Special Chapter III

1.3K 51 26
                                    




I woke up in the middle of the night again. I felt my mouth watered thinking of my midnight cravings. Ilang gabi na akong ganito at palaging naaabala si hubby dahil ginigising ko siya parati para ipagluto ako o kaya naman ay maghanap ng mga weird na pagkain sa labas. Tumagilid ako ng higa paharap sa kanya kaso lang ay nakatalikod siya ng higa sa akin. Pasimple akong yumakap mula sa kanyang likuran at sinighot ang natural na mabangong amoy niya. 


"Hubby..." I whispered while my face is still buried on his back. "Hubby... Nagugutom ako." Mukhang napahimbing na ang tulog niya dahil hindi man lang siya natinag.


"Hubby ko, gusto ko ng fish balls." No reaction.


 "Uy, hubby." Sinundot ko ang tagiliran niya ng ilang beses at doon lang siya napakislot. Nagkusot siya ng mata at marahang humarap sa akin. He kissed my forehead and asked me what's wrong.


"Hungry?" I nodded shyly. "What do you want this time?" Parang may bahid ng inis ang boses niya at kasabay noon ay ang pagkunot ng kanyang noo.


"Galit ka?" I pouted with teary eyes. I'm being so emotional again. Kasi naman siya eh, parang naiirita na siya sa pangungulit ko. I stared at him and I saw how his face soften when he saw me tearing up.


"No baby, I'm just asking." He touched my face. "What do you wanna eat?" He asked sweetly and I can't help but grin. I got so excited when I remembered what I wanna eat.


"I want fish balls, kikiam, hmmm... kwek kwek and banana cue." Napakunot noo siya. "Saka ano pala litsong paksiw at sago't gulaman." Napaupo ako ng kama dahil sa excitement na makakain. Buti nga hindi pa weird ang cravings ko eh.


Umupo rin siya sa tabi ko at tiningnan ako na para bang isa akong alien. "Baby... how in the world can I found those in the middle of the night?" Tiningnan ko siya ng masama.


"I mean, 'yung street food na sinasabi mo wala na 'yun. Look at the time." Itinuro niya ang wall clock. "It's almost one in the morning. They're not there anymore and even if they are there I won't buy you those shitty food. Those are bad for the body, it's not clean okay? I won't risk it." I pushed him but he won't move.


"Even the supermarket is not open anymore. Please baby, I'll cook you something else." Nakikiusap ang mga mata niya pero wala akong nararamdamang awa, nagdadahilan lang siya para hindi mautusan.


"Pero 'yung mga 'yun ang gusto ko eh!  Iyon ang gusto ni baby. Nagugutom na kami." I whined like a little kid. Ipinadyak padyak ko pa ang paa ko sa kama. 


 "Hey, hey!  Baby. Shhh. Calm down. Don't do that." He wrapped his arms on my body to stop me from what I'm doing but I'm really hungry and I don't wanna listen to his excuses.


"Ano ba! Gusto ko nang kumain! Nagugutom na nga ako eh!" 


"Maraming pagkain sa fridge. Bakit ba kasi kung ano ang wala 'yun pa ang hinahanap mo." Bulong niya pero dinig ko pa rin. Ang arte naman niya, noong mga unang gabi ang sipag sipag niyang maghanap ng cravings ko pero ngayon parang ayaw niya ng gawin.

Not A Bad Thing (Book  One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon