Chamni 17: Mayroon pang mas malakas

1.9K 206 60
                                    

"Steffy, may nakuha na akong misyon." Sabi ni Sioji nang magkasalubong silang dalawa ni Steffy.

"May mga seniors ang pumayag na sumama ako sa kanila. Ako lang ang nakasama sa listahan pero maari akong magsama ng tatlo pa." Sabi ni Sioji at ikinuwento rin kung paano niya napapayag ang mga seniors nila. At katulad ni Steffy, nagsinungaling din ito sa mga level 16nth students. Naawa ito sa kanya at pinayagan siyang sumama sa misyon na kinuha nila. Tungkol din ito sa Alastanya.

"Nagkataon lang ba talaga o nasa dugo talaga natin ang magaling mangloko? Masama yan Sioji baka masasanay ka na, naku naman. Baka di na tayo papaniwalaan sa future." Sabi ni Steffy sa pinsan sabay tapik pa sa balikat nito.

"Hindi sa lahat ng kasinungalingan ay nakakasama. May kabutihan nga ding nakakasira di ba? Lalo na kung ang binigyan ng kabutihan ay ang maling nilalang." Sagot ni Sioji.

Hindi sana sila malalayo sa mga pamilya nila kung hindi lang maling mga nilalang ang pinakitaan ng kabutihan ng mga Chamniang katulad nila.

Para sa kanila, hindi lahat ng pagiging tapat at purehearted na nilalang ay makakatulong. Kung nakakatulong pa, bakit marami ang mga inosenteng mga Chamnian ang naghihirap sa loob at labas ng Chamni? Bakit palaging ang gumagawa ng kasamaan ang nagwawagi? Kaya para kina Steffy, hindi pagiging pure soul ang mahalaga. Kung kailangang magsinungaling para sa ikabubuti ng lahat at kung kinakailangang lumabag sa batas ng Chamni para mailigtas ang lahat gagawin nila. Alang-alang sa kaligtasan ng pamilya nila at sa mga inosenteng magiging biktima ng mga masasamang nilalang na nandito ngayon sa Mysteria.

"Nandito lang pala kayo. Ano, may nakuha na ba kayong misyon?" Tanong ni Asana.

"Ako meron na." Nakangiting sagot ni Steffy.

"Binigyan kami ng misyon ng guild master. Nahuli kasi kami ng matandang iyon at binigyan kami ng task. Kapag nagawa daw namin, papayagan daw niya kaming kumuha ng task sa mission wall at bibigyan niya kami ng token para makalabas ng CMA." Pagkukwento ni Asana.

"Ano naman yon?" Tanong ni Steffy.

"Kung mapapalayas daw natin sa CMA ang mga exchange students ng Mystikan." Sagot ni Aya.

"Para tayong tumutupad sa isang imposibleng misyon kung ganyan. May dahilan kung bakit napapayag ang mga Chamnian na makipagpalit ng mga estudyante sa Immortal College at kung papatalsikin natin sa CMA ang mga Mystikan na iyon, ano naman ang mangyayari sa mga estudyante ng mga CMA na nasa Immortal College?" Sagot ni Arken.

"Mahirap ba yon? Pababalikin natin sa CMA ang mga Chamnian. Iyon ay kung di pa sila na-brainwash ng mga Mystikan." Sagot ni Steffy.

Naglakad na sila palabas at nakasalubong ang apat na mga kawal na hininihingal parin sa ngayon.

"Kayo, saan kayo gumala ha?" Sigaw ng isa sa kanila.

"Lalabas na nga kami o." Sagot naman ni Steffy bago tumakbo palabas ng mission guild building. Sumunod naman agad ang mga kasamahan niya.

Nagkatinginan naman ang pagod na pagod na mga kawal.

Ito na yata ang unang pagkakataon na nalulusutan sila at harap-harapan pang natatakasan ng mga kabataang nagpupumilit na pumasok sa Mission guild building. Malayang nakapasok at nakalabas ang mga bata na di man lang nila nahuhuli. Ano na lamang ang sasabihin ng mga kapwa nilang bantay?

"Ngayon ko lang napansin na napaka hina ko nga talaga. Dahil kundi pa, bakit natatakasan tayo ng mga level 6 na mga batang hindi pa nga nakakagamit ng kapangyarihan?" Putol-putol na pagkakasabi ng isa habang nakahawak sa dalawang tuhod at hinahabol pa rin ang hininga.

"Ako din, magsasanay na akong mabuti magmula ngayon. Sila nga nalulusutan tayo, mga Mystikan pa ba?" Sagot ng kasama na may determinasyon ang mga mata.

"Tama. Magsasanay tayong mabuti para hindi na mauulit ang pangyayaring ito." Sang ayon ng ikatlo.

The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon