Last Journey to Arciana 33: Haira

818 73 3
                                    

Ilang araw pagkatapos ng Arcianian battle competition, naglaho ang harang na nagtatago sa Haru Island sa mga mata ng Mysterian. Gulat naman ang lahat sa biglang pagsulpot ng isang isla sa gitna ng isang napakalawak na dagat ng Mysteria.

Nagpatawag ng mga pagtitipon ang mga kaharian lalo na ang malalakas na kaharian katulad ng Superia at Wynx Empire para sa plano nilang ekspedisyon para sa paghahanap sa mga Mysterian na nakulong sa Haru Island at kung ano ang meron sa pinakagitna ng nasabing isla.

Isa sa mga kabilang sa mga ipinadala ay ang dating pitong bandido. Samantalang, ipinadala naman ng Central ng Arciana ang dating Arkian na si Arkian Hairu para mahanap ang nawawalang prinsesang isa sa mga pinili at para na rin matagpuan ang sinumang may hawak sa watawat ng Arciana kung saan nakalagay ang pinag-aagawan ng mga Arcianian na Arcianian seal.

Ipinadala naman ng Saidore ang grupo ni Deoseyn para mahanap ang nakababatang kapatid ni Sai Yurah na si Hakuah.

Kung abala ang mga Arcianian at ang iba pang mga Mysterian sa pagpasok sa Haru Island, sumulpot naman sina Steffy sa kinaroroonan ni Lhoyd.

Kaharap ngayon nina Steffy ang natutulog  na kaluluwa ni Reyna Kara na nasa loob na ngayon ng isang sphere.

"Sinira mo ang plano ko kaya hindi na siya nagigising pa." Sabi ni Lhoyd habang nakatingin sa mga kabataang bigla na lamang sumulpot sa tapat niya kanina.

"Magigising lang ang kaluluwa niya kapag makakabalik na siya sa Mystika. Pero hindi mangyayari yun hangga't hindi nabubuksan ang portal." Sagot naman ni Sioji habang nakatingin ng direkta sa pulang mga mata ni Lhoyd.

"Kung mahahanap namin ang sino mang kumuha sa legendary shield may pag-asa ng mabubuksan ang lagusan. Pero sa ngayon wala pa rin." Sagot naman ni Steffy.

"Kahit makukuha niyo man ang legendary shield kakailanganin niyo rin ang iba pang mga legendary treasures. Hindi rin mabubuo ang lagusan palabas ng Mysteria papuntang Mystic Land hangga't hindi nakukumpleto ang pitong legendary treasures. Maliban nalang kung hawak niyo na ang iba." Sagot ni Lhoyd ngunit natigilan maalalang hawak nga pala ni Steffy ang dalawang espada at nalaman din niyang nakuha rin ni Steffy noon ang makapangyarihang bato ng Ecclescia. At may posibilidad na hawak rin nito ang iba pang legendary treasures.

Isang patalim ang bigla na lamang sumulpot sa mga kamay niya at inihagis iyon kay Steffy.

Nagulat ang magkakaibigan sa biglaang pag-atake ni Lhoyd. Nadaplisan ang braso ni Steffy samantalang nagiging abo naman agad ang bakal na ginamit ni Lhoyd.

Makikita ang sugat na nabuo dahil sa patalim ngunit agad ding naglaho ang sugat nito. Kung si Steffy ang nasugatan, sina Asana at iba pa naman ang napaungol at siyang nakahawak ngayon sa braso. Maging si Lhoyd ay napahawak rin sa kanyang braso.

"Ikaw nga." Sambit ni Lhoyd at hindi pinansin ang malamig na patalim na nakadikit sa kanyang leeg. Lalo namang idiniin ni Sioji ang dulo ng hawak na espada sa leeg ni Lhoyd.

"Steffy, papatayin ko na ba to?" Tanong ni Sioji na pinipigilan lamang ang sarili na matuluyan ang doktor.

Noong naglabas si Lhoyd ng patalim, mabilis na itinutok ni Sioji ang kanyang espada sa leeg ni Lhoyd ngunit hindi yata natakot ang doktor dahil inatake pa rin si Steffy. Kundi lang sa batid niyang walang balak pumatay ni Lhoyd baka kanina pa humiwalay ang ulo ng doktor sa kanyang katawan.

Ibinaba naman ni Steffy ang kamay ni Sioji na nakahawak sa espada.

"Bakit mo ginawa yun? Ang sakit kaya non." Reklamo ni Rujin na akma pang sugurin si Lhoyd ngunit pinigilan siya ni Asana.

Napatingin naman si Lhoyd sa magkakaibigan, pagkatapos ay muling ibinalik ang tingin kay Steffy.

"So ikaw nga. Ikaw ang daan ngunit ang siyang katapusan ng mundong ito. Ngayon alam ko na kung bakit hindi pwede." Sambit ni Lhoyd, saka muling ibinaba ang tingin sa natutulog na kaluluwa.

Ang inaakala ng lahat na nasa ilalim ng lupa ng mundo ng Mysteria ang hinahanap nilang Mysterian core na pinagmumulan ng Mysterian energy ay nasa katawan pala ng piniling tagapagwakas.

Kung papatayin din ng mga Mysterian ang bagong piniling tagapagwakas, katulad sa ginawa nila sa mga naunang mga pinili, magwawakas din ang mundong ito. Ngunit, mabubuksan naman ang lagusan pabalik sa Mystika.

Kapag nasira ang Mysterian core, mabubuksan ang lagusan ngunit maglalaho ang Mysterian Ki sa buong Mysteria. Mamamatay din ang lahat ng mga Mysterian na nabubuhay sa Mysteria dahil sa Mysterian ki katulad na lamang ng mga Deiyo beast. Mamamatay rin ang sinumang may life and death contract kay Steffy.

Ang mga nakainom sa potion o mga gamot na may sangkap na dugo ni Steffy, ay mamamatay rin, Mysterian man sila o hindi.

May isang paraan lamang na mabuksan ang lagusan na hindi sinisira ang Mysterian core. Iyon ay ang pagsama-samahin ang seven legendary treasures at ang mga makapangyarihang bato ng Ecclescia, Zaihan, Perzellia, Zaihan, Jadei. Kasama ang Mysterian core o Mysterian core holder, makakabuo sila ng isang portal. Portal na patungo sa Mystika. Ang mundong pinapangarap na mapuntahan ng ilang mga Mysterian.

Ngayon nauunawaan na ni Lhoyd kung bakit hindi pwedeng mamatay si Steffy. Dahil siya ang buhay at ang siyang maituturing na core ng mundong ito.

"Nasa iyo ba ang Mysterian core o ikaw ang siyang core ng Mysteria?" Tanong ni Lhoyd.

Napapikit si Steffy sabay ngiti na may halong pait.

Naalala ni Steffy noong bata pa siya. Sa mga panahong hindi pa nagiging iisa ang katawang meron siya.

Nang masaksihan ng isang batang Haira na pinapatay ang lahat ng mga piniling tagapagwakas at mga piniling keeper ng forbidden ability, kinuha niya ang Mysterian core na siyang pinagmulan ng Mysterian ki sa mundo ng Mysteria.

"Ikaw at ako ay iisa. Kapag naglaho ako, mangako kang pupuntahan mo sina ina at ama para punan ang mga pagkukulang ko sa kanila." Ito ang pakiusap ng isang batang Haira noon bago sila maging iisa.

Na siyang dahilan kung bakit napunta ang batang Steffy sa tahanan ng mga Hanja.

Nawala noon sa kanyang alaala sa kung ano ang dahilan kung bakit kailangan niyang magpapanggap na walang matutuluyan at tumira kasama ang pamilyang Hanja.

"Kailangang magiging iisa tayong dalawa, para mabuo ang kapangyarihang ng ating kaluluwa." Hindi alam ni Steffy sa kung anong paraan magiging iisa silang dalawa ng batang Haira. Ngunit isang araw, inatake ang batang Steffy ng mga di kilalang mga nilalang na nasa Mystic level ang kapangyarihan.

Iniligtas siya ng batang Haira, at nakita pa niya kung paano nalusaw ang katawan ni Haira bago pumunta sa kanya ang kaluluwa nito.

Dahil maraming alaala ang batang Haira na hindi lang mga alaala na nagmumula sa mundong ito kundi mga alaala din nito mula sa mundong pinagmulan bago isilang bilang Haira, bahagyang gumulo ang mga alaalang meron si Steffy. Ni hindi na niya alam kung alin ang kanya at kay Haira sa mga alaalang ito.

Ngunit iisa lang ang sigurado siya ngayon, gusto ni Haira na maglalaho din ang Mysterian ki ng mundong ito kapag naglaho siya at si Steffy sa mundong ito kaya niya kinuha ang Mysterian core.

Ang pagbitay sa dating piniling tagapagwakas ay isa sa mga mas lalong nagpasidhi sa galit ni Haira. Ang pagsabog ng galit ni Steffy noon ay dahil nangingibabaw ang galit ni Haira.

Ang sigurado siya, galit si Haira sa mundong ito pero hindi niya alam kung may iba pa bang dahilan ng galit nito.

***

The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon