Chamni 37: Chamnian's Assassin

1.5K 168 12
                                    

Humarang naman agad ang dalawampung tagapagbantay.

"Bumalik kayo." Utos ni Steffy na ipinagtataka ng mga tagapagbantay.

"Nababalot ng death energy ang mga espada nila at kung matatamaan kayo magiging buto niyo ay tutunawin ng death energy na iyan." Sabi ni Steffy na ikinalambot ng mga tuhod ng mga tagapagbantay at nanlamig ang buo nilang katawan. Ngunit hindi sila umatras. Iyon ay dahil tungkulin nilang protektahan ang mga kabataang ito kaya handa silang mamatay alang-alang sa kanilang mga tungkulin.

Umatake ang isang assassin sa gawi ni Zin gamit ang espada nitong nababalot ng itim na aura. Sinalubong niya ito sa kanyang espada na nababalot ng puting aura. Kaya lang, nababalot ng itim na usok ang ang kanyang espada at nilamon ito mula dulo at gumapang ang itim na aura papunta sa kanyang mga kamay.

Naramdaman niya ang pamamanhid ng kamay at bago pa man maabot ng itim na aura ang kanyang mga daliri, isang latigo ang bigla nalang pumaikot sa katawan ni Zin at hinila siya palayo.

"Death energy ang taglay nila. Ibig sabihin, namamatay ang sinumang natatamaan ng death energy na ito. Kaya naman sana kung sinabing umatras kayo, umatras kayo." Nag-aalalang sambit ni Izumi na siyang humila kay Zin.

Alam nila kung gaano kalakas ang kapangyarihan ni Sioji kaya nang makita ang death energy ng mga assassin na ito, alam na nila kung gaano sila kapanganib.

"Oras na naman ng pag-eensayo." Eksayted na sambit ni Steffy na medyo kinakabahan na rin. Sa unang pagkakataon, makakalaban niya ang isang assassin na may kakayahang katulad ni Sioji.

"Gusto ko yung lider." Mabilis na sabi ni Sioji makitang iyon ang gustong kalabanin ni Steffy. "Gusto ko siya dahil pareho kami."

"Ngayon na nga lang ako nakakakita ng may katulad mong kakayahan sosolohin mo pa? Ako muna." Sagot ni Steffy at bigla na lamang sumulpot sa tapat ng lalaking may pinakamalakas na death energy.

"Anong gibagawa niya? Magpapakamatay ba siya?" Tanong ni Yushin ngunit nakita niyang hinarang na nina Asana, Arken, Shaira at Izumi ang apat pang mga kalaban.

"Ang boring naman. Magpapadala na nga sila ng nga assassin di pa dinamihan." Sabi ni Hyper at napanguso dahil wala siyang makakalaban.

"Tayo lang ba talaga ang halos mahimatay na sa takot?" Tanong ni Travis kay Brindon.

"Kita na nga nilang mamamatay na tayo nanghihingi pa ng dagdag?" Tanong naman ni Aries.

"Nababaliw na ba sila dahil sa takot?" Tanong naman ng isa pa nilang kasama.

"Natatakot ba sila sa lagay na yan? Di mo ba kitang tuwang-tuwa sila?" Sagot naman ni Yushin.

"Bakit parang tayo lang itong natatakot?" Sambit ni Brindon.

"Ibig sabihin normal tayo. Di tayo abnormal." Sagot naman ni Kaichi.

Sa isang sulok naman, nakatago ang mga misteryosong nilalang.

"Hindi ba natin tutulungan ang mga bata?" Tanong ng may silver ang buhok.

"Manonood muna tayo. Tingnan natin kung hanggang saan ang makakaya ng mga batang iyan." Sagot ng lalaking may itim na buhok.

"Pero hindi ordinaryong Mysterian ang kalaban nila. Mga Dethrin sila." Sagot ng lalaking may gintong buhok.

"Hindi niyo ba napapansin? Nakikitaan niyo ba ng kahit kaunting takot ang mga batang iyan?" Sabay tingin sa bratty gang.

"Kahit nasa Immortal level na ako, hindi ko parin nakikita ang level ng kapangyarihan nila. Dalawa lang ang ibig sabihin non. Wala silang kapangyarihan o may special sa kanila na di natin alam." Paliwanag ng itim na buhok.

Kung titingnang mabuti, may mga mukha silang siguradong pagkakaguluhan ng lahat. May mga aura din silang nararapat lamang sa mga pinakamakapangyarihang nilalang sa buong Mysteria.

"Ginagawa mo?" Tanong ng may itim ang buhok sa may gintong buhok makitang naglabas ito ng isang kulay puting bolang kristal.

"Irerekord ang eksenang ito." Sagot ng may gintong buhok.

Agad ding naglabas ng mga device ang dalawang mga kasama para mairekord din ang eksenang magaganap sa pagitan ng mga kabataang Chamnian na ito laban sa mga Dethrin.

***

Napaatras ang kalaban ni Sioji at napahawak ito sa tiyan. Hindi nito inaasahan na ang tila mahina at walang kakayahang lalaking humarap sa kanya ay may kakakaibang lakas. Ni hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya.

"Anong klaseng nilalang kayo?" Gulat nitong sambit maramdaman ang malakas na aura na nagmumula kay Sioji.

"Reapers." Sagot ni Sioji at biglang dumami ang katawan saka nagiging malabo na ito sa paningin ng assassin. Naramdaman na lamang niya na may mga tumatama sa kanyang katawan na di nakikita kung ano at nasaan ang may gawa.

A few minutes later, wala na ang agresibong negative energy na nakapaligid sa katawan ng assassin at halos di na rin nito magawa pang gumalaw.

Si Shaira naman, medyo nahihirapan pa siya noong una, ngunit nang maisip na walang superspeed ang kalaban ginawa niyang advantage ang kanyang bilis at kakayahang maglaho. Kapag inaatake siya kunwari naglaho siya at susulpot sa ibang lugar. Ilalabas lang naman ang clone saka aatake ang orihinal.

Pinapantayan naman ni Arken ang Death energy ng kanyang kalaban ng kanyang light magic. Ngunit sa halip na malinis ang Death energy sa katawan ng assassin, natuklasan niyang kapag nauubos ang Death energy ng mga assassin na ito mamamatay ang katawan. Nagsilbing vessel ang mga katawan na ito ng mga pure death energy. At makukuha lamang ang mga death energy na ito sa kung gaano na karami ang napatay ng isang nilalang o Mysterian. At base sa lakas ng mga assassin, posibleng marami na silang napatay.

Hindi na nagdadalawang isip si Arken na patayin ang kalaban niyang ito.

Si Asana naman, dinala ng kanyang kalaban sa loob ng ilusyon ngunit di inaakala ng kalaban nito na habang abala ito sa panlilinlang kay Asana aatakehin siya ni Izumi sa likod. Saka magpalit ng target sina Asana at Izumi.

***

The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon