Chamni 22: Kaparusahan ng mga tagapagbantay

1.8K 192 50
                                    

Mahirap pasukin ang pagoda at mas mahirap hulihin ang mga espiritu na nagpagala-gala sa loob. Pero ang mga batang ito, parang sinasabi lang na pumunta sila sa pagoda at nangolekta ng mga espiritu ng mga spirit beast?

"Ililigpit ko na ba itong mga potion na gawa mo Steffy?" Tanong ni Shaira na siyang naatasang tagaligpit ng mga finish product ng grupo.

"Sige, lagay mo nalang sa kulay pulang pouch yung mga kulay red na potion." Sagot ni Steffy habang nagsasalin ng likido sa isang maliit na bote.

Si Master Biel na nandito para sana pagsabihan ang grupo ng iniisip niyang mga tamad na mga kabataan hindi alam kung ano ang sasabihin.

Pakiramdam kasi niya, hindi siya qualified na magiging magtuturo ng mga batang ito. Kaya naman pala sinasabi nila na hindi sila worth it maging guro dahil sa kakayahan ng mga batang to. Gusto niyang ipaalam sa Headmaster ang natuklasan kaya lang abala pa ang Headmaster ngayon at ang iba pang mga Chamnian sa CMA na nasa katungkulan.

Wala siyang ibang magawa kundi ang solohin ang gulat na ito na walang karamay. Nagsisi tuloy siya kung bakit di niya isinama si Master Lingshi para kahit papano may kasama siyang hindi mahitsura ang mukha sa sobrang bigla.

"Master?" Tanong ulit ni Aya sa nakatulalang guro.

"Ah, nandito lang ako para kumustahin kayo." Mabilis niyang sagot. "Sige maiiwan ko na kayo. Keep up your good work." Sabi nito at nagmamadali ng umalis upang makahanap ng lugar para pakalmahin ang gulat na gulat niyang puso.

Kinagabihan, hindi makakatulog si Master Biel sa natuklasan. Ang mga baguhan niyang mga estudyante na walang kahit sinong mga guro ang may balak tanggapin sila ay hindi pala pangkaraniwan. Na kahit mga guro pa sa CMA ay walang binatbat sa kanila. Ano pa kaya siya na level 6 teacher lang?

Excited na excited tuloy siyang malaman kung ano ang magiging reaksyon ng mga gurong tumangging magiging magtuturo nina Steffy. At pagdating ng mga oras na iyon siya na naman ang taas noong haharap sa mga mayayabang na mga gurong minamaliit ang katulad niya. Posible ring aangat ang level niya kapag nangunguna palage ang mga batang ito sa leveling exam. Ang pinag-aalala lang niya ay ang posibleng gagawin ng mga batang to. Mahilig pa namang gumawa ng problema.

Pagsapit ng madaling araw, handa na sina Steffy sa pag-alis ngunit bigla siyang nakaramdam ng paninikip ng dibdib. Sinubukan niyang kausapin sina Sioji gamit ang isip, ngunit hindi niya nakakausap ang mga ito. Ibig sabihin malayo pa sila sa isa't-isa. Nakakausap lamang ni Steffy ang mga kasama kung malapit lamang ang mga ito sa kanya. Pansin din niyang palawak ng palawak ng muli ang distansya na maaari niyang makausap ang mga kasama gamit ang isip.

"May napapahamak na malapit sa atin." Sabi ni Steffy.

"Imposibleng sina Sioji. Papayag bang maagrabiyado ang mga yon?" Sagot ni Asana.

"Iyon nga ang ipinagtataka ko." Sagot ni Steffy ngunit biglang napatingin kay Asana.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ng kaibigan.

"Sina Zin." Sambit ni Steffy.

Naglabas ng isang teleportation scroll at inisip na mapupunta silang lima sa kung saan si Zin ngayon.

Sa compound kung saan nakatira ang mga tagapagbantay ng mga estudyante, nakaluhod ang sampung mga kalalakihan at kapansin-pansin ang sugat sa kanilang mga likuran na patuloy sa pagdurugo. Wala silang suot na pang-itaas at nakaluhod din sila sa matinik na sahig. Kaya naman, makikita rin ang dugo sa sahig na likha ng mga tinik na nasa sahig na siyang tumusok sa kanilang mga tuhod at mga binti.

"Hindi niyo nagampanan ng mabuti ang inyong mga tungkulin. Kaya nararapat lamang kayong maparusahan. Mga baguhan lamang ngunit natatakasan kayo? Anong klaseng tagapagbantay kayo?" Sigaw ni Captain Leol. Isa sa mga captain na walang patawad sa sinumang nagkakasala. Ayaw niyang may sinuman sa mga tagapagbantay na nasa pamumuno niya ang nagkakamali.

The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon