Part 2 - Chapter 18

1.4K 54 14
                                    



18 - Get Ready


===


"Hubby, saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya ng dire-diretso siyang naglakad papunta sa loob ng kompanya nila. Nagulat ako dahil ang alam ko ay ihahatid niya lang ako pero nagpatuloy siya sa paglalakad at nalampasan pa nga ako. "Hala." He pushed the elevator's button and looked back at me while waiting for it to open.


"Uy, bakit ka pa pumasok?" Bulong ko sa kanya habang tumitingin sa paligid. They shouldn't see me standing close and talking to the CEO's son. I will be dead. Baka magulat na lang ako at hilahin ako palabas ng mga gwardya dito.


"My office is here right, Ms. Sulli?" Napalunok ako sa bigla niyang pagiging seryoso. Sungit naman. Feeling ko tuloy ngayon, siya na talaga ang boss ko na dapat sundin, as in literal.


"Sabi ko nga." Sagot ko sabay ng pagtigil ng elevator sa harapan namin.


When we got to the elevator, I made sure that we are at least two steps away from each other. Baka sapian na naman ng masamang espirito si hubby at makalimutan na hindi nila dapat malaman na boyfriend ko siya. Binati siya ng mga taong naabutan namin sa loob pero as usual dedma lang siya.


Late na nga ako dahil ang tagal bago ko napaniwala si hubby na wala namang talagang nagpaiyak sa akin ng sadya. Kinuwento ko sa kanya ang napanaginipan ko at tinawagan niya pa si Kuya Tao para makumpirma iyon. He looked so pissed and I don't know why.


Pasimple akong sumilip sa cellphone ko na nakalagay sa aking shoulder bag. I stomped my right foot when I saw that I am almost an hour late. What the freaking hell? I am a dead meat right now. 


What will I say to Mrs. Ellis? That I was late because I had an argument with my boyfriend? Lalo akong mapapahamak. Kumalabog ang dibdib ko sa kaba na bigla kong naramdaman.


Kakaisip ko ng madadahilan ay hindi ko napansing lumampas na ako sa floor namin. Kung mamalasin ka nga naman. mas lalo pa akong male-late nito eh. 


Dahan dahan akong tumingin kay hubby na nasa may bandang likod ko. Tumitig siya pabalik sa akin pero poker face lang. Siguro tinatawanan niya na ako sa isip niya.


Ilang sandali pa, nakababa na ang mga tao mula sa elevator at kami na lang ni hubby ang natitira. Sa pinakataas na floor ang opisina ng CEO at mukhang doon yata siya pupunta. Bawal pumunta ang mga ordinaryong empleyado sa floor na 'iyon, pwera na lang kung may appointment o sadyang pinapunta, which is once in a blue moon.


Humakbang na si hubby papalabas at naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. Marahan niya akong hinihila palabas pero pinigilan ko siya at umiling.


"Eh...hehe. Mr. Oh. Sige na po. Sorry, nagkamali ako ng floor." Tinitigan niya lang ako.


"Come over here." Nasa labas na siya habang ako nasa loob pa rin ng elevator. Nasa gitna ng pinto ng elevator ang mga braso naming naghihilahan kaya hindi pa rin sumasarado iyon dahil sa censor.

Not A Bad Thing (Book  One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon