Chamni 11: May mga mapanggulong Mystikan

1.9K 167 18
                                    

Tiningnan ni Elder Cid ang silid nina Steffy. Wala silang makikitang kahit isang gamit ng mga bata.

"Ipasok na ang mga uniporme." Utos niya sa mga katulong. Nagsipasukan naman ang mga katulong at ipinasok ang mga uniporme na dala nila sa walking closet sa loob ng kwarto.

"Ang mga batang yon, parang mga walking space. Lahat nalang yata ng mga gamit nila may space." Sambit niya pa.

Kayang gumawa ng sinuman ng magic space ngunit marami ang mga Mysterian o Chamnian energy ang mababawas sa sinumang gagawa nito. Posible pang mababawasan ang level ng kanilang kapangyarihan kung malaki ang space na nilikha nila mula sa isang item, space ring ba o ibang spatial items.

Bawat isa sa mga bratty gang may mga space ring. Si Steffy lamang ang may dalawang space ring. Lilitaw lamang sa mga kamay niya kapag ginagamit niya ito. Hindi katulad sa space ring ng iba na nakikita ng sinuman.

Kaya lang, may kakaibang singsing siyang napansin na nasa kamay ni Steffy. Kung di siya nagkakamali, isa itong slave ring. Nakalagay ito sa hintuturo niya at nakikita ng sinuman. Kaya lang aakalain ng iba na ito ang kanyang space ring kung di nila alam ang totoo.

"Minsan kayang naging alipin ang prinsesa ng mga Zaihan?" Tanong niya pa sa isip.

"Nailagay na po namin ang mga uniporme Elder Cid." Pagri-report ng isa sa mga katulong.

"Sige makakalabas na kayo." Sabi niya bago umalis.

***

Naglilibot ngayon sa ang mga baguhang mga estudyante sa paligid ng CMA. Ang ilan sa kanila ay sakay ng mga flying beast. Samantalang sakay naman ng flying boat ang grupo ni Steffy kasama ang iilang mga estudyante.

"Alam mo bang gawa halos ng mga Perzellian ang mga sasakyan dito? Kahit itong sinasakyan natin ay gawa din nila." Sabi ni Miro.

"Kung sana'y kasama ko sina Mama Seyria, papa at kuya Ariel, ang saya-saya sigurong mamasyal sa lugar na ito at panoorin ang nagliliparang mga sasakyan." Sambit niya na ikinalungkot din ng mga kasama.

Lahat sila naghahangad na kahit minsan magkakaroon din sila ng buong pamilya katulad ng iba.

Iba man ang tunay na mga magulang ni Steffy ngunit hindi niya maiwasang mas mami-miss ang adopted family niya kaysa sa tunay niyang pamilya. Pareho niyang mahal ang mga ito pero mas nangungulila talaga siya sa adopted parents niya lalo na nang ibuwis nila ang kanilang buhay para lamang sa kanya.

"Wag kang mag-alala. Mahahanap din natin sila." Sabi ni Shaira.

May natanaw silang lugar kung saan may naglalabasan na mga estudyanteng nasa level 11 pataas. Ngunit karamihan sa mga pumapasok sa lugar na ito ay ang mga level 15 pataas na mga estudyante. Iilang mga level eleven to 13 ang napapagawi sa lugar na ito dahil hindi pa sila gaanong malalakas.

"Anong meron sa gusaling iyan?" Sabay turo ni Izumi sa gusali. Narinig naman ni Zin ang tanong niya. Lumapit ito at ipinaliwanag sa kanila kung ano ang meron sa gusali.

"Iyan ang mission guild. Makakapasok lamang kayo sa lugar na iyan kapag nasa level 11 na kayo." Sagot ni Zin.

"Gusto ko sanang pumasok. May ibang paraan ba para makapasok?" Tanong ni Steffy.

"Wala na bukod sa magiging level Eleven kayo." Sagot ng lalake.

"Kung gano'n paano kami magiging level eleven? Wala bang shortcut?" Tanong ni Steffy.

"Kailangan niyo lang mag-aral ng mabuti. Kapag dumating na ang monthly assessment, maaari na kayong sumali sa leveling assessment. Dito malalaman kung saang level kayo ulit mapupunta." Paliwanag ni Zin.

The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon