Part 2 - Chapter 11

1.6K 52 10
                                    

11 - Drive Me Crazy

===

"Teka lang. Sandali! Saan mo ba ako balak dalhin? Ang sakit na ng paa ko." Kanina pa ako nagtatanong sa kanya at nagrereklamo pero dedma lang siya. Kanina niya pa rin ako hila at walang siyang tigil sa paglalakad kaya damay na rin ako. Nung makarating kami sa tapat ng elevator ay pinindot niya agad iyon para magbukas.

Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa kamay ko. Napalunok ako ng matindi. Hindi naman kami close pero kung makahila naman siya sa akin akala mo kung sino. And why is he dragging me away?

I don't know why but I can almost hear my heart beating from the inside. Takte. Kalma lang Sulli.

Tahimik lang kami sa loob ng elevator. I can smell his manly scent. Bakit parang gusto kong mas lumapit sa kanya at saka siya mas lalong singhutin? It feels so awkward though. Sakto kasi na kaming dalawa lang ang laman ng elevator. Mahina akong nanalangin sa utak ko na sana may pumasok na ibang tao.

"Hey... Bitawan mo na ako." Bulong ko ng may kasamaang pag-iingat. Iyong itsura niya kasi parang halimaw na bigla na lang mangangain ng katawang lupa ko. Nakakunot ang noo niya tapos yung mga mata niya parang laser beam. Afraid.

"Shut up!" Halos mapatalon ako sa inis na narinig ko mula sa boses niya. Bakit ba siya pa ang galit? Ako na nga ang napahiya kanina at ako pa 'tong nakakaladkad. Psh. Highblood masyado.

I tried pulling my arm away but I felt him tighten his grip on my hand. 

Yumuko na lang ako at hinayaan siya sa gusto niya. Wala na rin akong lakas pa para makipagtalo. Naalis lang ang tingin ko sa sahig nung magbukas ang elevator at tumambad sa amin ang mas tahimik na paligid. Hila niya pa rin ako at pumasok kami sa garden, kung saan ko siya nakita dati.

Saka niya lang binitawan ang kamay ko ng makarating kami sa loob 'nun. Nakatayo kaming pareho, nakatagilid ang tayo niya sa harap ko. To be honest, I feel shy around him. Bakit naman hindi eh, bukod sa pangalan niya wala na akong alam tungkol sa kanya. Napaisip ako, alam niya man lang ba ang pangalan ko? Haist.

"Uy, teka! Bawal sabi 'yan eh! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" Nakita ko kasing dumukot siya ng sigarilyo sa bulsa niya at saka sinindihan iyon. Napaubo pa ako at napahampas sa hangin para ilayo ang usok. Sinamaan niya lang ako ng tingin at nagpatuloy sa paghithit. How sensitive, Mister Vini huh?

Napatitig ako sa paraan ng pagsisigarilyo niya. Damn it. He looks so attractive even if he looks so bad doing it. Swag ba ang tawag 'dun?

"It's bad for your health." I tried to sound like a concern citizen. Baka kasi bigla na naman niya akong singhalan, mahirap na.

"Psh. You're bad for my health." He whispered but I heard it.

"Anong sabi mo?" Tumaas ang labi ko. Hindi na siya sumagot at napuno na naman ng awkward silence sa pagitan namin. I tried to look around to lessen the tension. Kunwari busy sa pagtingin sa paligid.

Nakakainis, hindi ko nga alam kung bakit kasama ko 'tong lalaki na 'to. Merong nagsasabing parte ng utak ko na umalis na pero parang may mas malaking parte ang bumubulong na huwag. 

Napatingin ako sa kanya ng itapon niya sa sahig ang natitirang maliit na piraso ng sigarilyo. Lumapit ako ng kaunti doon para apakan at mawala ang upos. Pambihira, hindi man lang nagkusa. Para bang wala siya pakialam kung masunog man ang building ng dahil sa kanya. Careless.

Nakita ko kung paano niya alisin ang pagkakatuck-in ng tshirt niya mula sa skinny jeans niya. Looks like he is irritated with it. Nahagip tuloy ng mgagaganda kong mata ang ilan sa mga pandesal niya na mukhang bagong luto at mainit init pa. Eh di wow talaga. Nakakahanga naman kasi talaga ang mga lalaking may bato bato sa sa tiyan. Iyong saktong laki lang.

"Ouch!" Naramdaman ko ang pagpitik niya sa noo ko. "Para saan 'yon? Ang sakit ah! Tsk!" Tinakpan ko ang noo ko at marahang hinimas. Psh. Ang laki ng daliri niya eh!

"Stupid and pervy girl." There he goes again with that killer eyes.

"Wow ha! Stupid? Agad agad? Eh di ikaw na ang matalino! Saka hindi ako pervy ha, napatingin lang sa abs mo, pervert na agad? Judgemental much? Tsk." Napatakip agad ako ng bibig sa pagkakadulas ko. Ibuko daw ba ang sarili? Ugh.

I saw him almost curve his lips to a smile pero mukhang hindi niya na tinuloy. Bakit parang pagdating sa akin, ang tipid niya sa ngiti niya. Napaatras ako dahil bigla siya humakbang papalapit sa akin. Umakyat yata lahat ng dugo ko sa ulo. I already knew he is trapping me again when I felt the hard and cold wall at my back. 

"You talk too much." Pinagdikit niya ang mga ilong namin at nahigit ko ang aking hininga. His face is perfect. I can't see a single pore even if we are facing each other this close. He is so freaking... whatever!

"Ah... eh... Uuwi na po ako." Napalunok ako pagkatapos. He smirked and I felt both of his hands touching my waist. Nakakakiliti pero pinilit kong pigilan. My chest is beating so damn hard. It feels like almost suffocating myself in the process.

"You..." Naghintay ako ng sasabihin niya pero ilang segundo na ang lumilipas pero wala pa rin.

"Ano? Ah... Gabi na, uwi na ko." He is not saying anything back and he is just looking at me straight in the eyes. I froze when I felt his hands roam around my waist until it stopped at my back. Mas hinapit niya pa ako papalapit sa kanya at halos mahihiya na ang hangin na dumaan. I can already smell his sweet and minty breath.

"Why are you so stupid?" Umusok yata ang tenga ko sa sinabi niya. 

"Hindi ako stupid. Stop saying that." He chuckled but I can't hear any humor from it. How can it be?

"You drive me crazy." He whispered as I felt his warm lips on my right ear.

Not A Bad Thing (Book  One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon