Tumigil si Saimar mga ilang hakbang papunta sa danger zone este sa perimeter na nasasakop ng kakakayahan ni Steffy. Hangga't hindi sila aapak sa hangganan na nilagyan ng linya ni Steffy hindi sila mapapano.
Nang makita ang grupo ng mga kabataan na nakaupo sa tuktok ng pader bahagya siyang natigilan. Pamilyar sa kanya ang kanilang mga presensya at aura.
"Kayo. Bumaba kayo diyan ngayon din!" Mariing utos niya.
Mariing nakatitig si Steffy sa lalake. May dilaw na buhok at gintong mga mata. May napakagwapong mukha na pamilyar sa kanya. Ito yung matandang mahilig mag-demand sa kanya dati at ito rin ang dahilan kung bakit gustong-gusto niya ng kalayaan.
Ang private tutor nila ng mga kapatid niya. At ang pinakadahilan kung bakit mas napalapit siya kina Seyria kaysa sa tunay niyang pamilya. Isa ang lalaking ito sa mga nilalang sa Chamni na iniiwasan niya.
"Kung palage kong pinipili na umiwas dati hindi ko na siya iiwasan ngayon. Haharapin ko na siya. Hump!" Sambit ni Steffy.
"Gantihan time na Steffy. Kung di mo siya matatalo sa harap-harapang labanan, tatalunin mo siya sa pagawa ng kalokohan." Pangako niya sa sarili.
"Lapit po kayo kung gusto niyo." Sagot ni Steffy.
Sa totoo lang umakyat sila sa tuktok ng pader para kitang-kita nila mula rito ang lahat ng magpupumilit sa kanilang pumunta sila sa Mystic hall.
"Bumaba kayo o paparusahan ko ang mga guro niyo?" Banta ni Saimar.
"Paparusahan niyo sila? Sige na, parusahan niyo na." Pang-eengganyo naman ni Aya.
Lalong tumalim ang tingin ni Saimar sa grupo ng mga kabataang ito.
"Sigurado kayong gusto mo kaming bumaba?" Tanong naman ni Steffy.
"Wag niyong inuubos ang pasensya ko." Banta ni Saimar.
"May natitira pa pala siyang pasensya. Antayin nalang natin na mauubusan na siya ng pasensya." Sabi ni Sioji. Tumango-tango naman ang mga kaibigan.
Ito na yata ang unang pagkakataon na nakatagpo si Saimar ng sobrang tigas ng mga ulo.
Ginamit niya ang kanyang kakayahan. Kaya kasi niyang tawagin ang kahit sino. Ikinumpas niya ang kamay at inisip na mapupunta sa tapat niya ang bratty gang. Bigla na lamang sumulpot sa tapat niya ang isang warrior beast at naramdaman na lamang na may tubig na tumama sa kanya. Bago pa man magantihan ang warrior beast naglaho na ito sa tapat niya.
Inamoy niya ang tubig na tumama sa kanyang katawan at natuklasang amoy ihi ito.
Nabalot ng malakas na hangin ang buong paligid dahil sa kanyang galit. Muli niyang ginamit ang summoning ability niya ngunit hindi parin ang bratty gang ang napunta sa kanya kundi isang puting agila at may nalaglag na malagkit na bagay sa tuktok ng kanyang ulo.
"Katapusan na ng CMA." Kinakabahang sambit ni Elder Cid. Lahat sila ay napalayo makitang naubusan na ng pasensya si Saimar. Matapos tumae ang puting agila naglaho na agad ito na parang bula.
Makitang sumabog na sa galit si Saimar mabilis na naglaho ang bratty gang kasama ang mga guwardiya nila maliban kay Steffy na nakatago na ngayon sa likuran ni Jiro. Hindi siya naglaho kasama ang mga kaibigan dahil hindi niya mapipigilan ang kapangyarihan ni Saimar kung di niya alam kung kailan nito gagamitin.
Sumilip si Steffy mula sa likuran ni Jiro at nakasalubong ng kanyang tingin ang nanlilisik na mga mata ni Saimar.
Kapag nahahawakan niya ang imortal na ito makokopya na niya ang kapangyarihan nito. Kaya naisip niyang magpapahuli na lamang siya kapalit ng mga kakayahang makokopya niya.
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious Land
Teen FictionMagmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng harapan dinadaan lahat sa pagawa ng kalokohan. Kaya naman nakilala ang kanilang grupo bilang the bra...