It's already been three days when I last saw hubby. Mababaliw na yata ako. Isang linggo siya mawawala kaya ibig sabihin maghihintay pa ako ng apat na araw. Four freaking days! Hindi na talaga ako sanay nang nawawala siya ng matagal.
Alam mo iyong feeling na may kulang? Hindi ako mapakali dahil hindi lang siya malayo, sobrang layo niya. Tapos ano na lang ang ginagawa niya doon? Eh maraming mga babeng pwedeng lumandi sa kanya dun eh. Ugh. I hate this. I'm being paranoid again.
His mother is a fashion designer and their family owns fashion slash modeling company. They are really rich and that is just one of their family business. Kaya pala tumatawag palagi ang mommy niya nung mga nakaraang araw dahil sa pabor na gusto niyang hilingin.
Sa totoo lang, ang tagal na talagang hiling ni mommy iyon sa anak niya pero ngayon lang siya napagbigyan. Nablackmail niya yata si hubby at hiningi niyang birthday gift iyon. Hubby looks stubborn pero hindi niya naman talaga matitiis ang mommy niya. Sabi nga ni Jeno, mommy's boy siya kahit ayaw niya ipahalata.
May anniversary special and company nila kaya gusto ng mommy niya na siya ang ma feature. He will do a magazine cover and may commercial pa yata. May mga events rin na kailangan niyang puntahan. He hates spotlight but for his mother I know he will endure it. Hubby is now in the US para doon.
On the day that he is flying out of the country to do it muntik na nga siyang mag back out. Pinilit ko lang siya kahit sobrang inis na siya noon. Bigla tuloy pumasok sa isip ko na sana hindi ko na lang siya pinilit na umalis. Ayan tuloy, ang down ng pakiramdam ko ngayon. I miss him so bad. Feeling ko maiiyak na ako sa lungkot pero pinipilit kong intindihin.
Sinabihan na ako ni hubby na magiging busy siya doon dahil susubukan niyang pagkasyahin sa isang linggo ang schedule niya para makauwi siya agad. Nakakapag-chat naman kami at facetime pero minsan lang.
Kunwari masaya ako kapag ganoon at hindi ko pinapakitang maiiyak na ako at sobrang lungot kasi siguradong lilipad iyon pauwi dito. Kahit siguro marami siyang maaabala kapag nangyari iyon wala siyang pakialam.
"Bessy, anong pinagkakaguluhan nung mga babae doon?" Bumalik ako sa huwisyo ko nang biglang magsalita si Krystal. Sinundan ko ang tingin niya at nakita ko ngang may kumpol ng mga estudyante ang nagkakagulo sa may gate entrance ng university. May shooting ba? Krimen? Aksidente?
"Lika bessy, let's take a look." Hinila ako ni Krystal at patakbo kaming pumunta sa lugar kung saan nagkakagulo.
"Grabe! Ang gwapo niya!"
"Artistahin talaga siya. Kyaaah! I can't beleive this."
"Papicture please? Post ko lang sa facebook at insta ko. Waaah gwapo!!!"
"Yummy. Can you marry me please?"
Sino ba iyong pinagkakaguluhan nila? Sinubukan kong tumingkayad para makita pero dahil sa dami ng tao mukhang walang pag-asa na matignan ko kung sino man iyon.
"Bessy, lika na. Uwi na tayo. Nagugutom na ako eh saka baka online si hubby."
BINABASA MO ANG
Not A Bad Thing (Book One)
أدب الهواة"Damn, I'm not even sure if I'll be in heaven after life but I'd find my escape out from hell just to find you." - Oh Sehun
