfriend niya sweet kapag kapatid niya wala wala lang. Nakakatampo ha." He pouted. Susmiyo! Arte talaga nito.
"Haha. Itsura mo naman kuya! Oh eto!" Gumapang ako sa kabilang side ng kama kung saan siya nakaupo at niyakap siya ng mahigpit. "Power Hug!" Bear hug tapos pinisil ko ang magkabilang pisngi niya.
"Alam kong gwapo ako bunso pero huwag naman masyadong manggigil. Nauunat ang balat ko masyado, kawawa ang mga girls ko niyan."
"Weh? Babaerong panda ka talaga!" Tawa ko sa kanya.
"Ouch!" Sa sobrang gulo namin nasiko ko na pala ang mukha ni Kuya Kris. Kung hindi ko pa tatamaan hindi pa mag-rereact eh.
"Sorry naman kuya. Galaw galaw kasi kapag may time." Hinaplos ko ang pisngi niya na nasiko ko.
"Anong sorry? Walang sorry sorry sa akin." He looked at me strangely. I know he's planning something that is not good. Hinablot niya ang kamay ko na nasa mukha niya at biglang kinagat.
"Ack! Aray! Waah kadiri! Bitaw! Kuya Tao tulong!" Imbes na tulungan naman ako ng isa kong kapatid eh tinawanan pa ako at saka kiniliti ako sa bewang. This is war!
Ewan ko na pero sobrang antok ako sa klase nung sumunod na araw. Alam mo 'yung nagtuturo sa harap ang professor mo, kunwari seryoso ka at tatango tango pa sa kanya pero wala naman talagang pumapasok sa utak mo. Ito iyon eh.
Hindi ko feel kapag puro discussion lang at lalong ayoko kapag random recitation tapos wala akong magets sa lesson. Feeling ko natatae ako sa kaba kapag ganun eh.
BINABASA MO ANG
Not A Bad Thing (Book One)
Fanfiction"Damn, I'm not even sure if I'll be in heaven after life but I'd find my escape out from hell just to find you." - Oh Sehun
