Tumango ang hari kina Saiyuchi at Saiyura bilang acknowledgement niya sa dalawa.
"Paumanhin kung hindi naging kaaya-aya ang naging pagtanggap sa inyo ng mga nasasakupan ko. Bilang pagbawi, bibigyan ko kayo ng lugar na matutuluyan at ibibigay ang inyong lahat na kailangan. Maaari rin kayong humiling. Ibibigay ko kahit ano basta't makakakaya ko." Seryosong sabi ng hari. Wala man lang nakapansin na ilang ulit siyang napapalunok at kanina pa pinagpapawisan na ng malamig. Hindi nila alam na kung gaano ito kaseryoso ganon naman kaseryoso ang kabang nararamdaman niya.
"Ayos lang po yon. Natutuwa nga po kami e. Saka nakapagsanay rin ang mga kaibigan ko dahil sa mga nasasakupan mo." Sagot ni Steffy na di mawala-wala ang kislap ng mga mata. Nangingislap sa tuwa.
Gusto tuloy maubo ng hari sa narinig. Naging tools lang pala ang mga nasasakupan niya sa pagsasanay ng mga kabataang ito. Parang nakarinig na siya ng ganitong pangyayari.
"Katulad na katulad siya ni Steffany. Sana lang hindi iyon ang kanyang ina." Maisip lang ang pangalan na iyon napapayakap na siya sa sarili.
Makitang kahit ang hari humingi ng paumanhin sa mga kabataang ito, mabilis na nagsiluhuran ang mga Elders ng Saynah Academy maging ang mga estudyante lalo na sina Chiko at Daven. Bumibigay na din naman kasi ang mga tuhod nila sa tindi ng takot.
"Paumanhin po mahal na hari. Patawarin niyo po kami." Halos panabay nilang sambit.
"Sa palagay ko hindi kayo sa akin dapat humingi ng tawad." Sabi ni haring Mubiyo.
Agad na lumapit ang Dean kina Steffy at humingi ng tawad. Kaya lang tinaasan lang sila ni Steffy ng kilay.
"Sa totoo lang, wala kayong kasalanan sa amin kundi sa Sai School kaya sa kanila kayo dapat humingi ng tawad."
Mabilis naman silang lumapit kina Saiyura at Saiyuchi na makikitaan ng tuwa ang mga mata. Alam kasi nilang mabilis magpatawad ang magkapatid na ito. Mabilis naman silang pinatawad ng magkapatid. Ngunit muling nagsalita si Steffy.
"Sa palagay niyo ba sa kanila lang kayo may kasalanan? Kung luluhod kayo sa tapat ng Sai school sa loob ng tatlong araw palalagpasin namin ang ginawa niyo pero kung hindi..." Hindi tinapos ang sinasabi at ngumiti ng matamis.
"Sumusobra na kaya kayo. Wala ngang nasaktan sa inyo e at kami pa nga ang naagrabiyado." Hindi napigilang sigaw ng isang lalaking Elder.
"Kung hindi kami mas malakas sa inyo natitiyak kong binaboy na kami ng mga estudyante niyo. Higit sa lahat, siguradong hindi lang pagluhod at paghingi ng tawad ang dinaranas namin ngayon at sa mga Sai School. Posible pa ngang wala ng Sai School ngayon." Sagot ng tahimik sanang si Arken.
Kapag mahina sila, malamang hindi lang bugbog ang aabutin nila sa mga elders na ito. Kukunin pa ang lahat ng meron sila at posibleng papatayin pa sila matapos pakinabangan at pahirapan. Kaya hindi sila dapat pinapatawad kaagad. Dapat silang parusahan.
"Isang insulto na parusahan ang nasasakupan ng isang hari sa harapan niya mismo." Mabilis na sabi ni Asana makitang itinaas ni Steffy ang kamay habang nakatingin sa lalaking nagreklamo kanina.
"Okay." Sagot ni Steffy kaya napahinga ng maluwag si Asana. Ngunit napaawang ang bibig dahil sa narinig na sigaw mula sa likuran ng hari.
Kaya napalingon ang lahat sa Elder na nagpagulong-gulong ngayon sa lupa dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman. Parang pinagpipira-piraso ang kanyang mga kalamnan na di niya alam kung bakit bigla na lamang niyang nararamdaman.
"Anong ginawa mo? Sumang-ayon ka na di ba? Bakit mo parin ginawa yan?" Asana ask with a helpless look.
"Di kaya yan sa harapan? Di ba sa likuran naman?" Inosenteng tanong ni Steffy.
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious Land
Fiksi RemajaMagmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng harapan dinadaan lahat sa pagawa ng kalokohan. Kaya naman nakilala ang kanilang grupo bilang the bra...