Chapter 2 - Game

7.3K 110 4
                                        




May basketball game ngayon sila hubby. I feel so excited. Last week pa nga ako naghahanda para dito. Gumawa pa talaga ako ng banner para mas magpakita ng suporta sa kanya.


He plays really good basketball and I feel so proud of his accomplishments. He's an ace player and a very good leader. Hindi naman maipagkakaila iyon at kahit sinong nakakakilala at nakakaalam ng kakayahan niya ay siguradong sasangayon


"Uy, Sul." Kalabit sa akin ni Krystal. "Ayos ba 'tong banner na ginawa ko?" Binandera niya pa sa harap ng mukha ko ang dala niyang malaking cartolina.


" 'Go Suho my loves! Fight! Fight! Fight!'  Oh, ano? Ayos ba? Ewan ko lang kung hindi pa kiligin ang  bebe loves ko." Ang lakas ng halakhak niya habang binabasa iyon. Teammate ni hubby si Suho, na siya namang ultimate crush ni Krystal.


Mestiso at malakas rin ng dating ng taong iyon. Simula yata ng makita niya ang lalaki ay walang araw na hindi siya nagpatansya. Kaso nga lang hindi yata siya ang type. Ang tagal na nga niyang naghahabol pero parang wala pa ring kahit anong development. Dedma to death pa rin.


I checked my wristwatch to check the time. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang laro nila. Nasa loob na kami ng covered court pero hindi pa naman lumalabas ang mga players. Kakatapos lang kasi ng first game. Kinuha ko muna ang cellphone ko para hindi ako mainip.


I received a notification from my older sister Tiffany. She sent me a link to her new commercial. She looks so dashing and beautiful. Too bad, wala na naman siya dito dahil sa trabaho niya. She's internationally known as a famous model slash singer.


I closed the tab after watching the video and checking some updates from my social networking profiles. Maya maya lang ay napangiti ako nung makita ko na nag text si hubby.


Where are you baby?  Napangiti ako ng mas malaki dahil sa kilig.


Nandito na kami. Galingan mo ha. I love you! I texted back.


Kailan ba ako hindi naging magaling? He boasted. I can already imagine his lips turning into a smirk from the other line.


Yabang talaga ng hubby ko. Tumingin ka sa pwesto ko mamaya ha. Bibigyan kita ng flying kiss para mas lalo kang gumaling. :)


I will but after the game I want a real kiss.


Napalunok ako. Sana matapos na ang game –este sana manalo sila hubby. Napatingin ako sa paligid at nahagip ng mata ko ang mga fan girls niya na nagpunta rin para manuod. I can hear them talking about their fantasies about him. Nakita ko nga na may mga gumagawa pa ng fan page na para sa kanya sa mga social networking sites. 


Narinig ko na ang mga sigawan sa paligid. Mukhang papasok na ang mga players. Naramdaman ko ang gigil na pagyugyog ni Krystal sa braso ko. Kinikilig na naman ang bruha. Ang lakas ng tili. Nakita ko pang tumayo siya at winagayway ang banner na ginawa niya.

Not A Bad Thing (Book  One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon