Chamni 70: Perzellia

1.6K 173 33
                                    

Napanganga si Steffy sa nakitang mga tulay sa himpapawid. Mga lumulutang na mga tahanan at mga kastilyo.

Mga nagliliparang mga sasakyan. Ito na yata ang nakita niyang modern world in a fantasy version.

"Wala bang gravity sa lugar na ito?" Mangha niyang sambit habang nakatingala sa isang floating fountain.

"Ano yung gravity?" Tanong ni Ruhan kay Rujin.

"Ewan. Sasakyang panghimpapawid siguro?" Sagot naman ni Rujin.

Napakunot ang noo ni Steffy makita ang mga Perzellian na nakatingin sa gawi nila.

"Hindi ba iyan ang mahinang prinsipe?"

"Ang gwapo parin niya kahit sa malayo."

"Isa lamang siyang kahihiyan ng kaharian. Ano bang nakikita niyo sa kanya?" Inis na sambit ng isang maharlikang lalake.

"Tingnan niyo nga, nagsama pa siya ng mga estranghero. Gawain ba iyan ng isang prinsipe ng Perzellia?"

Napalingon si Steffy sa nagsabing isang kahihiyan ng kaharian si Ruhan. Natigilan ang mga Perzellian sa paligid makita ang kabuuan ng mukha ng babaeng kasama nina Ruhan. Napatulala sila saglit dahil ito pa lamang ang unang pagkakataon na nakakita sila ng ganito kagandang nilalang kahit simple lamang ang kasuotan.

Ngunit halos himatayin naman ang mga kababaihan nang makita nila si Liwei. Maituturing na sina Ruhan at ang mga kapatid niya ang pinakagwapo sa Perzellia ngunit nang makita nila si Liwei, naisip nilang walang panama ang mga prinsipe ng Perzellia.

"Mga kaibigan kaya sila ng ikatlong prinsipe?" Tanong ng isang babae na napapakagat pa ng labi.

"Saan niyo gustong tumuloy?" Tanong ni Ruhan.

"Dalhin mo nalang kami sa isang hotel o Inn ba kaya. Basta isang tahanan na maaaring upahan o baka kaya tirahan na maaaring bilhin." Sagot ni Steffy.

Dinala sila ni Ruhan sa isang maliit na kastilyo.

"Maaari kayong manatili dito. Nakalaan ang kastilyong ito sa nakababata kong kapatid, kaya lang hindi ko parin siya natatagpuan hanggang ngayon."

Pumasok sina Steffy at Rujin sa loob ng kastilyo. Pabilog ang bulwagan sa loob at pa-spiral naman ang grand staircase na may red carpet sa gitna. May giant chandelier sa gitna at mga nagliliwanag na puting kristal ang nagsilbing ilaw sa paligid na nakapatong sa bawat dulo ng chandelier.

"Maari kayong manatili dito dahil wala namang nakatira dito." Sabi ni Ruhan.

"Bakit?" Tanong ni Rujin makitang nakatingin sa kanya si Steffy.

Napuno ng question mark ang kanyang utak dahil hinimas ni Steffy ang tuktok ng kanyang ulo na parang may pinupuring bata.

"Steffy, ang weird mo ngayon. Di kaya..." Namilog ang kanyang mga mata sa natuklasan.

"Ano?"

"May gusto ka na sa akin?" Napaungol siya dahil kinatok ni Steffy ang kanyang noo. Namula agad ito.

"Steffy naman. Di mo ba alam na ang lakas-lakas mo?" Nakasimangot niyang sambit.

Sinuri naman ni Liwei ang buong paligid. Ipinadaan niya ang mga daliri sa mga railings, pader, maging sa mga upuan para matiyak kung may alikabok ba o wala. Tumango siya matuklasang malinis naman ang buong paligid.

Pinaupo ni Steffy si Ruhan para masimulan ang pagtanggal sa seal ng katawan nito.

***

Galit na galit naman ang hari ng Perzellia malaman ang sinapit ng paborito niyang anak na si Rumin. Nadaanan ito ng mga Perzellian mula sa labas ng kaharian at dinala agad sa hari ng Perzellia.

The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon