Chamni 71:

1.8K 189 50
                                    

Sa Ecclescia...

Galit na galit ang hari ng Ecclescia sa nakita. Gusto mang mangatwiran ni Adira ngunit hindi siya nakakapagsalita.

Hinawakan ni Izumi si Aya dahil pansin niyang kumakawala ang kapangyarihang apoy nito. Nag-alala siya na baka masunog ang mga gusali sa paligid nila at may madamay pang iba.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Kumalma ka muna. Hingang malalim."

Huminga naman ng malalim si Aya saka bumuga ng hangin. Dahan-dahan ding naglaho ang pulang aurang nakapaligid sa kanya.

Hindi man sila naririnig ng iba ngunit nararamdaman naman ng hari ang kanilang presensya. Lalo na noong lumabas ang pulang aura ni Aya.

"Sino ang nandito? Lumabas kayo?" Tanong nito at bigla na lamang nagkaroon ng barrier ang buong paligid. Makikita ang isang scarlet na thin wall na bumalot sa tirahan ng Reyna. Walang makakapasok at wala ring makakalabas.

Naglakad palapit ang hari sa kinaroroonan nina Izumi at Aya. Napatitig naman ang dalawa sa paparating na lalakeng may itim na buhok ngunit pulang mga mata.

"Pamilyar sa akin ang kanyang mukha." Sambit ni Izumi.

Sobrang bilis naman ng tibok ng puso ni Aya habang pinagmamasdan ang mukha ng lalaking pamilyar din sa kanya. Kinuha ang kamay ni Izumi at inilagay sa kanyang dibdib.

"Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nararamdaman mo ba?"

"Halata naman."

"Di kaya crush ko siya." Biglang sambit ni Aya.

Izumi: "..."

"Kamahalan, hindi magagawa ng anak ko ang anumang nakikita niyo kanina. Posibleng may kumukontrol lamang sa kanya."

Napatigil ang hari sa paglapit sa kinaroroonan nina Aya dahil sa lalaking nagsalita.

Isa ito sa mga ministro ng kaharian at siyang kinikilalang ama ni Adira.

"Sinasabi niyang may kumukontrol sa babaeng iyon ngunit hindi man lang nila napansin na may nagkukontrol lang din sa Reyna? Palibhasa gawa nila e." Sabi ng boses babae.

Napalingon-lingon ang hari dahil sa narinig na boses ng isang babae. Base sa boses nito halatang teenager pa lamang ang nagsasalita. Ngunit parang siya lang ang nakakarinig sa boses na ito at parang nasa loob ng kanyang isip.

"Wag na po kayong lumingon, mapagkakamalan lang po kayong baliw."

"Sino ka?" Tanong niya sa isip lamang.

"Kaibigan ng anak niyo."

"Nga pala. Walang sakit ang reyna. May nagkukontrol lang na isa sa mga alipin niya sa kanyang kapangyarihan. Palitan niyo lahat ng mga alipin at mga kawal niya dahil walang ni isa sa kanila ang tapat sa reyna." Napatingin ang hari sa reyna na nakatulala lamang habang binubulong ang pangalang Aya.

"Hindi siya baliw at hindi siya ang nananakit sa mga nasa paligid niya kundi ang nilalang na nagkukontrol sa kanya."

Napatda ang hari sa nalaman. Masama siyang napatingin sa ama ni Adira. Kilalang isang mabuting ama ang ama ni Adira ngunit dahil sa nakita niyang ginawa ni Adira kay Alvara kanina, naisip niyang isa sina Adira sa dahilan kung bakit nagkakaganito ang Reyna.

"Wala akong nakikitang koneksyon sa kanya at sa asawa-asawa mo.  Higit sa lahat, hindi galing sa mundong ito ang enerhiyang pinagmamay-ari ng asawa-asawa mo." Sagot ng boses.

"Takot kayo sa mga estranghero ngunit di niyo ba alam na halos pagharian na ng mga mula sa ibang mundo ang buong kaharian niyo? Sobrang lakas ng Mystic energy sa lugar na ito ibig sabihin, marami ang nakatira ditong hindi mga Chamnian." Dagdag pa nito.

The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon