"Nasa himpapawid na po sila. At papunta na dito." Pagbabalita ng isang lalake na may red dot sa noo.
Napangiti naman ang kanilang lider. "Kailangang mapatay natin ang mga kabataang ito. Lalong-lalo na ang dalawang Jumei." Sabi ng lalake.
Napatingin ang grupo ng mga kabataan sa isang village na may nakakalat na mga halimaw.
"Bakit parang wala namang katao-tao?" Tanong ni Asana.
"Wala talagang mga tao. Mga Chamnian kasi sila." Sagot naman ni Steffy.
Nasa himpapawid parin sila at lumilipad in a circular motion habang naghahanap ng mga Chamnian sa ibaba ngunit maliban sa mga halimaw na pagala-gala wala na silang iba pang nakikita.
"Nasa underground sila at nakakulong. Mga pito sila." Sabi ni Steffy na ipinagtataka nina Brix.
"Paano mo nakikita?" Tanong naman ni Travis.
"May x-ray vision ako. Yung tipong nakikita ko ang anumang nasa likod ng isang bagay. In short tumatagos ang paningin ko." Sagot ni Steffy.
"Tumatagos ang paningin mo? Kung ganon?" Namilog ang mga mata nina Travis at Brindon. Agad nilang tinakpan ang kanilang mga kayamanan.
Kahit sina Yushin at Brix na palaging seryoso napatakip din ng kayamanan. May mga Chamnian talaga na nakikita kung ano ang nasa likod ng isang bagay ngunit bihira lang ang may ganitong kakayahan. Iniisip nilang nagbibiro lang si Steffy pero nang maisip na posibleng totoo ang sinabi di nila maiwasang makaramdam ng hiya at pagkailang.
"Wag kayong mag-alala. Di ko pagnanasaan ang buto-buto niyong katawan. Saka di ko naman tinitingnan ang mga yaman niyo. Minsan aksidente ko lang nakikita ang kulay ng mga brief niyo. Lalo na kung may paruparo." Seryosong sagot ni Steffy.
Muntik namang malaglag ang nananahimik na si Aries sa narinig.
"I-ikaw. Tiningnan mo?" Shock nitong sambit at tinakpan ang bandang pwetan sa halip na ang nasa harapan.
Nagkatinginan naman ang mga estudyante ng CMA at napaisip na nasa bandang iyon ang may paruparo. Habang iniisip na may paruparo ang suot na pangloob ng kamag-aral nila, palihim silang napangiti at pinigilan ang sarili sa pagtawa sa pag-aalalang mas lalong mapahiya si Aries. Ngunit lalo namang namula sa hiya ang mukha at tainga ni Aries.
"Biro ko lang yun. Di ko talaga nakikita. Hula ko lang. Di ko inaasahan na totoo." Pagbawi ni Steffy. Ayaw niyang mailang sila dahil lamang sa kakayahan niyang ito. Ayos lang kina Asana kasi matagal na silang nagkakasama at nagkakakilala. Ngunit alam niyang iba ang impact nito sa iba kaya mas minabuting bawiin na lamang ang sinabi.
Napahinga naman ng maluwag ang mga CMA students.
Naisipan nilang lumapag na. At hanapin ang mga kasamahan na nasa village na ito.
Mga low level lamang ang mga halimaw sa paligid kaya naman hindi gaanong nahihirapan sina Yushin at ang iba pa na gapiin ang mga halimaw na ito.
Kaya lang, napansin nilang kapag natatalo na nila ang huling halimaw may darating na bago at mas malakas pa sa nauna.
"Bakit parang hindi nauubos ang mga halimaw?" Nagtatakang tanong ni Brindon.
"Kahit ang mga Deiyo beast na bigla na lamang sumusulpot hindi rin maubos-ubos." Sagot ni Kaichi.
Napalingon sila sa kinaroroonan nina Steffy na nakaupo sa rooftop ng isang gusali. At tila walang balak na sumali sa laban.
"Bakit ayaw niyong tumulong?" Tanong ni Brindon.
"Di ba gusto niyo ng mga magic core o crystal core ng mga halimaw at Deiyo beast kaya hinahayaan na namin kayong mangolekta." Sagot ni Rujin.
"Pero pagod na kami. At siguradong ikakamatay na namin kapag may darating na midlevel." Sagot ni Travis at pinunasan ang pawis habang iniiwasan ang atake ng low rank monster na kinakalaban niya.
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious Land
Teen FictionMagmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng harapan dinadaan lahat sa pagawa ng kalokohan. Kaya naman nakilala ang kanilang grupo bilang the bra...