Di makapaniwala si Aneysia dahil isa siya sa nabigyan ng regalo.
"Sa akin talaga to?" Gulat niyang sambit habang nakatingin sa pamaypay. Ang hangin na nalilikha nito ay may kakayahang i-freeze ang sinumang target ng kanyang isip.
Sinusunod din ng pamaypay ang anumang ninais ng wielder o holder nito. At kahit maagaw man ito ng iba kapag gustuhin ng holder na bumalik sa kanya ang pamaypay, babalik ito kahit kailan nito gusto.
"Maraming salamat nito. Salamat talaga." Naluluhang sambit ni Aneysia. Ito ang unang pagkakataong nakatanggap siya ng magic weapon at nasa mystic grade pa.
"Kapag magiging Mystic level ka na, magiging imortal grade din ang pamaypay na iyan. At maaari ka ng makipaglaban sa sinumang nasa Imortal level gamit 'yan." Paliwanag ni Steffy.
"Bakit puro yelo ang kakayahan ng mga magic weapon na bigay niyo?" Usisa ni Elder Cid na nakatanggap din ng isang spear na ang sinumang matatamaan nito ay magiging yelo.
"Dahil gawa sa enerhiya ng Frozen land ang mga enerhiya na nakapaloob sa mga magic weapon na iyan." Sagot ni Steffy.
Hindi niya ipinaliwanag kung kailan nila nagawa ang mga magic weapon at kung saan nila ginawa.
Sina Rujin ang gumawa sa magic weapon at ginawa nila iyon sa loob mismo ng Haimyr kasama ang iilan sa weaponsmith ng Bratty army. Kontrolado ni Steffy kung ano ang dapat makita at di dapat makita ng iba, kaya naman, walang kahit sino ang nakapansin nang pumasok sina Rujin at Geonei sa Haimyr habang nasa loob pa sila ng Frozen land.
Inikot-ikot naman ni Dennis ang natanggap niyang dagger na mula kay Rujin. Maaari niyang itapon kahit saang direksyon ang dagger niyang ito at isipin lang kung sino ang target, kusa ng pupunta ang dagger sa target na iniisip niya.
Maisip ang kakayahan ng mga batang ito na gumawa ng mga weapons na kayang kumunekta sa isip ng wielder, hindi niya maiwasang matakot sa grupo. Isang sandata lang ay pwede ng kumitil ng maraming buhay at di lang iisang sandata ang nagawa nila.
Si Master Biel naman, hinihimas ang pulseras sa wrist niya. Kapag ia-activate niya ang kapangyarihan ng pulseras na ito, magkakaroon siya automatic defense barrier na makakatulong sa kanya kung sakaling malalagay ang kanyang buhay sa panganib. Ang ikinatuwa niya dahil maaari niyang i-activate palage ang kakayahan ng pulseras na di mag-aalalang mauubusan siya ng enerhiya dahil hindi na niya kailangan pang gumamit ng Chamnian Tzi para magamit ang kapangyarihan ng pulseras.
At kahit gaano man kalakas ang atake hindi siya mapapahamak sa tulong ng pulseras na ito.
"Hindi ko alam na ang pasya kong gawing estudyante ang mga kabataang ito ang magbibigay sa akin ng napakagandang biyaya na magpapanatili sa aking kaligtasan habang buhay." Sambit niya.
Kitang-kita niya ang inggit sa mga gurong nagtaboy kina Steffy noon. Ang mga binigyan lamang ng mga regalo ay ang mga gurong tanggap ng buong puso, ang grupo nina Steffy sa Academy.
Ang di lang nila maintindihan na nakatanggap rin sila ng regalo gayong hindi naman nila nakausap kahit minsan ang sinuman sa mga kabataang ito. Pero minsan nga nilang naipagtanggol kapag may mga gurong nagsasabi ng masama sa mga kabataang ito.
Kahit ang tatlong kawal nagbabantay sa Mission guild ay may natanggap rin na regalo na labis nilang ikinagulat.
Halos lumuhod pa ang mga ito matuklasang magkakaroon sila ng automatic armor na hindi matatablan ng mga kapangyarihang nasa Mystic level pababa. At Matutulungan din silang mabawasan ang pinsala ng kanilang katawan kapag mga Immortal level ang aatake sa katawan nila.
Nagulat maging si Captain Leol na captain ng mga Arkian, nang makatanggap din ng regalo mula sa bratty gang. Isang hidden weapon ang ibinigay sa kanya na maaari niyang ilagay sa kanyang wrist o braso at ang matamaan ng hidden weapon na ito ay magiging yelo. At gaya ng ibang mga magic weapon nina Steffy, nakokontrol din ng isip ang hidden weapon na ito. Mahigit isang daang estudyante rin ang nakatanggap ng mga magic weapon. Hindi man kasing lakas ang mga weapon na natanggap nila sa mga weapon na natanggap nina Brix at sa grupo nito, napakalaking tulong na sa kanila lalong-lalo na sa kanilang kaligtasan ang mga sandatang iniregalo ng Bratty gang sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious Land
Teen FictionMagmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng harapan dinadaan lahat sa pagawa ng kalokohan. Kaya naman nakilala ang kanilang grupo bilang the bra...