Nagulat na lamang ang Elder dahil pinaalis siya sa posisyon niya bilang Elder ng mission guild.
"Dahil sayo nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga huwaran at imortal Saimar."
"Bilang isang Elder hindi mo dapat hinusgahan agad ang mga kabataan dahil sa mukha silang mahina at dahil sa mura nilang edad. Kaya para hindi na maulit ang nangyari matatanggal ka na ngayon sa pagiging Elder at magiging ordinaryong Chamnian ka na lamang." Sabi ni Headmaster Nehan sa guild Elder.
Alam nilang kaya isinumbong ng Elder sina Steffy iyon ay dahil sa pinagdidiskitahan niya ang mga crystal cores na inilabas nina Steffy. Balak nga sana niyang magtago ng iilang piraso nito kaso bago pa man niya nagawa, naglaho na sa kanyang harapan.
Sinabi niyang may tumulong kina Steffy at inisip na nandaya ang mga ito dahil sa dami ng mga crystal cores na hawak nila. Iyon ay upang magkaroon din siya ng dahilan para makuha mula sa mga kamay ng mga mukhang inosenteng mga kabataang ito ang iilan sa mga high level crystal cores na pinag-aagawan ng mga Chamnian.
Nababasa nina Steffy ang nasa isip niya kaya naman nagalit sila. Hindi kasi nila inaakala na ang iniisip ng mga Mysterian na banal na nilalang ay may tinatago ring kasakiman. Kaya naman kinuha nilang muli ang mga crystal cores at umalis.
At nang malaman na paparusahan sila dahil sa ginawa nila sa mga Mystikan at sa mga assassin na nagbabalak pumatay sa mga CMA disciples, lalo lamang silang sumabog sa galit.
Gagantimpalaan sila dahil sa kanilang pagliligtas at paparusahan dahil sa pagpatay sa mga assassin. Na di man lang inisip ng mga Chamnian na ito na posibleng walang makakauwi sa sinuman sa mga disipulo kung hindi nila pinatay ang mga assassin na iyon.
Kaya naman ayun ginalit nila ng husto si Saimar.
"Naparusahan na ang dapat parusahan kaya oras niyo na." Sabi ni Saimar sa kanila.
"Tatlong parusa ang ibibigay sa inyo. Una, ay ang itapon kayo sa monsterdom, pangalawa sa frozen land at ikatlo sa bloody river." Sabi ni Saimar.
Napasinghap naman ang mga Chamnian sa narinig.
"Imortal, mapanganib po ang tatlong lugar na ito. Pakiusap, wag niyo po silang ipatapon sa lugar na iyon. Utang po namin sa kanila ang aming buhay at kapag naparusahan sila dahil sa pagliligtas sa amin paano kami patatahimikin ng aming mga konsensya?" Sabi ng team captain ng mga disipulo na minsang nailigtas nina Steffy.
"Pakiusap po, wag niyo po silang ipatapon sa mga lugar na iyon. Kami na lamang po ang ipadala niyo. Kami naman po ang dahilan kung bakit sila mapaparusahan." Pakiusap naman ni Yushin.
"Kung may aangal parin, dodbolehin ko ang parusa nila." Banta ni Saimar na ikinatahimik ng mga may gustong umangal.
"Paano yan? Anong gagawin natin?" Nag-aalalang sambit ni Travis.
"Isama niyo nalang po kami kung ganon." Sabi naman bigla ni Brix.
"Brix, wala pang nakakauwaing buhay sa lugar na iyon." Di makapaniwalang sabi ni Lyka.
"Kung hindi na po magpapabago ang pasya niyo hayaan niyo na lamang pong sumama kami." Sabi ni Dennis.
"Sinusuway niyo na ba ang utos ko ha?"
"Ayon sa batas ng Chamni hindi dapat sinusuklian ng kasamaan ang isang kabutihan. Utang po namin ang aming buhay sa mga kabataang ito kaya naman isama niyo na lamang kami sa kanila." Sagot ni Dennis.
"Kung wala sila, matagal na sana kaming namatay sa Jinoma mountain. Sila ang ang dahilan kung bakit marami ang nakauwing ligtas kaya hayaan niyo na pong sa pagkakataong ito, masuklian naman namin ang kabutihang ibinigay nila sa amin."
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious Land
Teen FictionMagmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng harapan dinadaan lahat sa pagawa ng kalokohan. Kaya naman nakilala ang kanilang grupo bilang the bra...