"Yung kapangyarihan ko, ibalik niyo." Sigaw ni Bladimor ngunit katahimikan lamang ang maririnig sa buong paligid.
Naglalakad na lamang silang bumaba ng Jerb mountain. Wala na ang kanilang ipinagmamalaking flying swords at hindi rin nila magagamit ang kanilang mga kapangyarihan.
"Kapag makikita kong muli ang mga batang yun, pagpipirasuhin ko talaga sila." Sambit ni Bladimor.
"Iyun ay kung makakalabas pa tayong buhay sa lugar na ito." Sambit ng kasama na ilang ulit na napapalunok ng laway habang nakatingin sa isang direksyon.
Sinundan nila ng tingin ang tinitingnan nito at nakita ang isang giant python na nakapaikot ang katawan sa malaking puno. Nakataas ang ulo nitong nakadungaw sa kanila.
Mabilis silang nagsitakbuhan palayo at hinabol naman sila ng giant python.
Nakasakay naman ngayon ng karwahe sina Aya kasama sina Erwan at Jinju. Ang tatlong mga kasama nila ay nakasakay sa mga puting unicorn.
"Bakit niyo sinira ang Flower of Light? Napakahalaga sa amin ang bulaklak na iyun." Tanong ni Jinju. Hindi siya galit ngunit nanghihinayang lang talaga siya.
Inilahad ni Izumi ang isang palad at lumitaw mula sa kanyang palad ang Flower of Light na ikinamilog ng mga mata nina Jinju at Erwan.
"Ang Flower if Light!" Gulat na sambit ni Erwan na halos mapatalon na sa kinauupuan.
"Peke ang sinira namin kanina. Alam naming napakahalaga para sa inyo ang bagay na ito kaya itinago namin." Sagot ni Izumi at inabot ang bulaklak kay Erwan.
Halos maluha naman si Erwan nang mahawakan ang bulaklak. Kulang nalang lumuhod siya kina Aya at Izumi para makapagpasalamat.
Kung kanina'y sobrang tamlay nila ngayon naman halos paliparin na nila ang puting unicorn para makabalik agad sa Ecclescia.
Maysakit ang reyna ng Ecclescia. Palage na rin itong naiirita at madalas sinusunog ang anumang nakikitang bagay na ikinakairita niya. Tinatawag siyang baliw ng lahat magmula noong mawalang bigla ang dalawa niyang mga anak.
Dahil sa kalagayan ng reyna, hindi na rin nakakapagdesisyon ng tama ang hari. Nahati rin sa apat na partido ang kaharian ng Ecclescia. Ang isa ay mula sa parte ng hari na naniniwalang magbabalik ang crowned prince ng Ecclescia, ang ikalawa ay ang parte ng mga elders na gustong palitan ang angkan na namumuno sa Ecclescia, at ang parte ng mga ministro na gustong magsilang ng bagong tagapagmana ang hari at ang huli ay ang mga makapangyarihang mga Ecclescian na naniniwalang darating ang piniling maging tagapangalaga ng Ecclescia. Ang piniling tagapangalaga ang siyang magtuturo kung sino ang susunod na magiging hari o reyna sa Ecclescia.
"Para saan po ba ang bulaklak na ito?" Tanong ni Aya.
"Ang bulaklak ng liwanag ang makakatulong sa reyna para manumbalik ang kanyang magandang pag-iisip. Hindi kasi niya nakokontrol ang kanyang galit at mga negatibong emosyon at ang bulaklak lamang ito ang makakatulong sa kanyang kumalma." Sagot ni Erwan.
Sina Erwan ay kabilang sa mga angkan na naniniwalang darating ang piniling tagapangalaga ng kanilang kaharian at siyang makakatulong sa kanila para maliligtas ang kaharian nilang papawasak na.
Nagpalipat-lipat ang tingin niya kina Aya at Izumi.
"Hindi kaya isa sa kanila ang piniling tagapangalaga?" Sambit niya sa isip. Ang piniling tagapangalaga ng Ecclescia ay may kakayahang kontrolin ang kapangyarihang apoy ng iba. Kaya lang hindi siya sigurado sa kung sino kina Aya at Izumi ang tunay na nakakakontrol sa kapangyarihang apoy nina Bladimor.
"May isa ba sa inyo ang may kakayahang kontrolin ang kapangyarihang apoy ng iba?" Excited na tanong ni Erwan.
"Meron." Sagot ni Aya na ikina-excite pang lalo ni Erwan at kahit si Jinju ay nasasabik na ring malaman kung sino kina Izumi at Aya ang may ganoong kakayahan.
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious Land
JugendliteraturMagmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng harapan dinadaan lahat sa pagawa ng kalokohan. Kaya naman nakilala ang kanilang grupo bilang the bra...