Journey to Arciana 3: Prince Kairu

2.1K 186 34
                                    

Kasama na ngayon nina Steffy ang grupo nina Daerin.

"Dito tayo. May mas maraming mga Deiyo beast sa lugar na ito." Sabi ni Steffy sa grupo nina Daerin.

Ang grupo nina Daerin ay tinatawag na kulilat. Dahil sila ang pinakahuling grupo sa Sai School. Palage kasi silang nabibigo sa mga misyon nila kaya sila ang tinaguriang pinakamahina sa lahat ng team o group sa kanilang paaralan.

"Pero ito na yung pinakamapanganib na lugar sa Deiyo mountain. Mamamatay lang tayo sa loob." Sabi ni Nana.

"Wag kayong mag-alala. Poprotektahan ko kayo." Mayabang na sagot ni Daerin. Inikot naman ng mga kagrupo ang mga mata.

Poprotektahan sila e si Daerin nga ang pinakamahina sa grupo nila?

"Di kayo naniniwala? Totoo. Ipagtatanggol ko kayo." Sabi pa nito. Ngunit mabilis na nagtago sa likuran ni Steffy makita ang isang grupo ng mga Mysterian na papalapit sa kanila.

May magagara kasi silang mga kasuotan. May mga kasama pa silang mga kawal na tila ba galing sa isang maharlikang angkan.

Makitang nagpatuloy sa paglalakad si Steffy, nagsisunuran naman ang bratty gang. Hindi pinansin ang papalapit na grupo ng mga mahaharlikang Arcianian.

Itinaas ni prinsipe Kairu ang isang kamay. Nagsitigil naman sa paglalakad ang kanyang mga kasamang mga kawal at ang mga mahaharlikang mga kasama.

Napatingin sila sa grupo ng mga kabataan na nagpatuloy sa pagpasok sa inner part ng Deiyo mountain. Tiningnan lamang ang grupo niya at di na pinansin pa. Bukod sa mga Syanra level Mysterian, wala ng nagtatangka pang pumasok sa inner part ng Deiyo mountain na ito ngunit sa nakikita niya nasa invincible novice level pa lamang ang mga kabataang ito at wala ng takot pumasok sa pinakamapanganib na parte ng Deiyo mountain?

Tiningnan ni prince Kairu ang isa sa mga bodyguards niya. Agad namang sinundan ng bodyguard ang papalayong grupo ng mga kabataan.

"Sandali." Sabi ni guard Juim na nakaharang na ngayon sa daraanan nina Steffy.

Nagpakawala siya ng kanyang aura na ikinangiwi ng kulilat group. Sumama din ang ekspresyon ng mukha ng mga bratty gang dahil sa nararamdaman na aura. Halatang mas malakas ang level ng guwardiya na ito kaysa sa kanila. Napataas naman ng kilay si Steffy dahil siya at si Sioji lamang ang hindi naapektuhan ng malakas na aurang ito.

Kumuha siya ng isang mansanas mula sa space ring at kinagat. Saka tinitigan ang lalaking kaharap.

"Sino kayo at ano ang ginagawa niyo sa lugar na ito?" Tanong ni guard Juim.

"Sa lahat po ng ayaw ko iyong nakikitang nahihirapan ang mga kaibigan ko kahit wala naman silang nagawang kasalanan. Kaya kung maaari lang sana, alisin mo iyang aura mo kung ayaw mong magsisi." Kalmadong sagot ni Steffy.

Bakit kasi kailangan pang magpakawala ng malakas na aura? Pwede namang magtanong nalang di yung bigla-bigla na lamang silang papahirapan. Pasalamat lang talaga siya dahil kaya niyang pigilan ang pagtama ng aurang ito sa kanya. Pero ang mga kasamahan niya, hindi. Hindi narin niya tinulungan ang mga kasama dahil gusto niyang malaman sa kung hanggang saan ang makakaya nina Asana at iba pa.

Napansin niyang akmang kikilos si Sioji kaya tiningnan niya ito na nagsasabing huwag kumilos. Hindi nila alam kung hanggang saan ang lakas ng mga Arcianian kaya kailangan muna nilang mag-iingat sa bawat desisyon nila. Kapag tinanggalan din nila ng kapangyarihan ang Syanra level na guard na ito, paano kung makakatagpo sila ng maraming Syanra level? At ang masama baka may Mystic level sa lugar na ito. Baka magagantihan pa sila at di na nila matatapos ang misyon nila sa lugar na ito.

Napatingin naman si Guard Juim kay Steffy na di nakikitaan ng takot ang mga mata. Hindi lang yun kakaiba ang ganda ng babaeng ito. Saka siya napatingin sa mga kabataang kasama ni Steffy. Dito niya napansin na may mga napakagandang wangis ang mga kabataang ito. Mula kay Steffy, kina Izumi Shaira at iba pa. Kahit kina Rujin lalong-lalo na kay Sioji na may mga mukhang napakagandang tingnan.

The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon