Chamni 30: Red flame fox

1.9K 194 52
                                    

Natanaw nina Steffy ang isang babaeng nakasakay sa likuran ng isang kulay dilaw na malaking leon na katulad sa dilaw na apoy ang mga balahibo.

"Isang fire Lion." Sambit ni Arken makita ang magic beast ng Haria umano ng mga Vergellia.

Nagsitabihan naman ang mga Chamnian na nakaharang sa daraanan.

May mga tagapagbantay na nakasunod sa babae. Patungo sila sa kung saan nagkukumpulan ang mga Chamnian kanina.

Nakisiksik naman sina Steffy at pinanood ang babae na lumapit sa mga magic beast na nakakulong sa mga malalaking hawla.

Bihira lamang ang mga beast tamer sa Mysteria, maging sa buong Chamni at nabibilang lamang sa mga daliri ang sinumang may ganitong kakayahan. Kaya naman, hinahangaan ng lahat ang sinumang beast tamer at isa na dito si Daniela na isa sa kilalang beast tamer sa Chamni.

Makita ang paghanga sa mga mata ng mga kapwa Chamnian mas lalo namang tumaas ang noo ni Daniela.

"Gusto ko ang magic beast na yan." Sabay turo sa isang magic beast na may pulang mga balahibo at katulad sa isang asong lobo ang katawan.

"Ang cute ng magic beast na yan." Sambit ni Aya na isa sa mahilig sa mga cute.

"Isang red flame fox. Mas mapanganib pa iyan kaysa sa mga warrior beast." Sagot ni Sioji.

"May sugat ang red flame fox bakit nila hinahayaan? Hindi ba't ipinagbabawal ang pananakit sa mga magic beast?" Tanong ni Steffy.

Napatingin sila sa iba pang mga magic beast. Nasa anim ang mga ito at lahat nakatingin ng masama sa mga Chamnian na nasa paligid.

"Bakit ikinulong nila ang mga magic beast na iyan? May mga sugat pa sila. Hindi ba't ang mga magic beast mismo ang namimili kung sino ang dapat nilang pagsilbihan bakit sila pinapaamo ng pilit?" Di makapaniwalang tanong ni Steffy.

Sa pagkakatanda niya, iba ang patakaran sa Mysteria at sa Chamni. Sa Chamni, ang mga magic beast ang mamimili kung sino sa mga Mysterian o Chamnian ang gusto nilang pagsilbihan. At malaya din silang hindi magsilbi sa mga Chamnian.

Kung gusto ng sinuman na magkaroon ng tapat na magic beast, kailangan muna nilang kunin ang loob ng magic beast na gusto nilang mapaamo. Para sumunod ang mga ito sa anumang ipag-uutos sa kanila ng sinumang Chamnian na kanilang pagsisilbihan. Pero syempre, bago sila makipagtulungan sa sinumang Chamnian, may mga kondisyon din ang mga magic beast na dapat maibibigay din ng mga Chamnian bago sila magiging magic beast o contract beast ng mga ito.

Hindi sapilitang pinapaamo ang mga magic beast o pinipilit maging alipin o contract beast ng ibang nilalang. Ngunit sa nakikita nina Steffy ngayon, kapansin-pansin ang galit ng mga magic beast na ito sa mga Mysterian at may nakatago ding takot sa kabila ng matatapang nilang mga tingin.

"Di ba mga holy clan ang mga Chamnian pero sa nakikita ko, wala naman pala silang pinagkaiba sa Mysterian." Sabi naman ni Asana.

Isa sa mga Mercenary ang nakarinig sa kanilang usapan at hindi nito napigilan na sumagot.

"Wala ng sumusunod sa patakaran na yan. Ang sinong mas malakas lamang ang siyang magwawagi at siyang dapat sinusunod." Paliwanag ng lalake.

Alam niyang may iilang mga clan pa rin ang nagpapanatili sa kapayapaan sa pamamagitan ng mga Chamnian at mga magic beast. Ngunit, kadalasan sa mga Chamnian, nanghuhuli na ng mga magic beast at sapilitang pinapaamo at ginawang slave beast. Kung saan napipilitan ang mga magic beast na gawin ang anumang gustong ipagawa sa kanila ng mga master nila sa ayaw at sa gusto nila.

Uso na ngayon ang pamimihag ng mga magic beast, at uso na rin ang pagkain sa mga laman ng mga magic beast na di ginagawa ng mga dating Chamnian. Dahil mas napapabilis ang pagpapalakas ng mga Chamnian kung kinakain nila ang laman ng mga magic beast at nakakatulong din ito sa pagpapatibay ng kanilang mga katawan at mga buto.

"Mukhang nakakulong lamang kayo sa paaralan niyo. Dahil kundi pa, bakit wala kayong alam sa mga pangyayari sa labas?" Tanong pa ng lalake lalo pa't nakikita niyang mga bata pa lamang ang mga kaharap at may kakaibang mga ganda.

Hindi niya napansin kanina dahil simple lang ang mga kasuotan nila ngunit ngayong nakaharap na niya ang mga kabataang ito at natingnan ng mabuti ang kanilang mga mukha, saka niya napansin na may mga aura sila at mga kilos na hindi katulad sa mga karaniwang mga kabataan lamang. Lalo na't may mga mukha silang hindi rin pangkaraniwan.

Kadalasan sa mga kabataan ng Chamni ay nasa mga Academy. Nag-aaral ang mga ito, may talent man o wala. Bihira lang ding makakakita ng mga kabataang hindi nag-aaral sa kontinente ng Chamni. Kabilang din sa batas ng kontinente ng Chamni, na ang sinumang nasa 25 pababa ang edad ay kailangang mag-aral at ang di susunod sa batas ay mapaparusahan.

May mga paaralan na hindi pinapayagan ang mga estudyante na lumabas maliban na lamang kung may mapapatunayan na sila at kaya ng protektahan ang sarili. Iyon ay para matiyak ang kaligtasan ng sinumang mga kabataan sa Chamni.

Malalagay lamang sa alanganin ang mga buhay nila kapag dadaan na sila sa mga pagsubok na inihanda ng mga paaralan para sa kanila.

Nang makita sina Steffy, naisip ng lalaking ito na isa sina Steffy sa mga estudyanteng pinagbabawalang lumabas at ngayon lamang muling nakalabas ng kanilang paaralan.

Napangiti si Daniela makitang napipigilan na niya ang kapangyarihan ng red flame fox. Kinakalaban ngayon ng kanyang mental energy ang kapangyarihan ng magic beast na ito. Hindi naman umaatras ang red flame fox at kahit hinang-hina na ito, nilalabanan pa rin niya ang kapangyarihan ng babaeng gustong komontrol sa kanya.

"Mamatay na ba ako? Katapusan ko na ba?"

"Ayokong maging alipin ng mga Mysterian na ito kahit Chamnian pa sila."

"Ayokong mawalan ng kalayaan habang buhay."

"Mas pipiliin ko pang mamatay na lamang kaysa magiging alipin ng mga Mysterian na ayaw kong pagsilbihan." Ito ang mga salitang binibitiwan ng red flame fox. Ngunit ungol lamang ang maririnig ng mga Chamnian dahil hindi rin naman nila maiintindihan ang mga pananalita ng mga magic beast.

Naramdaman na niya ang paninilim ng paningin at tila ba ikinukulong ang kanyang conciousness sa isang madilim na lugar. Kung tuluyan ng makulong ang kanyang conciousness, magiging puppet na siya ng sinumang magiging master niya.

Unti-unti na siyang nawalan ng pag-asa at ipinikit na lamang ang mga mata ngunit bigla ring naidilat at muling hinanap ang pares ng mga matang nakita niya kanina. Muli siyang nabuhayan ng pag-asa at tila ba nagkaroon siya ng extrang lakas dahil nagawa niyang tumayong muli at binanggaan ang bakal na nakaharang sa kanya. Kaya lang napaungol siya at nagpagulong-gulong sa sahig sa sakit na nararamdaman nang mapadikit ang kanyang katawan sa rehas.

May magic charm kasing nakabalot dito at masasaktan ang sinumang mapapadikit sa rehas na bakal na ito.

"Imposible. Paano nangyari?" Gulat na sambit ni Daniella. Makukontrol na sana niya ang magic beast pero bigla na lamang itong nakatayo na tila ba nakakita ng savior?

At kahit namimilipit na ito sa sakit humarap pa rin ito sa isang direksyon na tila ba humihingi ng tulong. Kaya naman napatingin si Daniella sa kung saan nagmamakaawa ang magic beast. Ganon na rin ang mga Chamnian sa paligid.

Napatulala pa si Daniella makita ang mga nagagandahang mga mukha at nainggit pa sa ganda ng grupong ito ngunit napawi rin ang paghanga niya makitang simple lamang ang suot nilang damit.

"E ano naman kung may mga mukha silang parang mukha ng mga Diyos at Diyosa? Mahihirap lang naman sila." Sabi niya sa sarili.

"Ang gaganda nila."

"Tingnan mo talo pa nila ang mga Haria at mga Jumei at Shimei sa lugar na ito."

"Para silang mga prinsipe."

"Kapag pinagtabi mo sila kay Haria Daniella, nagmumukhang alalay ang Haria. Ano pa kaya kung nakasuot na sila ng magarang damit?"

Dumilim naman ang mukha ni Haria Daniella sa narinig. Siya na hinahangaan at tinitingala ng lahat magmula sa pagkabata ihahalintulad lamang sa mga mahihirap at ano yon? Mas mapagkakamalan pa siyang alalay? Tumaas bigla ang dugo niya sa narinig at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kinaroroonan nina Steffy.

***

The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon