"Naubusan na ako ng Mithil." Sagot ni Mustapa.
"Ano nalang ang meron ka?"
"Yang."
"Sige akin na. Bibigyan kita ng tawad. Tapos may utang ka pa sa aking isang milyong Mithil."
Mustapa: "..." Alin ang tawad diyan? Nagdagdag ka kaya ng interes?
Pinili na lamang ni Mustapa ang manahimik. Nag-alala na baka pati pagsasalita niya may bayad pa. Magiging pulubi pa siya ng wala sa oras pagbaba ng bundok.
Isang babaeng Mystikan ang hawak ngayon ng isang Deiyo beast. Kaibigan ang babaeng ito ni Kaliya. Gusto man siyang tulungan ng mga kasama ngunit abala rin ang mga ito sa pagliligtas sa kanilang mga sarili. Wala ng pag-asa pa si Niagara, kundi ang magpatulong kina Steffy.
"Tulungan niyo ako. Pakiusap." Ngunit wala ng boses ang lumabas sa kanyang bibig. Ayaw niyang mamatay. Gusto pa niyang makabalik sa kanyang pamilya.
Ngunit may makakarinig ba sa boses niya kung hanggang sa isip lamang niya nasasabi?
"Haira, hindi na kita makikita pa." Sambit niya sa isip at ipinikit na lamang ang mga mata. Naninilim na din kasi ang kanyang paningin.
Ngunit ilang sandali pa'y bigla na lamang lumuwang ang pagkakahawak sa kanya ng halimaw na ikinadilat ng kanyang mga mata. Napatingin siya sa bagay na nakapulupot sa kanyang baywang at nakita ang purple vines na nagmumula sa mga palad ni Steffy.
Naligtas siya. Nakaligtas siya. Lumapag ang kanyang katawan sa tapat nina Steffy. Magpapasalamat sana siya nang makita ang palad ni Steffy na nakalahad sa tapat niya.
"Dahil maganda ka, may tawad ka. Isang milyong Mithil."
Magpapasalamat pa ba siya? Kaso wala siyang pambayad.
"Ngunit wala akong pera Haria."
"Pera na lang na mula sa Mystika. Tatanggapin ko iyon. Kung kulang parin, mga bagay na meron ka. Kasi kung tutuusin patay ka na sana at nasa tiyan na sana ng Deiyo beast ang lahat ng meron ka."
Napaisip naman si Niagara. Kung hindi siya iniligtas ni Steffy, malamang wala na rin naman siya ngayon at hindi na rin niya mapapakinabangan ang mga pera o yaman na meron siya.
Mabigat sa loob niyang inabot ang kanyang storage ring kay Steffy.
Tiningnan ni Steffy ang nilalaman nito ngunit napangiwi dahil kaunti lang ang mga mahahalagang bagay na meron si Niagara.
"Kulang pa rin kaya akin na yan." Sabay turo sa kwintas ni Niagara.
Mabilis namang lumuhod ang babae.
"Pakiusap, gawin niyo na lamang akong alipin ngunit wag niyo lang kunin ang kwintas kong ito. Ito lamang ang nag-iisang alaalang meron ako sa aking pinsan." Naluluha niyang sambit na nagmamakaawa.
"Kawawa naman siya. Wala ba talagang tawad Steffy? Baka pwede bigyan nalang siya ng pagkakataon." Suhestiyon ni Merrah. Tiningnan ang mga kaibigan ni Steffy na tila nagpapatulong ngunit wala ni isa man lang sa kanila ang nagsalita.
"Ibigay mo na. Dodoblehin ko ang ipapabayad ko sayo kapag di mo pa iyan ibinigay sa akin."
Nag-aatubiling hinubad ni Niagara ang kwintas at inabot kay Steffy. Kinuha naman ito ni Steffy at tiningnan saka naglaho mula sa kanyang mga palad. Nanghihinayang man ngunit walang magawa si Niagara.
May kasamahan niya ang sumigaw. Nagmamakaawa ito at humihingi ng tulong ngunit walang ginawa ang grupo ni Steffy na tulungan ito. Aalis sana si Niagara para tulungan ang kasamahan ngunit napaupo siya. Saka niya napagtanto na ang purple vines lang naman pala ni Steffy ang nakaalalay sa kanya para makatayo ng maayos kanina.
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious Land
Teen FictionMagmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng harapan dinadaan lahat sa pagawa ng kalokohan. Kaya naman nakilala ang kanilang grupo bilang the bra...