Sa palasyo ng Zaihan empire, isang ibon ang pumasok sa loob ng throne room at lumapag sa sahig. Ilang sandali pa'y nagbago ang anyo nito at nagiging tao na ang katawan.
"Kamahalan, masamang balita." Hinihingal na sambit nito.
Tinatamad namang nag-angat ng tingin ang babaeng muntik ng maidlip sa kinauupuan.
"Ano yun?"
"Pinarusahan ni imortal Saimar ang prinsesa." Mabilis nitong sagot.
"Nagbalik na pala ang matandang yun?" Biglang napatayo ang babae na tila ba nawalang bigla ang kanyang antok. "Kailangan nating mailigtas ang anak ko."
"Ipakita mo sa akin kung ano na ang nangyayari. Kailangan kong mapanood kung ano ng nangyayari sa kanya."
Kinuha ang lalake ng baston at may lumabas na liwanag mula rito. Kumalat ang liwanag sa hangin at mula sa tinamaan ng liwanag makikita ang pangyayari na nagaganap sa CMA. Makikita muka roon na pinapanood ng mga Chamnian ang pangyayari sa Frozen land.
"Naglalaro lang naman pala sila. Nandisturbo ka pa." Sambit ng babae at muling umupo sa trono.
Kinusot naman ng lalake ang mga mata at muling tiningnan kung ano na ang nangyayari sa loob ng Frozen land.
"Kala ko pa naman nanganganib na ang prinsesa. Bakit parang nagfi-field trip lang sila? Buti nalang talaga at ayos lang sila." Sambit ng lalaki at tinapik-tapik pa ang dibdib saka huminga ng maluwag.
***
Nakatitig naman si Imortal Saimar sa mga kabataang nasa loob ng Frozen land. Ang mga batang ito ay may mga forbidden ability. Hindi lang yon, hindi malinis ang enerhiya na nakabalot sa katawan nila dahil may kasama itong destruction energy na hindi nababagay sa holy tribe.
Ang mga kabataang hindi dapat manatili sa Chamni dahil sa panganib na posibleng maidudulot ng mga uncontrollable nilang mga kapangyarihan. Ngunit base sa mga nakikita niya, kontrolado na ng mga kabataang ito ang mga kapangyarihan nila dahil kundi pa, paanong hindi na niya mabubuksan ang portal patungo sa Frozen land ayun sa kagustuhan niya?
Nakita niyang nanghuli na naman ng mga ligaw na kaluluwa ang bratty gang. Ito yung mga kaluluwa na naiwan sa loob ng Frozen land. Sila ang mga Chamnian o Mysterian na namatay sa loob at di na nakakalabas pa.
Nang lumabas ng muli sina Steffy napansin nilang kakaiba ang tingin ng mga Chamnian sa kanila. Kulang nalang yata lumuhod sila.
"Ehem." Tikhim ni Saimar. "May dalawa pa kayong parusa. Kaya pumunta na kayo sa ikalawang pagsubok."
"Pero bago yun ibalik niyo muna sa akin ang kontrol sa portal patungo sa frozen land."
"Bakit sa amin niyo sinasabi? Wala naman po kaming kinalaman tungkol sa kontrol na sinasabi niyo." Nagtatakang sambit ni Steffy. Wala naman siyang alam sa kung ano ang kontrol na iyan.
"E bakit kayo nakalabas kahit di ko naman binuksan ang lagusan palabas?" Nagtataka namang tanong ni Saimar.
"Hindi na po namin yan kailangan pang sagutin. Dalhin niyo na po kami sa second vacation este punishment po." Sagot naman ni Steffy at tumango-tango naman ang mga kasamahan.
Makitang excited ang mga bata, naisip niyang kahit may mga malalakas itong mga kapangyarihan walang silbi ang kapangyarihan ng mga ito pagdating sa bloody river.
"Hindi kayo takot sa frozen land dahil walang mga halimaw sa lugar na iyon. Pero sa lugar na mapupuntahan niyo ngayon may maraming mga halimaw na kumakain ng mga Mysterian na may mga Mysterian energy."
Makitang wala paring negative reaction ang mga kabataan naisip niyang siguro di lang nila alam kung gaano kapanganib ang mga halimaw sa bloody river.
"Kahit gaano pa sila kalakas, ano bang laban nila sa mga halimaw sa loob ng bloody river?" Sambit naman ni Eshra. Nasasabik na ring makita kung paano magmamakaawa ang mga kabataang ito kapag naaagrabiyado na sa nasabing lugar.
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious Land
Teen FictionMagmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng harapan dinadaan lahat sa pagawa ng kalokohan. Kaya naman nakilala ang kanilang grupo bilang the bra...