Journey to Arciana 5: Saynah clan

1.8K 174 9
                                    

Isang apoy ang lumitaw mula sa mga kamay ni Daven. Ang apoy ang isa sa pinakamalakas na kapangyarihan sa Arciana. Kaya naman kinatatakutan ang sinumang may ganitong kapangyarihan sa lugar na ito.

Itinapon niya ang bolang apoy sa gawi nina Haejae. Ginalaw naman ni Kyujin ang mga kamay niya at isang pader na yelo ang humarang sa papalapit na bolang apoy.

Nagpakawala naman ng malakas na hangin si Hasim na napigilan din naman nina Daven.

"Talaga bang umaasa lang kayo sa kapangyarihan niyo?" Tanong ni Aya makitang nagbabatuhan lamang ng mga kapangyarihan ang mga kabataang ito.

Tinanggal niya ang kanyang laso na nakatali sa kanyang buhok at pumagitna sa dalawang grupong naglalaban.

"Ano susuko na ba kayo? Mabuti naman at may talino ka. Sabihin mo sa mga kasamahan mong iyan na luluhod sa tapat ko. Pangako hindi ka namin papahirapan at paliligayahan ka pa namin." Sabi ng isa sa mga estudyante ng Saynah Academy na naka-smirked at nakataas ang noo. Ngunit napaluhod matapos matamaan ng laso ang kanyang tuhod.

"Oh! Kala ko pa naman kami ang pinapaluhod mo, bakit ikaw naman yata itong lumuhod?" Tanong ni Aya na nakataas ang isang kilay.

"Hanggang salita lang naman pala kayo e." Panunubok naman ni Daerin.

"Kala niyo kayo lang ang magaling? Makikita niyo." Sabi ni Daven at lumikha siya ng isang dragon na gawa sa apoy. Kayang sunugin ng isang fire dragon na ito ang isang bayan. Hindi rin ito madaling nakokontrol kaya naman bihira lamang sa mga fire magic user ang nakakagawa ng fire dragon. Nilalabas lang din ito sa oras ng kagipitan at kung wala na talagang pag-asa pa.

Iyon ay dahil nakakaubos ng enerhiya ang paglikha ng fire dragon na ito. Dahil isa lamang itong dragon na nabuo mula sa fire ki ng may likha nito. Kung matagal ang pananatili ng hugis dragon nito mas marami ring enerhiya ang mawawala sa maylikha ng fire dragon na ito.

Nagbuga ng apoy ang fire dragon malapit sa kinaroroonan ni Aya. Nasunog ang mga halaman kahit ang lupa na binagsakan ng apoy nito.

"Masyado iyang mapanganib. Kailangan na nating tumakbo." Nag-alalang sabi ni Nana. Kapag nagbuga ng apoy sa kanila ang dragon na ito, tiyak na magiging abo silang lahat.

Iiling-iling naman sina Arken at iba pang mga bratty gang.

"Tsk! Tsk! Tsk. Apoy pa talaga ang ginamit niya. Don pa talaga sa kung saan eksperto si Aya." Iiling-iling na sambit ni Sioji.

"Bakit kasi apoy pa ang naging kapangyarihan nila?" Sambit naman ni Geonei.

"Naririnig niyo ba kami? Kailangan na nating tumakbo." Sabi ni Sunami na hinihila Izumi na siyang pinakamalapit sa kanya.

"Wag kang mag-alala. Apoy lang yan." Hindi naman makapaniwala si Sunami sa sagot ni Izumi. Apoy lang?  Hindi nila kakayanin ang lakas ng apoy na ibubuga ng fire dragon na ito.

"Lumuhod kayo o mamamatay kayong lahat?" Nakangising tanong ni Daven.

Nagbuga ng apoy ang fire dragon sa ibabaw ng ulo nina Sunami na ikinayuko nila.

"At ikaw. Lumuhod ka na sa tapat ko at magmamakaawa. Baka sakaling mapapatawad ka pa namin sa ginawa mo." Utos ni Daven kay Aya. Makitang walang takot na nakatingin sa kanya si Aya, pinaatake niya ang fire dragon patungo sa kinaroroonan ni Aya.

"Daven. Sumusobra ka na a." Sigaw ni Hasim at hinarang ang katawan para protektahan si Aya ganon din ang mga kasamang mga Sai students. Ayaw kasi nilang may mapahamak nang dahil sa kanila. Gumawa sila ng formation barrier na gawa sa tubig para hindi makalapit ang fire dragon. Alam nilang mahina ang water formation nilang ito ngunit wala silang maisip na ibang paraan para mailigtas ang buhay nila laban sa dragon na ito na gawa sa apoy.

The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon