Chamni 20: Dayamo Village

1.9K 162 7
                                    

Kakausapin na sana ni Headmaster Nehan si Elder Cid ngunit dumating ang mensahero ng Perzellia kaya mabilis niya itong inasikaso.

"Dahil sa nangyaring biglaang paglaho ng harang, naglaho din ang harang na nakapaligid sa kulungan ng Dayamo village. Dahil dito, may iilang mga makasalanang Chamnian ang nakalabas." Ang Dayamo village ay isa sa mga lugar kung saan ipinapatapon ang mga Chamnian na may maiitim na mga puso. Ipinapatapon sila sa lugar na ito para hindi makahawa ng ibang mga Chamnian.

"Bakit kailangan ang tulong namin? Hindi ba kaya ng pinuno sa kaharian niyo?" Tanong ng Headmaster. Para sa kanya, madali lang namang lutasin ng mga Perzellian ang isyu tungkol sa bagay na ito kaya bakit kailangan pa ang tulong ng CMA?

"May superspeed ang pinuno sa mga nakatakas. At may kakayahang kumuntrol at tumawag ng mga halimaw. At pinaghihinalaan na sila sa namumuno sa mga halimaw na umaatake sa Alastanya."

Napatayo si Headmaster Nehan sa narinig.

Isang kontroler at summoner. Higit sa lahat, may superspeed. Kahit ilang mga adventurer, missionary o mercenary o mga mandirigma, maging Arkian man ang ipadala nila hinding-hindi parin madali ang misyon na ito.

Nakakalamang ang superspeed ng mga Perzellian kumpara sa mga superspeed ng ibang kaharian, kaya naman, paano nila mahahabol ang isang nilalang na may ganitong bilis? Maliban na lamang kung may mas mabilis pa dito? At iyon ay ang royal clan lamang.

"Galing sa royal clan ng Perzellia ang pinuno ng mga nakatakas sa Dayamo village kaya naman nahihirapan din ang aming hari sa problemang ito."

"Royal clan?" Bumagsak ang pag-asa ni Headmaster Nehan sa narinig. Saka niya naalala ang half-mystikan Chamnian na isa sa half-brother ng sinaunang hari ng Perzellia na si grand prince Rushka. Isa sa mga sinaunang Mystikan ang ninuno ng kanyang ina na ipinadala sa Mysteria para sakupin ang buong mundo ng Mysteria.

May kanya-kanyang mga misyon ang mga Mystikan na napapadpad sa Mysteria, kaya hindi rin lahat ng Mystikan ay kalaban. Ngunit sa lahat ng mga napapadpad sa Mysteria, walang nakakaalam kung sino ang dapat pagkatiwalaan at dapat labanan. Kaya naman, pinili na lamang ng mga Chamnian na hindi sila hahayaang makagawa ng di mabuti sa kanilang kontinente.

Pero sa nangyari ngayon kay Rushka, tiyak na mas magiging magulo ang Chamni kung makikipag-alyansa ito sa mga Mystikan. Kaya, bago pa man malalaman ng mga Mystikan ang nangyari kailangang mahuhuli na nila ang grand prince.

Kung nagkakaisa lang sana ang limang angkan, malamang madali lang ang problemang ito.

Napabuntong-hininga ang Headmaster. Ilang taon na rin ang nakalipas. Magmula noong parusahan ng mga Chamnian ang prinsesa ng Zaihan sa ginawa nitong pagpatay sa libo-libong mga Mysterian, hindi na tumutulong sa mga nangangailangan ang Emperador at Emperatris.

Wala silang ibang ginawa kundi ang magkulong sa kanilang mga palasyo at panoorin ang anumang nangyayari sa buong kontinente. Pagkatapos paparusahan ang sinumang makakagawa ng pagkakamali. Kaya kahit maghihirap o magkakaroon man ng malaking problema ang sinumang mga Chamnian, walang may lakas na loob ang gumawa ng pagkakamali. O sinumang sumuway sa mga aral ng mga Chamnian.

Isa na dito ang pagpatay, pagsasabi ng kasinungalingan, pagiging sakim at pagsasawalang bahala sa mga nasa panganib. Sa ‘panganib’ at hindi sa nangangailangan.

Hindi na rin nakikialam ang Zaihan sa problema ng ibang clan kaya imposibleng tutulungan nila ang Perzellia. Lalong-lalo na at isa ang hari ng Perzellia sa nag-suggest na ialay ang prinsesa ng Zaihan sa altar para mabuksan ang pintuan ng Mystika.

Kung nagtatampo at gumaganti ang Emperador at Emperatris sa mga Perzellian, mas galit na galit naman sa ibang clan ang Jadei Kingdom. Kaya nga itinago nila ang kanilang kaharian sa mga mata ng mga hindi nila kadugo. Kaya imposibleng tutulong din sila na malutas ang problema na ito.

May inside war naman sa loob ng kaharian ng Ecclescia at pinag-aagawan din ngayon kung sino ang magiging susunod na hari sa Ecclescia dahil hanggang ngayon, hindi pa nakakabalik ang crown prince ng kaharian maging ang prinsesa nila.

Wala ring pag-asang tutulong ang Vergellia dahil may problema din ang mga ito sa kanilang kaharian. Kaya walang ibang malalapitan ang Perzellia kundi ang lumapit sa CMA kung saan ito na lamang ang natitirang malakas na organisasyon ng Chamni na hindi tinalikuran ang mga tungkulin ng pagiging Chamnian.

Wala mang labanang nagaganap sa limang kaharian hindi ibig sabihin nito na magkakasundo na ang bawat isa. Dahil wala ng pakialam ang bawat isa sa mga kaharian ng karatig kaharian. At kung darating man ang araw na lulusubin ng mga kalaban ang isa sa kaharian ng Chamni siguradong manonood lamang ang ibang kaharian.

Wala na ang dating nagkakaisang mga Chamnian. Wala na rin ang mga clan na itinuturing ng lahat na holy clan.

Hindi alam ni Headmaster Nehan kung sino sa mga malalakas na mga estudyante ng CMA ang ipapadala niya. Tapos may problema pang paparating dahil sa ginawa ng mga baguhan sa mga Mystikan na nasa paaralan nila.

Nanghihinayang siya maalala ang mga baguhan. May mga superspeed sila ngunit wala namang kakayahang gumamit ng kapangyarihan. Kung may kapangyarihan lamang ang mga batang ito tiyak na may maitutulong sila sa problemang ito.

Ipinatawag ng Headmaster ang mga Mystic level na mga Chamnian sa CMA at ang mga pinuno ng kanilang mga mandirigma para sa nasabing misyon. Pinagbabawalan na ding lumabas ng CMA ang mga kabataan para hindi mapapahamak. At ang mga nasa labas ay ipinatawag na para makakabalik agad.

"Paano yan? Bawal na tayong lumabas?" Dismayadong tanong ni Hyper.

"Problema ba yon? Aalis tayo bukas." Sagot ni Steffy. Nabuhayan naman agad ng sigla ang grupo. Halatang hinihintay lang kung kailan sasabihin ni Steffy ang salitang ito.

Sina Zin at ang apat na mga kasama naman nagkatinginan. Wala pang nakakalabas ng CMA na hindi dumaan sa main gate. Ngunit may harang ang buong paligid ng CMA kaya paano sila makakalabas? Higit sa lahat, kung makapag-usap ang mga kabataang ito parang wala silang mga tagapagbantay.

"Hindi kayo maaaring umalis. Kapag sinuway niyo ang batas ng CMA tiyak na papatalsikin kayo rito." Sabi ni Zin. Ngunit pinagsisihan agad ang anumang nasabi makitang nagtatalon pa sa tuwa ang mga kabataang nasa tapat nila at sabay pang nag-yes.

"Talaga? Papatalsikin kami? Gustong-gusto ko yun." Excited na sagot ni Steffy. Ang dami ng mga kalokohang bigla na lamang naisip gawin para patalsikin sila sa CMA.

Makita ang naiiyak na hitsura ng mga bantay nila, agad na nagseryoso sina Steffy at binago ang usapan.

"Wag kayong mag-alala, hindi nalang mga Chamnian ang pagtitripan namin. Ang mga Mystikan nalang." Sabi ni Steffy at tinapik-tapik pa ang balikat ni Zin na tila pinapakalma ang lalake para di na mag-alala pa.

Ilang sandali pa'y dumating ang mga tagapagbantay nina Sioji na hinihingal.

"Nandito lang pala kayo. Bakit niyo na naman kami tinakasan?" Naiiyak na tanong Rodney. Ang naatasang magbabantay kay Sioji. Sa likuran niya ang apat na mga lalake na hinihingal din. Lumalaki pa ang butas ng mga ilong nila sa paghahabol ng kanilang mga hininga.

Makita ang ayos at hitsura ng mga kapwa tagapagbantay, naisip nina Zin kasama ang apat na mga kasamahan niyang nagbabantay sa mga kina Steffy, na mas swerte sila kaunti dahil kahit pasaway ang mga kababaihang ito hindi naman sila gaanong pinapahirapan. At isinasama sila palage sa kahit saan man sila pupunta. Iyon ay dahil sinusunod naman kasi nila ang iniuutos nina Steffy sa takot na mawala ang mga ito sa paningin nila.

Para kay Zin, di bale ng saksi siya sa pagawa ng kalokohan ng mga batang ito kaysa naman palaging matatakasan at mapapagod sa paghahanap katulad na lamang sa grupo ni Rodney.

Hindi binibigyan nina Rodney ng kalayaan sina Sioji kaya naman kung aalis ang grupo ni Sioji, hindi nila ipapaalam sa mga tagapagbantay nila.

Naghiwalay na ulit ng landas ang mga boys at girls saka bumalik sa mga dormitoryo nila para paghandaan ang susunod na gagawing paglalakbay.

Ang mga guro namang na siyang magtuturo sa kanila sa araw na ito ay napabuntong-hininga na lamang dahil sa pagliban ng sampung mga baguhan. Naturingan pa namang mga huwaran kaso hindi naman pala dapat tularan dahil sa katamaran sa pag-aaral.

***

The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon