Nakalabas na ngayon ng CMA ang grupo ni Steffy at hindi alam kung saan sila unang pupunta.
"Nakakapanghinayang naman. Di ko matawag si Yunic. Kahit sina Jewel at Gellian man lang." Napanguso siya habang sinisipa-sipa ang maliit na mga batong kanyang nadadaanan.
"May alam akong lugar na sagana sa Chamnian Tzi. Baka makakatulong iyon sa inyo na magagamit ang kakahayan ninyo." Sabi ni Zin.
Napansin niyang hindi nakakagamit ng kapangyarihan sina Steffy pero may mga ilang special ability naman silang kayang gamitin. Posibleng may pumipigil lamang sa kakayahan nila at dahilan kung bakit di nagagamit ang kanilang mga kapangyarihan.
Dalawa lang ang posibleng dahilan. Kung di sila galing sa labas ng Chamni, may seal na nagkulong sa kapangyarihang taglay nila. Kusang ni-sealed o biglang na-sealed dahil galing sila sa ibang kontinente. Iyon ay dahil sa sumpang nakabalot sa Chamni na di nila alam kung sino ang gumawa. Ang sumpang ito ang paraan para walang sinumang galing sa labas ang makakapaghasik ng lagim sa Chamni sa loob ng isang taon. Isang taon lamang ang kailangan bago mawawala na ang bisa ng sumpa.
"Talaga? Saan naman yon?" Mabilis na tanong ni Aya.
Dinala sila ni Zin sa tabi ng dagat.
"Bakit kapareho ang enerhiya dito sa Arizon City?" Nagtatakang tanong ni Arken. Pumulot siya ng isang kumikinang na bato at tiningnang mabuti.
"Ang batong ito, katulad sa bato sa loob ng..." dimension. Di binanggit ni Sioji ang huling salita at napatingin lamang kay Steffy.
"Sagana sa Chamnian Tzi ang lugar na ito. May mga haka-haka na nasa ilalim ng dagat na iyan ang Mysterian core kung saan nagmumula ang lahat ng mga enerhiya ng mundong ito." Paliwanag ni Zin.
Natigilan naman si Steffy. Napatingin din sa kanya si Sioji.
"Dati ang lahat ng mga bato na ilalagay sa lugar na ito ay magiging Chamnian ore at mababalot ng Chamnian Tzi. Ngunit eight years ago, bigla nalang nagbago ang lahat. Hindi na nagiging Chamnian ore ang mga batong ilalagay sa lugar na ito." Sabi ni Zin.
Ang Chamnian ore ay isa sa mga pinagmulan ng mga Chamnian energy na makakatulong sa mga Chamnian para mapalakas pang lalo ang kanilang mga kapangyarihan.
"Alam niyo po ba ang dahilan?" Tanong naman ni Shaira na halatang naku-curious na rin.
"Nang ipatapon sa labas ng Chamni ang mga pinili ng limang clan dahil sa kagustuhan ng lahat ng mga Chamnian, nagbago ang lahat. Nabalot ng harang ang Chamni at humina ang Chamnian Tzi sa paligid. Bukod sa lugar na ito, mahina na ang Chamnian Tzi sa ibang lugar." Nagkatinginan ang magkakaibigan. Isa sila sa mga kabataang ipinatapon sa labas ng Chamni pero ang alam nilang dahilan ay dahil sa half-mysterian sila.
Tulad ni Shaira, isang half-mysterian ang kanyang ama at Chamnian naman ang kanyang ina.
Si Aya naman ang alam niya pinaghahabol na sila ng mga Dethrin mula Chamni hanggang sa mundo ng mga tao hanggang sa makabalik muli sa Mysteria.
Si Izumi naman, dalawang alaala ang naalala niya. Una ay ang pagkamatay ng kanyang ina dahil nagiging yelo ito pangalawa ang minsan silang hinahabol ng mga di kilalang mga Mysterian na dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina pero wala siyang maalala na minsan na siyang nanggaling sa lugar na ito.
Nagkahalo-halo na rin ang alaalang meron siya. Dahil dito, nalilito siya sa kung saan ang kanyang dapat paniwalaan. Ang mga alaalang sigurado siya ay ang mga alaala niya magmula noong seven years old siya hanggang ngayon. Mula six years old pababa, hindi niya alam kung ano ang totoo.
Si Rujin at Geonei naman ang natatandaan lang nila na may gustong pumatay kay Rujin kaya tumatakas sila mula sa kung sino hanggang sa matagpuan ng isa sa mga guro ng Naicron at kinupkop sila. Magmula din noon isinara na ang Naicron sa mga mata ng mga Mysterian at iba pa.
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious Land
Teen FictionMagmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng harapan dinadaan lahat sa pagawa ng kalokohan. Kaya naman nakilala ang kanilang grupo bilang the bra...