"Nasasaktan na siya. May gamot ka ba?" Tanong ni Elder Cid kay Shaira.
Naglabas naman si Shaira ng black pills at inabot kay Elder Cid. Nilapitan ng matanda si Master Yinwu na namamaluktot parin ngayon sa sakit at pinainom ng gamot.
Lumipas ang tatlong minuto kumalma na rin si Master Yinwu. Nakahinga na ito ng maluwag habang nababasa naman ng pawis ang kasuotan.
Tinulungan siyang makatayo ni Elder Cid.
"Ikaw." Tinuro ni Master Yinwu si Shaira na nanlilisik ang mga mata. Nginitian lang siya ng dalaga.
"Bagsak ba ako o pasado?" Tanong ni Shaira. Napayakap naman si Master Yinwu sa sarili maalala ang sakit na nararamdaman kanina. Nanginig pa siya sa takot.
"Paano namin nasisiguro na gawa mo ang potion na iyon? Sabihin mo, ikaw ba talaga ang may gawa noon o isang grandmaster?" Hindi siya maniniwala na gawa ang ganoong uri ng potion sa isang fifteen years old na bata lamang.
"Pwede akong gumawa ng bago sa harapan niyo pero ikaw ulit ang titikim para masigurado kung pareho nga ba ang epekto nito." Sagot ni Shaira na lalong ikinamawis ng noo ni Master Yinwu. "Gusto mo, simulan ko na?"
Napaatras naman si Master Yinwu sa narinig. "Ikaw pa lamang ang sumubok paano sila? Hindi sila papasa sa akin." Napatingin kay Steffy na mukhang pinakainosente sa kanila.
"Ikaw. Suntukin mo ako. Kapag nakatama ka, pasado na kayong lahat sa level one." Sabi niya pa. Iniisip niyang may alam man sa potion ang mga kabataang ito mas malakas naman siya kapag sa tunay na suntukan o labanan na lakas lamang ang ginagamit. Isa siyang Zaihan at mas malakas man ang direct descendants ng mga Zaihan may lakas din naman siya na hihigit pa sa ibang angkan na nagmumula sa five Invincible clan.
"Si-sigurado po ba kayo?" Gulat na tanong ni Asana na halatang nag-aalala.
Dahil sa gulat at pag-alala sa mga mukha ng mga kabataang ito mas lalong nagiging confident si Master Yinwu. Iniisip niyang nag-alala sina Asana dahil alam nilang walang laban si Steffy sa kanya.
"Wag kasi sa mga dala niyo lang umaasa. Dapat may mga lakas din kayo para kahit mawala man ang anumang magic artifact na dala niyo o mga potion at weapon niyo mapoprotektahan niyo pa rin ang sarili niyo." Sabi niya pa sa mga bata.
"O bakit nakatunganga ka lang diyan? Lumapit ka na dito nang makapagsimula na tayo." Sabi pa ni Master Yinwu kay Steffy.
Seryoso namang naghihintay sa susunod na mangyayari ang mga estudyante. Halatang excited na sila sa anumang gagawin ni Steffy. Mabibigla din ba sila o madidismaya?
"Ginawa silang huwaran ni Elder Cid. Imposible naman sigurong magiging huwaran sila na walang kakaibang kakayahan hindi ba?" Sambit ni Jenny. "Di ba Meyoni?"
"Siguro nga." Sagot ni Meyoni habang nakatingin sa mga kabataang nasa gitna ng testing hall.
Sa isang sulok naman makikita si Brix na seryosong nakatingin sa testing area kung nasaan sina Steffy.
May pakiramdam siya na kakaiba ang grupong ito kaya lang, hindi niya alam kung ano ang kakaiba sa kanila. Wala naman silang mga kapangyarihan. Isa ding Zaihan si Master Yinwu at may kakaiba ng lakas kumpara sa ibang mga guro kaya paano matatalo ni Steffy ang ganito ka lakas na Chamnian? Pero may part sa kanya na sinasabing malakas si Steffy maging ang mga kaibigan niya. Dahil kundi pa, bakit sila nakakalabas ng buhay sa loob ng Jinoma mountain?
Naglakad naman palapit si Steffy kay Master Yinwu. "Sigurado ka bang papayag kang suntukin kita?"
"Oo naman. Malakas ako at isa akong Zaihan." Sagot ni Master Yinwu. Nakita niyang natigilan si Steffy marinig na isa siyang Zaihan.
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious Land
Teen FictionMagmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng harapan dinadaan lahat sa pagawa ng kalokohan. Kaya naman nakilala ang kanilang grupo bilang the bra...