"Steffy, ang tigas ng reyna nilang ito. Hindi ko kaya." Sabi ni Sioji kay Steffy through telepathy.
Kahit kakaiba ang lakas na meron sila hindi ibig sabihin nito na kaya na nilang talunin ang isang Mystic Stage Master level na Mysterian.
Ang Mystic level na Mysterian ay maituturing na siyang pinakamalakas sa buong Mysteria. Kundi lang dahil sa may artifact si Sioji na siyang nakakatulong sa kanya upang hindi maapektuhan sa lakas ng aura ng reyna baka kanina pa siya sumabog at namatay.
Hindi kaya ng lakas ng kanyang apoy ang kapangyarihan ng reyna ng Akrinian kaya kinausap na niya si Steffy. Namumuo na rin ang pawis sa kanyang mukha at unti-unti na rin siyang nakakaramdam ng panghihina.
"Okay. Ililigpit ko na siya." Sabi ni Steffy at itinaas ang kamay.
Napangiti ang reyna dahil naglaho na rin sa wakas ang blue flame na nakapalibot sa kanya. Kaya lang, nang hanapin si Sioji nakita niyang natutunaw ang lahat ng mga Akrinian na nadadaanan ni Sioji kahit mga Mystic Novice man ang ilan sa mga nadaanan ni Sioji.
Mas matagal nga lang matunaw ang mga nadadaanan ng kanyang apoy mga nasa Mystic stage novice level kumpara sa mga Syanra at Invincible level, pero hindi ibig sabihin nito na nakakaligtas sila dahil natutunaw din naman sila katulad sa iba.
Kung kanina para na silang buhangin sa dami ngayon naman mas marami na ang mga sundalong kasama nina Steffy kumpara sa mga mandirigma ng mga Akrinian. Makita ng mga mandirigmang Akrininian na paubos na ang hukbo nila, mabilis nilang hinanap ang kanilang reyna na nasa himpapawid. Ngunit nanghina sila makitang may mga enerhiya na mula sa katawan ng reyna ang patungo sa nilalang na nakatayo sa isang tore.
Nahihigop ng nilalang na ito ang kapangyarihan ng kanilang reyna. Sa halip na ang reyna ang hihigop sana sa kapangyarihan ng nilalang na nasa tore.
Ang hari at reyna ng Akrinian ay may kakayahang humigop o mang-agaw ng kapangyarihan ng iba kaya sila umabot sa Mystic level. Hindi nila inaakala na ang kapangyarihan ng reyna nila ngayon ang hinihigop ng kalaban nilang ito.
Nasa Arciana battle arena ang kanilang hari kasama ang pinakamalakas nilang hukbo kaya wala ito ngayon dito sa Akrinian. Kahit nandito man ngayon ang kanilang hari hindi sila sigurado kung kaya bang talunin ng hari nila ang kalaban nilang ito.
Isa sa mga kalaban ang tatapos na sana sa buhay ni Spyd nang bigla na lamang itong naging bato at nabasag. Saka napansin nina Spyd na nagiging bato ang sinumang natatamaan ng tingin ni Steffy.
Makitang wala silang laban biglang nagsiluhuran ang ibang mga Akrininian. Hinihintay na lamang ang kanilang katapusan.
"Panginoon, patawarin niyo po kami sa aming mga kasalanan." Mabilis na sabi ng isang Akrinian habang nakaluhod at nakaharap sa tore. Lumuhod naman ang iba na ganon din ang sinabi.
Napatingala naman ang mga sundalo kahit sina Hisren at Histon maging sina Sioji at iba pa sa tore kung saan nakatayo si Steffy.
Nagtatataka namang nakatingin sa ibaba si Steffy dahil sa biglaang pagluhod ng mga Akrinian. Saka niya napansin na nagliliwanag na naman ang kanyang katawan.
Nanlaki ang kanyang mga mata makita ang buhok niyang kakaiba na naman ang kulay.
Naalala tuloy niya noong napagkamalan niyang momo ang sarili ngunit ang alaalang iyon ay tiyak niyang hindi sa lugar na ito. Nagbabago ang kulay ng buhok at mga mata ng mga Zaihan depende sa kanilang mga emosyon. Kaya lang walang nagbago sa emosyon niya ngayon kaya bakit nagbago ang kulay ng kanyang buhok?
Napatingin siya kay Kurt na hindi umaalis sa tabi niya.
"Ang ganyang aura, isa ka bang maharlikang Chamnian?" Tanong ni Kurt sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious Land
Teen FictionMagmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng harapan dinadaan lahat sa pagawa ng kalokohan. Kaya naman nakilala ang kanilang grupo bilang the bra...