Sumulpot sina Steffy sa tapat ng isang matayog na pader. May matigas na bagay ding nakaharang dito na parang isang transparent glass.
Napaawang ang bibig nina Zin dahil ito ang unang pagkakataon na nakapag-teleport sila na hindi man lang nakaramdam ng pagkahilo. Saka nakatayo lang sila kanina nang bigla na lamang nagbago ang kanilang paligid. Iyon lang at nasa ibang lugar na agad sila.
Si Asana naman nagtatalon sa tuwa.
"Steffy. Steffy. Nakakapag-teleport na ako. Nakapag-teleport na ako di natin kailangan pang parang dumaan sa manhole." Halos pitpitin na si Steffy sa kakayakap kaya naman hinila ni Steffy ang pinsan para mabitiwan siya ni Asana.
Si Sioji na bigla nalang hinila nagtatakang nakatingin kay Steffy. "Ito na Asana. He's all yours to flatten. Wag ako. Ayaw ko pang mamatay." Sabi ni Steffy na ikinasimangot ni Asana at ikinabitaw sa kaibigan.
"Bakit si Sioji pa? May iba naman diyan na dapat mong hilahin e. Pwede rin si Zin." Sabi naman ni Rujin.
Napalunok naman ng laway si Zin nang maramdaman ang panlalamig sa paligid niya. Wala sa sariling napatago siya sa likuran ni Steffy habang iniiwasan ang matalim na tingin ni Sioji.
"Kapag nagselos si insan nang dahil sayo at bugbugin si Zin patay ka sa akin." Banta naman ni Steffy.
"Anong nagseselos?" Angal ni Sioji.
"Bakit ka umangal? Ikaw ba kausap ko?" Sagot naman agad ni Steffy sabay ikot ng mga mata.
"Mamaya na kayo magtatalo. Gumawa muna kayo ng paraan kung paano tayo makakalabas ng harang na ito." Sabi naman ni Izumi.
"Problema ba yon?" Tanong ni Hyper sabay hila kay Steffy.
"Bakit ako? Alam niyo namang tatagos lang ako o." Sabay taas ng kamay niya at lumusot ang mga daliri niya hanggang wrist sa kabilang harang.
"Kung basagin mo kaya." Suhestiyon ni Arken.
"Sandali lang susubukan kong lumabas." Sabi ni Steffy at tumawid siya sa harang.
Napapigil siya ng hininga at namilog ang mga mata dahil sumalubong sa kanyang paningin ang mga dibdib na nababalot ng pulang bakal na suot ng mga scarlet knight. Nakatulala rin ang dalawang scarlet knight na nakatingin sa isang magandang pares na mga mata na kumurap-kurap sa tapat nila. Bago pa man sila makapagsalita mabilis na bumalik si Steffy sa kinaroroonan ng mga kasama.
"Anong nangyayari sayo?" Nagtatakang tanong ni Asana makitang parang posteng nakapako sa kinatatayuan si Steffy. Ilang sandali pa'y bigla itong nagsalita.
"May mga kawal sa labas na may kulay pulang mga kasuotang pandigma." Dinukdok ang dibdib gamit ang isang kamao sa bilis ng tibok ng puso nito. Nabigla nga kasi siya kanina. Kaya halos tumalon na palabas ang puso niya sa sobrang bigla. Hindi kasi niya inaasahan na iba ang paligid na nakikita nila habang hindi pa nakakalabas sa harang at iba din kapag nakalabas na ng harang.
Sa likod ng harang kasi ay ang matayog na puting pader at ito ang nakikita nila ngayon. Hindi nila inaakalang iba pala ang nasa likod ng harang at hindi pader kundi mga kawal na nagbabantay sa bawat hangganan ng harang.
"Sayang talaga, hindi ko na nagagamit ang super vision ko." Sambit ni Steffy ngunit napatigil siya.
"Paano ko malalaman kung di ko pa nasusubukan di ba?" Sambit niya sa isip at ipinukos muli ang tingin sa iisang direksyon kaso nadismaya siya dahil walang nangyari.
"Isa kang Zaihan. Hindi ka naapektuhan ng ano mang mga restriksyon, harang, ilusyon o anupaman." Sambit niya sa isip.
Pumikit siya habang paulit-ulit na sinasabi sa sarili ang katagang iyon bago dahan-dahang ibinuka ang mga mata.
BINABASA MO ANG
The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious Land
Teen FictionMagmula nang mapunta sina Steffy at Asana sa Mysteria, marami silang nakasalubong na mga nagiging kakampi at nagiging kaaway. Sa halip na lumaban ng harapan dinadaan lahat sa pagawa ng kalokohan. Kaya naman nakilala ang kanilang grupo bilang the bra...