Chamni 4: Mahalagang bato

793 75 22
                                    

"Sioji, bakit ang daming tao?" Tanong ni Asana nang makalabas siya sa kakahoyan at natagpuan si Sioji na naguguluhan din katulad niya.

"Ewan ko. Tumakbo lang naman ako dahil hinabol ako noong halimaw na ang panget ng ulo tapos may nakita akong maliit na butas sa isang harang kaya pinasok ko na." Paliwanag ni Sioji.

Paglabas kasi niya sa harang na nakapaligid sa kabundukan ng Jinoma, sinalubong na agad siya ng mga kawal at sinuri kung ayos lang ba siya. Binati pa dahil sa katapangan niya.

"Ano kayang meron?" Tanong pa ni Asana makitang nilapitan siya ng isang healer.

"Ayos ka lang ba? Anong nangyayari sa loob? Kumusta na ang iba?" Sunod-sunod na tanong ng babaeng healer sa kanya.

Napakamot naman si Asana ng ulo. Nakita niyang may mga hinahabol na halimaw kahapon kaya naman naisipan niyang tumulong mapansing sugatan sila, at kahit ano mang oras ay babagsak na. Kaya naman siya ang nagpahabol. Noong una, inaakala niyang magagamit niya ang kanyang kapangyarihan kaso hindi niya nagagawa. Mabuti nalang at mabilis parin siyang tumakbo kahit hindi na kasingbilis ng dati. At nagpapasalamat na rin dahil nagagamit parin naman niya ang Flying spell. Kaya natakasan parin niya ang Deiyo beast.

Kaya lang, hindi niya inaasahan na tuwang-tuwa ang mga Chamnian na nakaabang sa ibaba ng bundok na ito nang makita sila.

Iilan pang mga kabataan ang nagsilabasan. Sila ang mga kabataang sinundan sina Sioji at Asana.

Ang lugar na napuntahan nina Asana ay ang bayan ng Alastanya. Isa sa mga bayan ng Zaihan kingdom. At nasa northern part ito ng Jinoma mountain.

Tinanong ng mga Arkian kung paano nakalabas ang anim na mga kabataang Chamnian at ang sagot nila iyon ay dahil sinundan nila sina Sioji at Asana. Kaya naman laking pasasalamat ng mga pamilya at kakilala ng mga kabataang ito kina Sioji at Asana.

Nagkatinginan tuloy sina Sioji at parang gustong tumakas dahil sa mga pasasalamat at papuri ng mga Chamniang hindi nila kilala.

***

Sa pagtutulungan ng mga Chamnian natalo rin nila ang Mystic elite level Deiyo beast. Makitang wala ng problema palihim ng umalis sina Steffy at Rujin.

Napatingala sila makita ang mga naka-battle armor na mga Chamnian ang nagsitalunan pababa mula sa maliliit na portal na bigla na lamang lumitaw sa himpapawid.

"Wow! May ganito ding kakayahan sa lugar na ito. Feeling ko di na ako alien." Masiglang sabi ni Steffy pero natigilan makitang nilapitan siya ng apat na lalaking nakasuot ng pulang battle armor. Hindi na halos makikita ang mukha nila dahil nababalot sila ng armor mula ulo hanggang paa.

"Mabuti at nakaligtas kayo. Ilalabas na namin kayo." Sabi ng isa sa mga kalalakihan at bago pa man makaangal ang dalawa, nagbago na agad ang kanilang paligid at sumulpot sa isang bulwagan.

"Matatapang na mga bata. Wala man lang ni isa sa inyo ang nagalusan. Kaya karapat-dapat kayong mapunta sa CMA." Salubong ng matandang may mahabang balbas sa kanilang dalawa na ipinagtataka nila.

"CMA?" Tanong ni Rujin sabay tingin kay Steffy.

"Oo. Ang pinakaprestihiyosong paaralan sa buong kontinente." Sagot ni Elder Cid.

"Academy?" Namilog ang mga matang tanong ni Steffy. Ito ang bagay na pinakaayaw niyang marinig. Basta academy ayaw niya talaga. Kasi ayaw niyang mag-aral. "Sir, Mister, ginoo, lolo. May sugat po ako." Mabilis niyang sambit at agad na natumba sabay patay-patayan. Tinisod pa si Rujin para matumba rin.

"Steffy naman e. Maalikabok ang sahig." Angal ni Rujin pero makitang sinamaan siya ng tingin, mabilis siyang pumikit.

Nabahala na sana si Elder Cid. Pero makita ang palihim na pagbuka ni Steffy ng mga mata na tila pinagbabantaan si Rujin bigla na lamang siyang natawa sa pagpapanggap ng dalawa. Hindi niya maiwasang maaalala ang batang pasaway na minsan na niyang naging estudyante siyam na taon na ang nakakalipas. Pinakaayaw ng batang iyon ang mag-aral kaya lahat nalang ng pagpapanggap ay ginawa na. Kahit na limang taon pa lamang ito sa mga panahong iyon.

"Kung buhay pa siya, malamang magkaedad lang kayo." Sabi ni Elder Cid habang nakatingin kay Steffy at mapapansin ang pagdaan ng lungkot sa kanyang mga mata.

"Buhusan sila ng maduming tubig." Utos niya sa mga kawal na nagdala kina Rujin at Steffy.

Mabilis namang napabangon sina Steffy at Rujin.

"Bakit maduming tubig pa? Masisira ang ganda ko." Reklamo ni Steffy. Tumawa naman ng malakas ang matanda. Kahit ang apat na mga kawal ay natatawa sa pakulo ng dalawang kabataang ito.

Ibang-iba ang reaksyon ng dalawang batang ito sa mga nailigtas nila mula sa loob ng Jinoma mountain. Halos lahat ng mga nakalabas sa bundok ay makikitaan ng takot, o ba kaya ay pagod. At labis ang tuwa ng mga kabataang iyon matuklasang nakalabas na sila mula sa mapanganib na lugar. Kaya lang ang mga batang ito, parang hindi naman nanggaling sa mapanganib na lugar at hindi rin natutuwa ng malamang kabilang sila sa maaaring makapasok sa CMA.

Umatras-atras naman si Steffy at nang makakita ng chance bigla silang tumakbo ni Rujin. Kaya lang may malakas na pwersa ang humatak sa kanila pabalik.

"Sir, di po kami estudyante. Naligaw lang po kami sa lugar na iyon." Sabi ni Steffy at napanguso.

"Bigla na lamang naglaho ang mga harang sa buong kontinente na naging dahilan ng pagkabahala at takot ng mga Chamnian, wag mong sabihing kagagawan niyo iyon?" Tanong ni Elder Cid. Gusto lang niyang subukan sina Steffy kung anong katwiran ang maisipan nilang isagot.

"Kapag sinabi kong kami ang dahilan sasabihin mong pagbabayaran namin. Tapos itatali mo kami sa CMA. Pero kapag sasabihin kong hindi kami at wala kaming kinalaman sa paglaho ng harang ibig sabihin isa kami sa mga kabataang pumasok sa Jinoma kaya ipapasok mo parin kami sa CMA. E kung sasabihin kong taganood lang kami?" Napapitik pa sa ere si Steffy sa naisip. " Taganood lang kami. Para kasing ang gandang manood ng live scene."

Elder Cid: "..."

Hindi niya inaasahan na ito ang isasagot ni Steffy. Nahulaan pa ang pinaplano niya?

"Anong taganood ka diyan? Sinong baliw bang pupunta pa sa mapanganib na lugar para lang makapanood ng laban?" Tanong ng matanda.

"Wala. Pero dyosa meron. At ako yun?"

"Hindi ko talaga alam na dyosa ka pala. Hindi kasi halata e." Bara ni Rujin na ikinatalim ng tingin ni Steffy.

Ilang sandali pa'y may mga nagsidatingan pang mga Chamnian at ito ang grupo nina Brix at Travis. Kasama nila sina Lyka at iba pa.

Napansin nilang nagsiluhuran ang iba maliban kay Brix na nakapamulsa lamang at napatingin kina Steffy at Rujin na nakatayo sa tabi ni Elder Cid.

Naglakad palapit sa kanilang dalawa si Brix at inabot ang maliit na bato. "Naiwan mo." Sabi nito.

"Madami pa akong bala ng slingshot a. Pero pwede na rin to." Kukunin na sanang muli ang bato pero ikinuyom ni Brix ang palad.

"Bala ng slingshot?" Sabay tingin ni Brix sa hawak niya. Ito yung batong pinanggalingan ng protection barrier na ginawa ni Steffy. Pero bakit sinasabi nitong bala lang niya ito ng slingshot.

"Oo. Ginagawa kong bala ng slingshot ko." Sagot ni Steffy.

"Kaya naman pala." Sabi ni Dennis sabay pakita sa apat na batong nakuha nila mula sa katawan ng Deiyo beast na nakalaban nila.

"Isa itong ability nullifier. Bakit meron ka nito?" Tanong ni Dennis.

"Bala ng slingshot ko. Nullifier pala yan?" Sa dami ng mga batong kinuha nila at dinala, nagkahalo-halo na ang mga ordinaryong mga bato at mga batong may mga kapangyarihan. Saka ang mga ordinaryong mga bato para kina Steffy ay ang mga Mysterian ores lamang na sagana sa mga Mysterian ki.

"Hindi namin alam na nullifier pala yan." Sabi ni sagot ni Rujin.

Napangiwi naman si Dennis. Ang mga mahahalagang batong hindi nila halos matagpuan sa Chamni ginagawa lang bala ng slingshot ng dalawang batang ito? Alam nilang mga kilala at mga mahaharlika lamang ang nakakahawak ng ganitong uri ng mga bato kaya di nila maiwasang maitanong kung ano ba ang background ng mga batang ito.

***

The Journey Of The Bratty Chosen Ones V-3: Journey To Mysterious LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon